37

59 2 0
                                    

Naglalakad na ako sa loob nang MH. I'm wearing a blue dress na kita ang buong leeg at hanggang balikat.

Ang nasa kanan ko ay ang sekretarya ko na si Liza at ang nasa kaliwa ko naman ay si Gian. At ilang bilang nang lalaki na kinuha ni Gian para dagdag sa pagbabantay ko.

Pumasok na ako sa loob nang opisina ko at ganon din sila Liza at Gian. Ang ibang lalaki ay nanatiling nakatayo sa labas nanh opisina at nakabantay.

"Hindi ko akalain na gagawin mo to Gian" galit na sabi ko nang makaupo ako sa swivel chair. I crossed my legs.

"Para to sa kabutihan mo Dara. It's better na madaming nagbabantay sayo para hindi ka na mapahawak pa"

"Hindi ko padin gusto. Paalisin mo na sila" pagrarant ko.

"No. Lagi mo na silang kasama kahit saan ka magpunta. Babantayan ka nila" pagmamatigas ni Gian.

"Kahit magpunta ako nang ladies room?" pang aasar ko nang tumayo pa ako.

"Yes" matigas na sabi ni Gian.

"Hanggang sa loob nang ladies room?" I smiled teasingly.

"Dara" sigaw ni Gian.

I smirked. I just arched my left eye brow and rolled my eyes. Naupo na ako ulet sa swivel chair ko at binuksan ang laptop ko.

"Ms Dara this is the files for our sales this week and feedbacks for our new commercials and billboards" iniabot ni Liza ang folder sakin at agad ko itong kinuha sa kanya.

Bubuksan ko sana ang folder para silipin ang reports nang may marinig akong ingay sa labas nang opisina ko.

"Papasukin niyo nga ako. Baka hindi niyo alam kung sino ako" matigas na sabi nang isang kilalang boses. Nagpupumilet itong pumasok nang opisina ko.

"Ms Dara" sabi nang isa sa mga bodyguard ko nang buksan niya nang kaunti ang pinto "May gusto daw pong kumausap sa inyo"

"Tabi" sigaw nang isang lalaki sa labas na malakas na tinulak ang pinto para mabuksan nang malaki.

Napatayo ako nang makita ang lalaki na nagpupumilet pumasok sa loob nang opisina ko. Hawak hawak siya nang isa sa mga bodyguard ko. Kita ko sa mga mata niya ang galit at sakit na nararamdaman niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Gian. "Ilabas niyo ang lalaki na yan at dalhin niyo siya sa police station. Hindi ko akalain na nakatakas ka pala" maangas na sabi ni Gian.

Pilit na pinalalabas nang mga bodyguard si Michael habang hawak ito sa mga braso pero pilit siyang pumapalag.

"Sandali. Hindi ako papayag na makulong na hindi nakakakuha nang hustisya"

"Sandali lang" pigil ko na kinatingin ni Gian sakin.

"Ms Dara. Wag mo na siyang pakinggan. Sigurado ako na hindi totoo ang mga sinabi niya at sasabihin niya" pag awat ni Liza.

"Hayaan niyo siyang magsalita" pagsasawalang bahala ko sa pag awat nila Liza at Gian.

"Hindi ako naniniwala na inatake sa puso ang Daddy ko. Wala siyang sakit" umpisa ni Michael.

"So what are you trying to say?" I folded my arms over my chest.

"Pinatay siya. Hindi ko pa alam kung sino at kung bakit pero matagal na ako nag iimbestiga"

"May nakuha ka nang lead?" I asked curiously.

"Meron. Nalaman ko na kasa-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang dumating sina Tito Victor at Chad.

The UNEXPECTED Guest is my new BossWhere stories live. Discover now