Chapter 47

21 2 0
                                    

Patakbo kong inakyat ang hagdan. Alam kong nagkatinginan sina Ana, Jeffrey at Tita Elizabeth...

Pumasok ako agad sa kwarto at ni lock ang pinto. Nagkulong ako sa loob niyon. Umupo ako sa gilid ng kama habang nakayuko.

Dinig na dinig ko ang katok ni tita. Dinig ko din ang bawat pagtawag niya sakin ng jennie.

Sa bawat pagkatok ng pinto, unti- unting bumabalik sakin ang nakita kong krimen. Ang krimen na nangyari dito sa bahay na ito.

Napapaluha na lang ako habang sumasagi sa isip ko ang mga nangyayari... pagod na akong umiyak, pagod na akong mag isip. Pagod na ako sa lahat.

Biglang napako ang tingin ko sa relo. 11:30 pm na pala. Tumayo ako at tinungo ang kama. Humiga ako at nagkumot. Nagkumot ako kahit hindi naman malamig. Dati-rati bago ako matulog meron humahalik sa noo ko. May mag go-goodnight sakin at yayakapin ako. Ngayon wala na, mag isa ko na lang....umiyak ako ng umiyak. Hanggang sa nakatulog na lang ako....

....................

Nagising akong may sikat na ng araw sa loob ng kwarto ko...agad akong bumangon.

" good morning jennifer" sabay himas ko sa kama na nababalutan ng kumot.

" jennifer, gumising ka na kasi, umaga na oh" sabi ko at inalis ko ang kumot.

" ay! Unan lang pala" napayuko.

" iniwan na naman ako ni jennifer" inis kong sabi. Agad-agad akong tumayo at pumasok sa banyo upang maghilamos. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan.

" im sure, na masarap na masarap ang luto ni mama ngayong araw na ito, hmmmf, ang bango" sabi ko. Pagkababa ko agad akong pumasok sa kusina. " good morning kakambal pa, pa uns......." Napahinto ako.

Hindi sila mama, papa, unso at  jennifer ang nakita ko... napayuko ako.

" anak, gising ka na pala, halika mag almusal na tayo" sabi sakin ni tita.

Tumalikod ako.

" anak, halika na, kailangan mong kumain, dahil kagabi ka pang walang kain."

"Wala akong gana, tita, sige po, akyat muna ako,"

"Teka jennie, pumunta dito si edward kanina, hinahanap ka, sinabi ko na lang na natutulog ka pa"

" pag maghanap siya ulit pakisabi na lang na wag na lang siya pumunta dito, salamat tita".

Umalis na ako, umakyta ako ng hagdan at pumasok sa kwarto at ni lock ang pituan. Akala ko, sina mama ang nagluluto, hindi pala. Akala lang pala ang lahat...

Humiga ako, wala akong ganang bumangon. Gusto kong magmukmok dito sa kwarto. Gusto kong mapag isa. Mag isip...

Bigla kong naisip na lumabas ng bahay. Oo! Gusto kong lumabas ng bahay. Para kahit minsan makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Agad-agad akong bumangon at nagbihis. Jacket at may shoulder bag pa ako. Nagkalo ako. Lumabas ako ng kwarto. Agad-agad akong lumabas ng bahay. Narinig kong tinawag ako ni tita.

" jennie, teka! San ka pupunta?" Agad-agad itong lumabas ng kusina.

Ni hindi man lang ako nagpaalam sa kanila..

Paglabas ko ng bahay, nakahinga ako ng maluwag. Nilanghap ko ang sariwang hangin. Ang ganda talaga ng gubat. Pagtignan ko ng malayo napakaganda.

Bigla akong napatingin ng may makita akong tao. Lalaki. Tinignan ko lang ito. Umupo siya sa may damo. Sumigaw. Pero hindi ko mawawaan kung ano ang sinigaw niya. Tumingin ako ulit sa malayo..

"Hey!"

Napatingin ako sa lalaki. Ngumiti ito.

" can you join with me?" Tanong niya sakin.

Tinignan ko lang siya. At muli akong tumingin sa malayo. Pinikit ko ang aking mga mata ang nilanghap ang sariwang hangin kahit papano naibsan ang sakit ng aking nararamdaman. Napukaw ako sa pagmumuni-muni ng may lumapit sakin.

"Hey!" Aniya.

Tinignan ko lang siya.

" im elthon, remember? And you are jennie right?"

Tumango lang ako at tinignan lang siya. Oo, si elthon pala ang lalaking nabangga ko. Sa wakas nagkakakilala na kami....

Mysterious (COMPLETE)Where stories live. Discover now