50

28 3 0
                                    

>THIRD PERSON POV<

Nakatali ang maga kamay nina Cedric habang nakataas ito. Para silang nakabitin sa isang kahoy pero lapat ang mga paa sa sahig. Nakatili din ang mga paa nila.

"Kailangan nating iligtas sina Gian" bulong ni Sebastian

"Then tried to be out of that tie" sarkastikong sabi ni Cedric na kanina pinipilet makawala.

Nagulat si Cedric nang may biglang pumutol nang tali niya kaya napatingin siya sa taas.

"Help yourself. Bilisan mo" sita nang lalaking nagputol nang tali. Agad namang tinanggal ni Cedric ang tali sa kanyang kamay at paa. Natanggal na din ang tali nina Sebastian at Migs.

"Tauhan kayo ni Black?" Tanong ni Migs

"Pinadala niya kami dito nang mareceive niya ang text nang kapatid ni Captain" sagot nang lalaki na nagtaka naman sila. 

"Paano niya nalaman kung nasan kami" tanong ni Sebastian.

"Yung butones nang jacket mo" turo ni Migs. Tiningan nila ito at napansin na ang butones ay isang camera.

"Matalino" Cedric murmured

"Kami na ang bahala dito. Hanapin niyo na sina Captain" sabi nang lalaki. Agad naman sumugod ang ilang kasama pa nito at sinugod ang mga bantay.

Dumeretso sina Cedric sa isang bangka at agad silang sumakay nang masigurado na dala na nila ang sapat na weapon. Agad na pinaandar ni Migs ang bangka.

SA KABILANG BANDA habang nakatali sina Mr Mortel at Gian sa isat isa.

"Wag kana magsayang nang lakas. Matibay ang taling ginamit nila" sabi ni Mr Mortel

"I can't let you die here. Dara will be hurt" sabi ni Gian na pilet kumakawala sa mga tali. "I'm sorry Knight. Hindi ko nabantayan nang ayos si Dara" Gian sighed.

"Hindi mo kailangan huminge nang tawad. Alam kong ginawa mo ang lahat para protektahan siya. Sadyang matigas lang talaga ang ulo nang batang yan"

"She just really loves you, Sir" sabi ni Gian na nagpangiti kay Mr Mortel.

"Tingnan natin kung makapag usap pa kayo sa ilalim nang dagat" sigaw nang isang tauhan nila Victor.

"Shit" Gian hissed and the guy kicked them down to the water. They tried to swim to survive. Kahit alam nila na ilang minuto lang ay mahihirapan na silang huminga.


NAILAPIT NA NILA CEDRIC ang bangka na sinasakyan nila sa Yacht at isa isa na silang umakyat sa yacht.

"Maghiwahiwalay tayo" sigaw ni Cedric

Nakipag barilan sila sa mga tauhan na nasa yacht. Inisa isa ni Cedric ang kwarto sa yacht pero hindi niya nakita si Dara o kahit si Mr Mortel at si Gian.

Sa paglabas nang isang kwarto ni Cedric ay bigla siyang nasuntok nang di niya inaasahan.
Nahilo siya nang kaunti pero nakaya niya padin na mabalik siya sa kanyang sarile.

Nakatutok sa kanya ang baril nang lalaki. Nagawa niyang sipain ito kaya tumalsik sa malayo ang baril. Nagsuntukan ang dalawa hanggang sa mapatumba ni Cedric ang lalaki at manghina.

Humihingal na tumigil si Cedric sa pagsuntok sa mukha nang lalaki. Napuruhan din si Cedric at akala mo ay basag na basag ang kanyang katawan. Umalis na siya at muling inikot ang yacht.

"Cedric" sigaw ni Sebastian nang nanghihinang lumapit sa kanila ito. Napaupo na si Cedric at tila naghahabol nang kanyang hininga. Nasa unahan na sila nang yacht.

"Wala sila sa kahit saan kwarto" sagot ni Cedric

"Mukhang sumakay sa ibang yacht sina Chad. Kasama kaya nila sina Dara?" tanong ni Migs na nakatingin sa malayo at natatanaw ang isang yacht kung saan nandun sina Chad.

