Chapter 61

4 1 0
                                    

" san po tayo ma'am?" Tanong sakin ng driver.

Napaangat naman ako ng tingin.

" sa may muntinlupa po" sabi ko naman sa kanya. Napatingin ulit ako sa telepono. Ring pa rin ito ng ring.

' sagutin mo naman Miguel oh'

Naiinis na ako. Kailangan ko talagang makausap ngayon si Miguel. Kailangan niyang sabihin kay Elthon na walang kami.  Ayokong makulong sa kasinungalingan...  Muli ay nag dial ako.  Sana sagutin niya na.

Nag ring na ito.

Mga ilang segundo,  sinagot na ni Miguel ang tawag ko..

" salamat sumagot ka na,  alam mo bang kanina pa akong tawag ng tawag sayo? " sabi ko sa kanya.

" sorry,  nasa bulsa ng pantalon ang telepono ko. Pasensya na.  By the way bat ka pala napatawag.  Gabi na ah,  may problema ba jennie" aniya.

" may kailangan tayong pag usapan Miguel"

" pag usapa?  Tungkol saan? " takhang tanong nito.

"Basta magkita tayo sa muntinlupa,  hintayin kita dun" at binaba ko na ang telepono.  Inilagay ko na iyo sa aking bag..  Dumungaw ako sa labas.  Nababalutan na ng dilim. Tinignan ko ang aking relo. 9:45 pm na pala ng gabi. Naalala ko si Elthon. Ni hindi man lang ako tinanong kung saan ako pupunta,  ni hindi man lang nag alala sakin. Wala nga talagang siyang pakialam sa akin.  Malungkot akong yumuko..

Bakit kaya ganun si Elthon sakin,  lagi niya na lang akong sinasaktan. Lagi niya akong pinapahirapan,  nagbago na siya. Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha ko. Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang aking mga palad.  Napaangat pa ako ng tingin ng magsalita ang driver.

" andito na tayo ma'am" aniya.

Inabot ko sa kanya ang bayad.

" salamat" bumaba na ako ng kotse. Napabuntong hininga ako. Nagsimula na akong maglakad.  Hindi ko masyado kabisado ang lugar na 'to,  pero bahala na.

Hinintay ko si Miguel. Sana dadating siya. Binuksan ko ang aking bag at tinignan kung tumawag ba si Miguel. Pero wala akong nakita,  kahit man lang missed called. Tinawagan ko ulit si Miguel. Nag ring ito.

Agad naman sinagot ni Miguel ang aking tawag.

" san ka na?  Andito na ako" sabi ko sa kanya.

"Malapit na ako.  Hintayin mo lang ako dyan huh? " aniya at binaba na niya ang telepono.

nilagay ko na lang aking telepono sa bag at naghintay. Kung minsan patingin-tingin din ako sa relo. Malapit na mag 10:00 pm hindi pa rin siya dumadating. Ano kaya ang gagawin ko, baka hindi na yun dadating,  baka naghihintay lang ako sa wala. 

Papaalis na sana ako pero nakita kong dumating na pala si Miguel.

" jennie,  san ka pupunta? "

Bigla naman akong napatingin. Nakita ko si Miguel sa kanyang kotse.

" sumakay ka na dito" binuksan niya ang pinto. Tinignan ko lang siya ng ilang segundo.

Sumukay na din ako ng kotse.  Sa loob na kami nag usap ni Miguel. Tinignan ko siya.

" jennie,  ano ba ang pag uusapan natin?  Mukhang seryoso ata ah" aniya at napangisi pa ito habang nakatingin sa unahan ng kotse. 

" tungkol satin "

Napatingin ito sa akin. Nagtataka.

" tungkol satin?" Aniya.

" oo tungkol satin,  bat mo sinabi kay Elthon na sinagot na kita?  Bat ka nagsinungaling sa kanya? "

" jennie,  alam mo naman na gusto kita diba?  Kaya ko lang yun ginawa dahil may na diskubre ako."

Nagtaka ako sa huling sinabi niya.  Na diskubre?  Ano ang nalaman ni Miguel?

Tinignan niya ako. Ngumiti.

" bago pa ako maunahan ng iba,  syempre ginawa ko na ang nararapat" aniya.

Napayuko ako.

" ano ang nalaman mo? " tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga ito.

"Halika na,  hatid na kita.  Maghahating gabi na,  bawal sayo magpuyat." Aniya at pinaandar na niya ang kanyang sasakyan...

Mysterious (COMPLETE)Where stories live. Discover now