46

66 4 0
                                    

"Sissy" tumabi sakin si Giana at minasahe ang likod ko. "Magpahinga kana muna" umiling lang ako at nagpatuloy sa pag iyak.

"Kailangan mo magpahinga para may lakas ka" sabi ni Sebastian.

"Naka off na ang phone ni Gian" sabi ni Migs. Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan si Migs. Mas lalo akong nanggigil sa galit. Hindi ko alam kung nasaan si Gian. Isa lang ang naiisip kong may gawa nito.

"Nasaan na kaya si Kuya" bigla na lang umiyak si Giana na kanina pa niya pinipigilan. Agad naman siyang ni comfort ni Sebastian.

"Dara!" hinihingal na tawag ni Albert nang mabuksan niya ang pinto nang bahay at makapasok na siya. "I heard what happened"

"Brad" tawag ni Migs.

"May balita na ba kay Gian? Sigurado ba kayong nawawala siya?"  paninigurado ni Albert

"San naman siya pupunta?" galit na sabi ko as I stand. "Bakit kailangan pa siyang bugbugin para sumama sa kanila?"

"Dara chill ka lang" awat ni Sebastian.

"Chill? How? Hindi natin alam kung nasaan si Gian? Kung..." huminga ako na para bang nauubusan nang hangin "okay pa ba siya?"

"Don't say that sissy" umiiyak na sabi ni Giana. Huminga ako nang malalim at umupo ulet. Natahimik kami sandali sa pag iisip. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.

Nasaan ka ba Gian? Sana ayos ka lang! Gagawin ko lahat para mahanap at maligtas ka.

-------------------------*****--------------------------


Nanlulumo akong pumasok sa opisina. Ilang oras lang ang natulog ko. Nagantay ako nang tawag tungkol kay Gian pero wala kahit isa akong nareceived.

Kasama ko sina Migs at Albert. Sinamahan muna ni Sebastian si Giana.

"Dara" tawag ni Tito Victor na tumigil sa harap ko. "I heard what happened to Gian.  Do you have any idea---"

"Pano mo nalaman? Hindi naman namin pinaalam ang nangyari kay Gian?" nagpipigil akong magalit. Kung pwede lang ay sinuntok ko na ang matandang to.

"Alam mo naman mabilis kumalat ang balita, tell me what you need and I'm willing to help" sabi ni Tito Victor na pang asar ang mga ngiti.

"Really? Tutulong ka?" I asked sarcastically. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Tito Victor "I know who kidnapped Gian kaya humanda siya" I whispered on his ear. Nilampasan ko na siya at dumeretso na ako sa opisina ko.

Inis akong naupo sa swivel chair ko at nagbuntong hininga.

"Sigurado kaba sa iniisip mo?" tanong ni Migs.

"Pano ka naman nakakasigurado na siya ang nagpakidnap kay Gian?" tanong ni Albert.

"Kung hindi siya sino? Ikaw?" galit na sabi ko kaya kung ano ano na ang naiisip at nasasabi ko.

"Dara huminahon ka" saway ni Migs. I expelled a heavy breath.

"I'm sorry. I'm so desperate to find Gian. Kahit sino paghihinalaan ko na" i look at them as fierece as I can. "Kahit kayo"

"Naiintindihan namin. Pero kumalma ka, kung magpapadalos dalos tayo baka hindi natin mahanap si Gian agad" sabi ni Migs. Huminga ako nang malalim at tumango.

"Dara" sigaw ni Cedric nang mabilisan siyang pumasok sa opisina ko. Nagulat ako nang makita nang kasunod niyang pumasok si Joaquin.

"Joaquin? W-what are you doing here? Where's dad?" nagwawala kong tanong. Lumapit ako agad sa kanya.

The UNEXPECTED Guest is my new BossWo Geschichten leben. Entdecke jetzt