"Look" sigaw ni Sebastian na hawak ang isang pirasong sapatos "Kay Gian to" lumapit sa kanya si Migs at si Cedric kahit pagod na pagod na. Sabay sabay silang tumingin sa tubig.

"Mag dive ako" sabi ni Sebastian habang tinatanggal niya ang kanyang sapatos.

"Ako din. Maiwan kana lang dito Cedric" sabi ni Migs na tapos na magtanggal nang sapatos.

"Madilim sa ilalim" sabi ni Cedric. Nagbuntong hininga sina Sebastian at Migs at binalewala ang sinabi ni Cedric. Nag dive na sila sa parehas at pilet na inaaninag ang ilalim.

Nakita ni Cedric ang isang walang malay na lalaki, kinapkapan niya ito at nakita ang cellphone. Sinubukan niyang tumawag para kumuha nang back up.

Ilang minuto ang lumipas nang umahon sina Sebastian at Migs. Tinulungan silang iaahon ni Cedric. Sabay sabay silang naupo at naghahabol nang hininga.

"Masyadong madilim sa ilalim" sabi ni Migs

"Shet!" Sebastian hissed at pinagsusuntok ang yacht. Nawawalan sila nang pag asa na makita pa si Gian. Hindi din nila alam kung nasaan si Dara. Ilang minuto silang natahimik.

"We have to go back. Masyado nang madilim ngayon hindi natin sila mahahanap" Cedric advised as he stand.

Pumayag sina Sebastian na maghihintay sila nang umaga para sa paghahanap. Tumayo na din Sebastian at Migs.

"Teka lang" pigil ni Cedric sa paglalakad nila nang may marinig siya. "Naririnig niyo ba?" he asked. Kumunot ang noo nang dalawa at pinakinggan kung ano ba ang sinasabi ni Cedric. Narinig nila ang ilang hingal at nagmadali silang hanapin kung sino ito.

"Gian" sigaw ni Sebastian nang makita si Gian na naghahabol nang hininga habang nakayuko at nakakapit sa yacht pero nananatili parin sa tubig. Tinulungan niya ito nang makaahon.

"Mr Mortel" gising ni Cedric dito nang makitang nakahiga at walang malay.

"Nawalan siya nang hangin sa ilalalim nang tubig.  Mabuti na lang at nalaglag ang dagger nung nagtulak samin sa tubig. Nakawala kami sa tali" paliwanag ni Gian na hingal na hingal.

"Humihinga pa siya" sabi ni Migs nang i check ang pulso ni Mr Mortel.

"Si Dara nasaan?" tanong ni Cedric na kinabahal ni Gian

"Hindi ko alam. Magkahiwalay kami" sagot ni Gian. "Hindi niyo siya nakita?" nag aalala si Gian.

"Inisa isa ko na ang mga kwarto pero wala siya" sabi ni Cedric na mas lalong kinagalit ni Gian.

Narinig nila ang ilang bangka na palapit sa kanila.

"Black" sigaw ni Gian.

"We located that Victor's destination is Cebu. Pero hindi pa sila ganong nakakalayo dito. I already contacted our members there and asked for some help" Black explained. "Ligtas na pala kayo, hindi na siguro kailangan pang----"

"No. We have to follow them. Baka nasa kanila pa si Dara. Bring Mr Mortel to the nearest Hospital" Gian said at tumango si Black. Nilapit niya ang bangka at ilang lalaki ang tumawid sa yacht pati na si Black. Tumawid naman sa inalisang bangka sina Gian dahil mas mabilis ang takbo nang bangka na yun.

"Some of my boys will follow you" Black said. Tumango lang sina Gian at pinaandar na ni Migs ang bangka nang mabilis.


---------------------------------------------------

Tatapusin ko na po siya. Kailangan na. Huhuhuhuhuhu

Maraming salamat sa lahat ng sumoporta at susuporta palang.

Thank you mga bebe's

⭐bebedeejhei⭐

The UNEXPECTED Guest is my new BossWhere stories live. Discover now