19

107 6 0
                                    

"Congratulations Giana Tolentino" announce nang advisor ni Giana habang nasa itaas ito nang stage. Umakyat na sa stage si Giana at tinanggap ang kanyang diploma kasabay nang pakikipag kamay sa principals, governor at iba pang teachers. Ngayon kasi ang graduation ni Giana. Nandon siya ngayon sa may stage at kumakaway sakin. I smile non her and raised my hand. Brother's duty ang umattend sa graduation nang kapatid.

Pagkatapos nang graduation ay dumeretso kami sa isang restaurant na may private room for any ocassions. Sina Albert at Migz ang nag reserve nang place kaya nauna na sila samin dun.

"Congratulations Giana" bati ni Migz nang makarating kami sa venue.

"Thanks guys" ngumiti si Giana.

"Common let's sit" pagaaya ni Albert na sumunod naman kami. "Nasaan nga pala si Sebastian?" tanong niya nang makaupo na kami sa aming mga pwesto

"Kasunod lang namin kanina" sagot ko na hinahanap sa paligid si Sebastian. Saan naman kaya yun nagpunta?

"Hayaan niyo na yun, malaki na yun" pag susungit ni Giana.

"Sa bagay. Baka nakakita na naman nang magandang babae" pagdidiin na sabi ni Migz na para bang pinaparinig kay Giana. Minasdan ko ang magiging reaction ni Giana at nakita kong umismid ito at nagtaas nang kilay. Mukhang may namumuo na hindi ko alam ha!

"Hi guys" bati ni Sebastian nang makapasok na siya sa private room na nakareserve samin.

"San ka ba galing?" tanong ni Migz.

"Maganda ba yang nabiktima mo?" pang aasar ni Albert.

"Bro, hindi ko to pedeng biktimahin dahil panigurado dalwa ang papatay sakin" sagot ni Sebastian at ngumiti nang nakakaloko sakin. May ibig sabihin ang mga ngiti na yun, pero hindi ko lang maisip kung ano. May kalokohan na naman kaya siyang ginawa.

"Hindi ko alam kung sinong dalwa ang tinutukoy mong papatay sayo but I'm sure I'll kill you too" pamilyar ang boses na yun. Galing yun sa isang babaeng pumasok sa venue namin. Naka black sandals na may pantay na heels, naka blue soft and cotton skirt ito na hanggang tuhod. Naka tack in dito ang white na off shoulder niya at may bitbit na itim na bag. Mahaba ang buhok, maayos ang itsura at maganda. Hindi mo maiisip na nanghahagis siya nang dagger at kaya niya makipag bugbugan. Nakakapag describe pala ko nang suot nang babae. Ganto talaga pag may kapatid na babae.

"Sizzy" sigaw ni Giana at tumakbo palapit dito saka yumakap.

"Baka naman matunaw yan Bro. Wag mo masyadong titigan" pangangantyaw ni Sebastian. Inalis ko ang tingin ko kay Dara at uminom na lang nang tubig. Pero nagawa ko ulet na ibalik ang mga tingin ko sa kanya.

Naupo na si Giana sa tabi ko at sa kabilang side naman niya umupo si Dara.

Nagumpisa na kaming kumain nang dalhin na ang mga order naming pagkain.

"Dara buti naman at nakapunta ka sa graduation ni Giana" I started the conversation.

"I promised" tipid niyang sagot na hindi tumitingin sakin at patuloy sa pagputol sa steak niya. Tinusok niya ito gamit ang tinidor at sinubo. Mahinahon siyang kumain at mukhang kagalang galang. Pero ganun padin siya, masungit.

"Bigla ka na lang kasing nawala kaya hindi ko naisip na pupunta ka dito. Akala ko nga natakot ka na dahil sa nangyari" I smirked. She stop eating and faced me. She arched her eyebrow and glared at me.

"Ahm... Dara" tawag ni Sebastian na kumuha nang atensyon nito "gusto mo makita ang mga kuha kong litrato?" hawak niya ang kanyang camera. Pag iiba niya nang spirit sa paligid.

The UNEXPECTED Guest is my new BossWhere stories live. Discover now