29

97 4 2
                                    

Nakakabingi ang katahimikan dito sa office ko. Nakaupo lang ang apat na lalaki sa couch at may kanya kanyang ginagawa.

Napatingin ako kay Gian na nakaupo lang habang naka crossed arms over his chest.

Hindi ko kaya ang katahimikan nila. Hindi ako sanay. Pakiramdam ko ay napakalaki nang nagawa kong pag prank. I feel so guilty.

Tumayo ako na kinagulat naman nilang apat. Naglakad ako papunta sa pinto at akmang lalabas sana nang buksan ko ito.

"Where are you going?" Gian asked in his strict voice.

"I'll just go to the cafeteria" bakit pakiramdam ko ay guilty ako? Tumayo silang apat at kanya kanyang ayos nang sarile. "No,  it's okay. You don't need to go with me"

"Sasamahan ka na namin. Baka mamaya mawala ka pa" Gian paused ".. kunwari"

"Gutom na din ako" sabi ni Migs. I just rolled my eyes and totally went out to the office. Sumunod naman ang apat sakin.

Hindi naman malayo ang elevator kaya nakarating kami at agad na pumasok. Tahimik pa din ang paligid. Walang ibang nagsasalita.

Nang tumunog na ang elevator ay bumukas ang metal door nito at agad naman akong lumabas. Sa tapat lang nang elevator ang cafeteria. Papasok na sana kami nang biglang may tumawag kay Gian.

"Gian Lee" tawag nang isang babae na naka navy blue fitted dress above the knee.

"Stella" bati ni Albert.

"Hi boys" she waved her hand and settled her stare to Gian "Hi Gian. Long time no see"

"Hi Stella. Nakabalik ka na pala" bati ni Gian. Tamo to,  kanina lang napaka tahimik. Hindi man lang namamansin tapos ngayon kung maka ngiti akala mo mapipilas na ang labi niya.

"Nung isang araw ako dumating. Back to reality na ulit" she laughed softly "Ikaw? Tinanggap mo na ba ang posisyong inaalok sayo ni Mr. Mortel?"

Anong posisyon yun? Ano ba talaga si Gian dito? Curious na ako sa kanya ha?  Sino ba ang babaeng to?  Bakit parang close sila ni Gian?

"Nope. I am here for his daughter" Gian said at akala ko ipapakilala ako. Pero ni hindi man lang ako nilingon. I arched my brow at ramdam ko na ang inis sa mukha ko. "You want to go with us? Kakain kami"

"Is it okay?"

"Dar oka-"

"Of course. If you want  we can sit to another table" sabi ni Gian at inalalayan si Stella na pumasok sa loob nang cafeteria.

Sumunod namang pumasok sa loob sina Migs at Albert. Naiwan pa ako sa labas habang pinapanuod si Gian na kausap ang babaeng yun.

"Dara tara na" Sebastian said at gulat akong napalingon sa kanya. Nandito pa din pala siya.

"Sino yung babaeng yun?" irita kong tanong.

"Si Stella? Anak yan ni Mr. Borj. Sa finance department siya naka assign. Nag leave siya at sa Canada nagbakasyon" paliwanag ni Sebastian. "Why?"

Hindi ko na sinagot pa si Sebastian at matalim ang mga tingin ko kay Gian. Hindi man lang niya napansin na wala ako paligid niya. Nakalimutan na ata niya na kailangan niya akong bantayan.

I smirked.

"Wait. Selos ka?" Sebastian teased me as I glared at him "nagbibiro lang naman ako. Relax ka lang"

"Pumasok ka na sa loob. May tatawagan lang ako" I said as I get my phone on my small bag.

"Okay. Sunod ka na lang" masayang sabi ni Sebastian bago pumasok na sa loob nang cafeteria.

The UNEXPECTED Guest is my new BossWhere stories live. Discover now