10

118 7 0
                                    

Nakarating na kami kung saan yung binigay na address ni Giana. Nasa isang malaking lupain kami. Na walang ibang nakapaligid dito kung hindi malalaking puno at mga damo. Nandito din ang mga kaklase niya.

"Gianna okay ka lang ba? May masama bang nangyari sayo?" ang OA ni Sebastian no? Pwede ko ba siyang batukan? Isa lang naman eh. Sige na oh!

"Shut Up!" Umirap pa ito at saka lumapit sakin at yumakap "Sissy thank you so much" saka siya kumawala sa pagkakayakap. "Pero bakit kasama mo pa sina Kuya? At saka bakit sa motor kayo nakasakay?"

"Naligaw ba kayo Gianna?" pagtatanong ni Gian.

"What? No! This is our venue for out last project" sagot naman ni Gianna

"So what kind of help do you want?" I folded crossed my arms over my chest and arched my left eye brow.

"Hindi kasi makakarating yung kinuha naming photographer" sagot sa isa sa mga kaklase ni Gianna. Siya siguro si Audrey. I'm not really good memorizing names.

"So sissy, can you help us?" may pag pout pa tong babae na to. As if naman tatanggihan ko siya. This is fun.

"Ano naman alam niyan sa pagiging photographer?" dismayadong tanong ni Gian.

"Excuse me Mr Tolentino. There's no room for your judgement. And FYI lang ha? Professional Photographer ako sa Paris kung gusto mong malaman" nagpamewang pa ako.

"You should asked me first If I really want to know before telling that to me" I just rolled my eyes on him and faced her again.

"Syempre may TF naman to diba?" I asked. Syempre ayokong gastusin ang pera ni Dad. Tinakasan ko nga siya diba nung dumating ako dito sa Pilipinas tapos gagastusin ko lang ang pera niya.

"Sissy naman! Hindi ba to libre? Para naman to sakin eh"

"Oops. Have you forgot Gianna? Mahal ang talent fee ko, tapos sayo libre lang? Teka. Malulugi naman ang talent ko niyan"

"Willing to pay Ms. Dara" may pag taas pa nang kamay tong si Sebastian. Kunot noo lang akong tumingin sa kanya. "For Gianna. This is her last project para maka graduate siya. Kaya babayaran ko na lahat." Lahat ay nakatingin sa kanya at hindi makapaniwala.

"Wow? Yung totoo Sebastian? Ikaw siguro ang totoong kapatid ni Gianna no" I asked curiously.

"Woah! Woah!" may pagtaas rin nang dalwang kamay si Gian na kala mo may pulis na tinututukan siya nang baril. What's wrong with them? "So you want me to pay for this project?"

"Wala naman akong sinabing ikaw. Ang sabi ko lang ay dap---"

"Pero yun ang gusto mong sabihin diba?" pagputol niya sa sasabihin ko. I glared at him. Pero ang loko ngumingiti pa at talagang nang iinis. Okay. Wag niya lang pagsisisihan.

"Guys tama na yan bak---" hindi na natapos ni Sebastian ang sasabihin niya nang sipatin ko ang gilid nang mukha niya. Hindi ako nabigo ay nadaplisan ko ang mukha niya nang aking best friend. Galit na galit siyang kinapa ang natamaang pisngi. "Dara?"

"Sissy naman!" singhal ni Gianna. Nagpapanic naman ang iba niyang kaklase habang pinapakalma padin sila ni Sebastian.

"Magsitabi kayo" ma awtoridad na sabi ni Gian at matamang tumingin sakin. Sinunod siya nang mga kaklase ni Gianna.

"What now Mr Tolentino? Are you gonna fight me?" nakahalukipkip ang mga braso ko nang tanungin siya.

"I know it's wrong na lumaban sa babae but you beg for this Dara. You'll pay for what you did" galit na galit niyang sabi. Hindi ganon kalakas pero mararamdaman mo ang takot. But I'm not scared.

The UNEXPECTED Guest is my new BossWhere stories live. Discover now