16

97 5 0
                                    

Sabay na naglakad ang grupo nang mga kalaban at grupo namin nina Gian malapit sa puting van. Tinulak nang leader si aling Chona palapit kay Giana at sinalo ito agad. Pinalibutan nang mga lalaki sina Gian at kinapkapan habang ang iba ay tinututukan sila nang baril.

Sinuntok nang mga lalaki sa sikmura sina Gian, Sebastian, Migz at Albert. Napayuko naman ang mga ito sa sakit na natamo sa suntok. Napakagat na lang sila sa kanilang labi dahil hindi sila makaganti. Marahas na hinila at pilit sinakay sa van kaming mga babae at kasunod ang mga lalaki. Isang driver at sa tabi nang driver. Sa pangalawa naman ay sina aling Chona, Giana at isang lalaki sa tabi nila. Sa kasunod naman ay isang lalaki na katabi ni Gian, kasunod ako at isa pang lalaki sa tabi ko. Sa likod naman ay sina Albert at Migz na may katapat na tatlong lalaki. Ang leader nila ay nasa kabilang sasakyan sumakay kasama ang tatlo pang lalaki. Nauuna sila sa sasakyan namin.

Nakalabas na kami nang village at medyo malayo na din dito. Kailangan ko nang magawa ang plano na naiisip ko.

"Ano nang plano mo?" Pabulong na tanong ni Gian. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa tenga ko dahil nilapit niya ang labi niya dito.

"Anong pinagbubulungan niyo?" sita nang lalaking katabi ni Gian.

"Wala lang naman. Pinapatunayan ko lang.. " dahan dahan akong yumuko at pasimpleng may kinuha sa paa ko. ".. na malakas ang weapon ko" sabay siko ko sa lalamunan nanh lalaking katabi ko. Sa pag galaw ko nun ay gumalaw na din si Gian na sinuntok ang mukha nang lalaking katabi niya. Sinuntok sa sikmura at kung saan hanggang sa hindi na ito makakilos. Ang tatalong lalaki naman sa likod ay sabay sabay na sumugot sa mga lalakinh kaharap nila. Sinuntok nila sa mukha, sabay sipa sa may parteng maselan at inagaw ang baril nang mga ito. Para silang nag practice kung pano sila lalaban ha.

Pagkatapos kong sikmuraan ang katabi ko ay agad kong sinakal ang lalaking katabi ni Giana at sabay ba naghagis nang dagger sa batok nang lalaki na nakaupo sa may tabi nang driver.

"Wag mo nang isipin pang lumaban kung ayaw mong mamatay" pananakot ko nang masigurong wala nang malay ang lalaking katabi ni Giana. Akmang titigil kasi sana ang driver.

"Papatayin niyo rin naman ako kaya idadamay ko na kayo" nanginginig na sabi nang driver. Tila binilisan niya ang pag drive at parang naiisip niyang ibangga ang sasakyan kaya agad na gumalaw si Gian para makarating agad sa driver seat. Sinuntok ni Gian an driver at tinanggal ang seatbelt nito, binuksan ang pinto saka tinulak ang driver para malaglag.

Pumwesto na si Gian sa manubela bago pa kami mabangga sa isang malaking pader. Mukhang napansin na kami nang leader na huminto kaya huminto din sila pero masyado silang malayo samin. Sinamantala namin ang pagkakataon, pinaandar ulit ni Gian ang sasakyan at nag busina para manatiling nakahinto ang sasakyan nang leader. Ilang lalaki ang bumaba sa kanilang sasakyan. Mabilis kaming nagpatakbo nang sasakyan hanggang sa malapit na kami sa kanila ay mabilis naming binuksan ang pinto at mabilis na nilaglag ang mga lalaking kasamahan nila saka mas pinaharurot ni Gian ang sasakyan. Nagpawala nang bala ang mga kalaban pero hindi naman kami natamaan.

"Saan na tayo pupunta?" tanong ni Giana.

"Sir Gian, paano na po ako?" tanong ni Aling Chona.

"Aling Chona mas better kung pupunta ka sa malayo kasama ang pamilya mo. Don't worry I'll do the process" sabi ko sa kanya na nagpawala naman nang kaba niya.

"Anong gagawin natin?" I asked without looking at them.

"Nagtext na si Ronald. Ang hayop na to ngayon lang nag responnse" gigil na sabi ni Migz.

"Relax bro, saan niya tayo kikitain?" tanong ni Albert.

"Sa Mark Plaza Hotel sa Trade" sagot nito.

The UNEXPECTED Guest is my new BossWhere stories live. Discover now