Chapter 65

3 1 0
                                    

" isa lang jennie" aniya.

Napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang hawak nitong baso na may laman na alak.

" ayoko Miguel"

Hinawakan ko siya.  Pilit ko siyang hilain para makalayo sa magulong lugar na yun. Pero hindi siya tumitinang sa kanyang kinatatayuan. Inakbayan niya ako.

" jennie,  isang inom lang ang hinihingi ko,  sana pag bigyan mo naman ako. Wag mo akong ipahiya sa mga barkada ko" aniya.

Napatingin naman ako sa kaibigan nito.  Nakatingin din ito sa amin. Tama nga si Miguel,  pag humindi ako 'tyak mapapahiya siya. Atsaka isang tagay lang naman ang hinihingi niya..

Kinuha ko sa kamay niya ang baso na may laman ng alak. Napatingin ito sa akin.  Nag hiyawan naman ang mga kaibigan niya. Ngumiti ako sa kanya,  sa kanila.  Inamoy ko ang alak.  Ang baho naman,  pero kailangan ko 'tong inumin. Tumingin ulit ako kay Miguel nakatingin naman ito sa akin.

Napayuko ako,  agad kong ininom ang alak. Napangiwi ako sa sobrang ibang lasa nito. Napaubo ako.  Napaangat ulit ako ng tingin ng bigyan ako ulit ni Miguel ng isa pa. Napatingin ako ulit kay Miguel.

" last na jennie,  wag mo akong hindi-an,  wag mo akong ipahiya sa kanila"

Tinuro nito ang kaibigan niya.  Napatingin naman ako dito.

Kahit ayoko na,  kinuha ko pa rin ang dala nitong alak. Atsaka last na 'to.  Ininom ko ulit.  Medyo umikot lang ng kaunti ang paningin ko.. 

Ang isang tagay,  naging paulit-ulit ito. Hanggang sa nahihilo na ako.  Sapo ko ang aking ulo. Napaupo ako. Katabi ko sa upuan si Miguel. Natagpuan ko ang sarili kong parang sanay ng uminom ng alak habang sumusunod ako sa indak ng ibang tao at ng tugtog. Nakikita ko din si Miguel na tumatawa habang umiindak din ito.

Ang alam ko sa panahon ngayon ay sumayaw,  pakiramdam ko wala na akong problema. Indak lang ako ng indak... Napatingin ako ng hawakan ng kaibigan ni Miguel ang kamay ko. Kanina pa ito nakatingin sa akin.

" jennie,  halika!  dun tayo" aniya. 

Nakatingin ako sa itinuro ng kaibigan nito. Silid?  Sa isip ko. Anong gagawin namin sa silid na yun.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong sumama sakanya habang hawak nito ang kamay ko.

Ng nasa harap na kami ng pinto.  Napahinto ako habang sapo ko ang aking ulo.

"Oh!  Bakit jennie?  Halika na,  magpapahinga tayo" aniya.

Hinawakan niya ako sa balakang. Napatingin ako sa kanya habang hawak ko ang aking ulo. Unti-unti niyang binubuksan ang pintuan ng kwarto. Iginaya niya ako paloob habang nagpapalinga-linga ito.

Naramdaman ko na lang na inihiga ako sa isang sofa. Narinig ko din ng isarado ang pinto. Narinig kong may lumalapit sakin. Nakapikit ako sa mga oras na ito..

Ramdam kong may humalik saking leeg.  Binuksan ang botones ng aking damit. May narinig pa akong nagsalita.

" type kita jennie,  kaso na kay Miguel ka na" aniya.

Sinubukan kong imulat ang aking mga mata. May naaninag lang akong anino ng isang lalaki.  Hindi ko masyadong mamukhaan. Napikit ko ulit ang aking mga mata.

" pero ngayon,  pag aari na kita jennie,  hindi na kita ibibigay kay Miguel" aniya.

At hinalikan niya ako sa labi.  Pilit ko siyang itulak pero wala akong lakas para magawa iyon. Nahihilo ako. 

" anuba!" Nasabi ko sa walang ganang boses.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Ramdam kong hinalikan niya ako sa labi hanggang sa bumababa ito.

"Tulong! " sabi ko sa mahinang boses.

" wala ng tutulong sayo jennie,  dahil hindi kanila maririnig. " aniya at bahagya itong tumawa.

" anuba! Maawa ka,  wag mong gawin ito" pagmamakaawa ko dito.

Pero parang wala na itong narinig. Pilit kong imulat ulit ang aking mga mata.  Nakita kong tumayo ito at unti-unting binababa ang zipper ng kanyang pantalon.  Pilit kong gumalaw,  umupo,  tumakas pero hindi ko na kaya.

Tumingin ito sa akin at hinalikan ako ulit. Paulit-ulit niya akong hinalikan.

Nagsisigaw ako sa walang ganang boses.

.................

Narinig kong may biglang bumukas ng pinto.  Narinig kong tinawag ang pangalan ko.

" jennie!"

Alam ko kung kaninong boses iyon.  Kay Elthon! 

Pilit kong ilinga ang aking paningin at imulat ang aking paningin. Nagawa ko iyon pero hindi ko maaninag kung si Elthon ba yun.  Basta kilala ko ang boses na iyon.

" anong ginagawa mo ka jennie?! " galit nitong sabi.

Nawalan na ako ng malay. Hindi ko na alam kung ano na ang sumunod na nangyari..

Mysterious (COMPLETE)Where stories live. Discover now