15

99 5 0
                                    

Pagkatapos masabi ni Dara ang plano niya ay lahat naman ay sumang ayon sa kanya. Kaya inumpisahan na nila ang kanilang plano.

Nang unti unti nang dumidilim ay nauna nang gumalaw si Sebastian kasama niya si Aling Chona at si Giana. Pumasok sila sa isang maliit na pintuan na may madilim na daanan. Lumakad sila dito hanggang makarating sa dalwang lagusan. Isa itong tunnel na sinadyang gawin nila Gian para sa isang emergency exit sa bahay nila. Pinile nila ang kanang lagusan. Hanggang sa makarating sila sa likod nang bahay sa may tapat nang tinitirhan nila Giana. Wala nang iba pang bahay sa nilabasan nila. Dead end na din ito. Umakyat sila sa pader  para makapasok sa loob nang bahay. Hindi naman ganun kataas ang pader nito kaya nagawa nang tatlo makaakyat.

"Dati ka bang magnanakaw?" nakairap na sabi ni Giana.

"I just know how what to do in this kind of situation" sagot ni Sebastian na minamasid muna ang labas nang bahay.

"If you say so" pag aasar ni Giana.

"Let's go" sabi ni Sebastian. Binuksan nito ang pinto.  Dahan dahan silang naglakad at Sa pagpasok nila sa bahay ay parehas silang nagulat nang may makita silang matandang lalaki na naka wheelchair sa harap nila at may hawak na baril na nakatutok sa kanila.

"A-anong ginagawa niyo dito? Umalis kayo dito?  Bakit dito kayo nagpunta?" tanong nang matandang lalaki.

"Sir excuse lang po ha?  Baka naman pede naming magamit tong bahay na to" sagot ni Giana habang nakapamewang.

"Hindi. Umalis na kayo dito" hindi padin inaalis nang matanda ang pagtutok nang baril kina Giana.

"Pero dito kami pinapunta ni Dara. Ang sabi niya ay hahayaan niyo kaming mag stay dito" sabi ni aling Chona

"Si- si Dara?  Ang babaeng yun!" nang gigil na bigkas nang matanda. Binaba niya ang kanyang baril at sumenyas na pumasok na sila Giana. "Siguraduhin niya lang na eto lang ang hihilingin niyang pabor sakin!" bulong nang matanda na kina kunot noo naman ni Giana. Hindi nila alam kung bakit kilala ni Dara ang matandang ito at kung pano pumayag ang matanda sa plano nila Sebastian.

Inumpisahan na ni Sebastian ang ang pag set up nang baril mula sa may glass door nang veranda sa taas nang bahay. May kurtina na nagsisilbing harang para hindi masyadong makita ang kaniyang baril.

"Are you sure with this?" nangangambang tanong ni Giana.

"Nope" humarap si Sebastian kay Giana at lumapit "just trust me" humawak ito sa kamay ni Giana at itinaas ito hanggang sa kaya nang maabot nang kanyang labi saka  hinalikan habang nakatingin sa mga mata nito. Napalunok si Giana sa mga titig ni Sebastian. Saglit siyang hindi makakilos o makapag salita man lang. Nang makabalik na siya sa kanyang sarile ay binawi niya ang kanyang kamay.

"Of course. I have to trust you. As if I have a choice. Ikaw ang kasama ko eh" pagsusungit ni Giana para matakpan ang kakaibang nararamdaman niya para sa binata. Sebastian smirked and face again the set up that he is doing. 

On the other side,  nakaupo naman sa couch si Dara habang pinupunasan ang kanyang dagger. Si Albert na nag set up na nang smoke gas sa likod nang pinto sa oras na buksan ang pinto sa main door,  back door at kahit ang pinto sa terrace sa itaas nang bahay. Si Migz naman ay namimile nang mga baril na pedeng gamitin.

Umupo si Gian sa isang couch na nakaharap kay Dara. He crosses his legs and lean his back. "Pano mo nalamang isang matanda lang ang nakatira sa tapat nang bahay? Pano ka nakakasiguro na hindi siya magsusumbon?" pag uusisa ni Gian.

Tumigil si Dara sa ginagawa niya at hinarap si Gian. "I helped him" tipid na sagot nito.

"Saan?  Paano?" tanong ni Gian na halatang na iintriga.

The UNEXPECTED Guest is my new BossWhere stories live. Discover now