Chapter 6

82 4 1
                                    

Nagsisisigaw ako. Pero alam kong, ako lang ang nakarinig.

Nagtitili ako ng nagtitili. Hanggang sa umikot ang paningin ko.

.............................

Nagmulat ako ng mga mata, napaka silaw ng liwanag.

'Langit? Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?' Natanong ko sa sarili ko.

Umupo ako at nagpalinga-linga. Napabuntong hininga ako, ng makita kong may tao sa di kalayuan.

Tumayo ako at nagpagpag ng damit, nagtaka ako, nasa damuhan ako natulog buong magdamag? Bat wala ako sa bahay, ang pagkakaalam ko nasa bahay ako, kasama ko yung kamukha ko.

" Jennie!"

Napalingon ako at inaaninag kung sino ang tumawag sakin.

" Jennie! Anong ginagawa mo dito?" Pasigaw niyang tanong sakin.

Hindi ko talaga siyang mamukhaan.

Hanggang sa unti-unti na siyang lumalapit sakin. Bigla niya akong niyakap. Nagtaka ako.

"Na miss kita Jennie, na miss ka namin buti na lang andito ka na. Alam mo bang ang tanggal ka na namin hinihintay dito?" Anang boses ng isang binatang lalaki.

Kumawala siya sa pagkakayakap sakin at tumingin sakin. Tinignan ko siya.

" oh! Bat Jennie? wag mong sabihin na nakalimutan mo na ako?" Ngumiti siya at tumawa

Kumunot ang noo ko.

" E-Edward?"

" yes! Ako nga, yung Bestfriend mo, ikaw kinalimutan mo ako agad ah..by the way, may kasama ako, gusto ka nilang makita at makasama."

Nagtaka ako, sino kaya ang mga yun? Tanong ko sa sarili ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. Bigla Kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak. Napatingin siya sakin...

"Oh! Bakit Jennie, ayaw mo ba silang makita?"

Tumingin lang ako sa kanya.

" oh! Come on Jennie, halika na."

At nagpatiuna na siya, sumunod lang ako sa likuran niya.

Habang naglalakad napapatingin ako sa paligid, ang ganda naman dito. Parang paraiso. Huminto ako at nilanghap ang masarap na hangin habang nakangiti.

' ang dito, gusto kong manirahan dito habang buhay'

" Jennie!"

Napamulat ako ng mga mata at bigla tumulo ang luha.

Sina mama, papa at unso.

Tumakbo sila palapit sakin.

Ngumiti ako ng ubod tamis. Sa wakas buhay na ulit sila.

" ate!"

Bigla akong niyakap ni unso.

" ate, bat ngayon ka lang?"

" pasensya na unso huh? Medyo busy lang talaga si ate eh!"

Tumingin ako Kay mama at papa.

"Ma, pa musta? Na miss ko kayo"

" na miss ka din namin anak" sabi ni papa.

" San na po ma, si Edward?"

" umalis na! May pupuntahan daw siya anak!"

Nagpatango-tango lang ako.

" musta ka na anak?" Tanong sakin ni papa.

Takang-taka ako, bat ang boses nila parang hinugot sa ilalim ng hukay?

Hindi ko nasagot ang tanong ni papa.
Nagtataka ako...

"Anak!" Inulit ni papa, na unti-unti ng bumabagsik ang kanyang mukha.

Nagtakot na ako. Naalarma.

............

Sa mga oras na yun, ang pagkakaalam ko, nagtatatakbo na ako.

Takbo lang ng takbo, hanggang sa nahulog ako sa isang bangin.

" ahhhhhhhhh!!!!!!" Nagtitili ako, na ako lang mismo ang nakakarinig...

Hanggang sa......

......................................

Nagising ako sa mga tabig ni elthon.

NASA hospital pala ako?!

" doc! Doc! Gising na siya" tawag ni elthon sa doctor sa labas ng kwarto.

Agad-agad pumasok ang nurse at doctor, agad ako iniksamin...

Nakita Kong ngumiti si elthon. Ngiti ng pagpapasalamat. Napapikit ako ulit....

Mysterious (COMPLETE)Where stories live. Discover now