Chapter 37

8 2 0
                                    

"hanggang dito na lang tayo" aniya.

Napahinto kami sa kagubatan. Teka! Parang napuntahan ko na ang lugar na 'to ah, hindi ko lang alam kung saan at kung kailan, basta ang alam ko parang nakapunta na ako dito...Nagpalinga-linga ako... binitiwan na niya ang kamay ko, na kanina ay hawak-hawak niya.

Umalis na siya. Naiwan akong nag iisa sa kagubatan. Siguro dito muna ako magpapalipas ng gabi. Pansamantala.

Napaupo ako sa may puno. Naghihintay, nagbabakasali na baka dadating pa si elthon. Si elthon nga ba yun? Bahala na! Basta para sakin si elthon.

Naghintay ako ng naghintay pero ni anino niya, hindi ko na nakita. Dumidilim na din ang gabi. Baka siguro hindi na niya ako babalikan. Tumayo ako at pinagpag ang dumi sa katawan ko... habang pinapagpag ko ang katawan ko na bigla ako ng may humawak sa balikat ko. Agad akong napaangat ng tingin.

" nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap eh" alalang sabi sakin ni edward. Agad naman niya ako niyakap.

Hindi na ako nakapagsalita. Hinayaan ko na lang siya na yakapin ako.

" umuwi na tayo jennie, hinihintay ka na nila" aniya.

Napakalas ako sa pagkakayakap ni edward. Napatingin siya sakin, nagtatataka.

"Bakit jennie? Ayaw mo na ba silang makasama't-makita?" Tanong niya sakin.

"Ayoko edward, dito na lang ako, mas ok pa ako dito, alam ko pag dito ako safe ako. Hindi tulad dun sa bahay."

"Jennie, wag kang matakot sa kanila. Natural lang sila na ganun magalit, kaya sumama ka na sa akin"

Akmang hahawakan na niya ako ng may magsaglita.

"Wag mong pilitin kung ayaw sumama" aniya. Boses lalaki ito.

Napalingon ako at napatingin naman si edward sa likuran ko.

Andito na naman ang walang mukha. Bat ba lagi ito nandito sa tabi ko? Sino ba talaga ito?

" ikaw na naman!" Sabi ni edward sa lalaking walang mukha.

Napatingin ako kay edward. Nagtataka. Magkakakilala sila? Panong nangyari?  Tanong ng isip ko.

"Wag kang mangi alam ok?" Galit na sabi ni edward.

Hinawakan ako ni edward sa kamay. Nabigla ako ng hawakan din ng lalaking walang mukha ang kamay  ko...

"Hindi ko siyang hahayaan na sumama sayo" sabi ng walang mukha kay edward.

"Alam mo, lahat na lang ng akin kinukuha mo. Wala ka na ngang tinira, pati ba naman si jennie kukunin mo na din sakin?" Aniya.

Napatingin ako sa kanya.. anong pinagsasabi ni edward? Parang kilala niya na talaga ang lalaking ito.

" wala akong kinuha sayo. Wag kang magsalita ng ganyan" aniya ng walang mukha.

" madami, kaya pabayaan muna nga kami" ani edward.

Binalingan ako ni edward habang hawak ang isang kamay ko.

"Halika na jennie!" Pasigaw niyang sabi sakin.

" hindi nga siya sasama sayo! Dito lamg siya, baka kung mapano pa siya dun sa kubo na yun" walang mukha.

" ako ang bahala kay jennie, kaya wag ka ng umepal pa! Kung ayaw mo may masamang mangyari sayo." Makahulugang sabi ni edward sa lalaking walang mukha.

" ayoko nga edward! Ano ba!" Pagpupumiglas ko.

" bitiwan mo na siya, hindi mo ba narinig? Ayaw niya daw sumama" aniya.

" wala pa akong gusto na hindi ko nakukuha, tandaan niyo yan! Kaya, halika na, sumama ka na sakin!"

" ayoko nga! Ayoko! Ayoko! Bitiwan mo na nga ako, nasasaktan na ako eh" Pagpupumiglas ko habang paulit-uli kong sinisigaw yun.

" nasasaktan na ang babae. Kaya kung ako sayo bitiwan muna siya." Sabi ng walang mukha

Nagpupumiglas ako hanggang sa sumuko ni si edward. Umuwi na lang siyang mag isa.

Mysterious (COMPLETE)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora