41

50 2 0
                                    

THIRD PERSON POV



Sina Giana at Sebastian ang magkasama. Nagtago sila sa foodcourt nang may makita silang mga armadong lalaki.

"Bitawan mo nga ako" pagsusungit ni Giana habang binabawi ang kanyang kamay na hawak ni Sebastian.

"Bakit ang sungit mo? Nasa panganib na nga tayo nagsusungit kapa? Dumikit ka sakin para di ka mawala" hinila ni Sebastian si Giana para mas malapit sa kanya. Sinimangutan lang siya nang babae at inirapan. "Ano ba talagang problema?" Sebastian asked as he stand.

"Sana hindi na lang ako sumama sayo. Niyaya mo ako dito tapos hindi mo naman pala kayang panindigan sa kuya ko! Duwag ka!" Giana retorted as she stand as well.

"Hindi ako duwag! Hindi ko naman alam na gusto mo na pala sabihin sa Kuya mo na tayo na! Hayaan mo pag nakalabas tayo dito sasabihin ko na kay Gian" sagot ni Sebastian.

"Yun ay kung makakalabas pa kayo dito nang buhay" narinig nilang sigaw mula sa isang lalaki. Sabay silang napatingin at nagulat. Sa sobrang kaba ni Giana at nagtago siya sa likod ni Sebastian.

"Ano nang gagawin natin?" kinakabahan na tanong ni Giana.

"Mabilis ka naman tumakbo diba?" bulong ni Sebastian.

"Ngayon ko lang malalaman" sagot ni Giana.

"Isa.. Dalawa.. Takbo" hinawakan ni Sebastian si Giana sa kamay at sabay silang tumakbo palayo sa foodcourt sabay nang pagbabaril sa kanila nang ilang lalaki.

Sumunod ang ilang lalaki sa dalwa.

"Nasaan na ang dalwang yun?" tanong nang isang lalaki na patingin tingin sa paligid.

"Nandiyan lang ang mga yun, hanapin niyong mabuti" sagot nang kasamahan nito.

Bigla namang lumabas si Sebastian sa likuran nang isang lalaki at hinampas ito nang bakal sa ulo kaya nawalan ito agad nang malay.

Narinig naman ito nang mga kasamahan nang armadong lalaki kaya agad nilang tinutukan nang baril si Sebastian at pinaputukan. Mabuti na lang at hawak padin ni Sebastian ang lalaking hinampas niya at ginawa itong pang sangga sa mga bala na papunta sa kanya. Ginamit niya din ang baril na hawak nang lalaki at pinaputok ito sa mga lalaking bumabaril din sa kanya.

Marami na din siyang napatay na mga armadong lalaki. Parehas na silang nawalan nang bala.

"Sugurin niyo" sigaw nang isang lalaki sa mga kasamahan niya.

Sabay sabay namang sumugod ang mga lalaki. Iniwasan ni Sebastian ang unang suntok at sinipas ang isang lalaki sa gilid niya. Sinuntok niya naman mula sa ilalim nang baba ang isa pang lalaki. Hindi niya nakita ang lalaki sa likod niya na sumipa sa kanya. Tumalsik siya nang kaunti pero nagawa padin niyang makatayo nang ayos at sanggahin ang suntok na parating at sinikmuraan ito. Nagawa niyang patumbahin ang ibang mga lalaki gamit lang ang mga suntok at sipa niya.

Nakarinig siya nang kasa nang baril at lumingon siya dito.

"Katapusan mo na" nakatutok kay Sebastian ang baril at handa na ang lalaking kalabitin ang gatilyo nang bigla itong mapaluhod dahil sa hampas nang bakal sa likod niya na gawa ni Giana. Agad naman inagaw ni Sebastian ang baril at pinaputok ito sa lalaki.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Sebastian. Agad naman siyang niyakap ni Giana sa sobrang kaba. "Hindi ba sabi ko sayo magtago ka lang! Bakit ba ang tigas nang ulo mo" nagaalalang sabi ni Sebastian nang pakawalan na siya sa pagkakayakap ni Giana.

*bleeeeh* dinilaan lang siya ni Giana at saka ito naglakad na ulet. Napakamot na lang sa batok niya si Sebastian at sumunod sa dalaga.

"Ikaw na nga tong niligtas ikaw pa galit" nakahalukipkip ang mga braso ni Giana habang naglalakad.

The UNEXPECTED Guest is my new BossWhere stories live. Discover now