47

65 3 0
                                    

Nagmadali akong lumabas sa opisina ni Black. Hindi ko na pinansin sina Cedric na nakikipag usap sa ibang tauhan ni Black. Nagmadali na akong bumaba para makalabas na sa building na ito.

"Dara!" narinig kong sigaw ni Cedric mula sa taas nang nasa baba na ako. Narinig ko din ang mabilis nilang pagsunod sakin kaya mas binilisan ko pa ang lumabas at makasakay na sa kotse.

"Dara open this door. Where are you going?" tanong ni Migs na habang kinakatok ang bintana sa may passenger seat. Alam ko na kung bakit Flash ang codename niya. Ang bilis niya tumakbo. Nahabol niya agad ako.

Pinaandar ko na ang kotse at pinabayaan na silang dalawa dun. Maalam naman sila umuwe at may pera naman sila pang taxi.

Pinaharurot ko pa ang sasakyan nang makarating ako nang mabilis sa pupuntahan ko.

Tinigil ko ang sasakyan sa tapat nang isang two storey house. Binuksan ang pinto sa passenger seat, bumaba ako at sinara ulet ang pinto nang malakas.

Sumilip ako sa paligid pero mukhang walang tao. Naka lock din ang gate pero napansin kong may tao sa taas. Wala na akong pakialam kung sino ang tao sa bahay na to!

Umakyat ako sa gate baka makatawid sa loob nang bahay. Nang makababa na ako ay dumeretso ako sa pinto at binuksan ito.

Walang tao sa baba kaya pumasok na ako sa loob at dumeretso sa hagdan. Dahan dahan akong umakyat papunta sa taas.

Sinilip ko ang lalaki na nakatayo habang nakasandal sa pader.

"Yes I'll be there. I'll bring her.  Aalis na ako dito" narinig kong sabi nang lalaki sa kausap sa kabilang linya nanh telepono. Binaba niya ito.

"Where are you going?" I asked as I placed at his back. Mabilis siyang lumingon sakin at agad at nagulat.

"D-Dara? What are you doing here?" sumilip silip siya sa likuran ko at sa labas nang bahay niya since malapit kami sa veranda.

"Don't worry wala akong kasama" I said na kinatingin niya sakin at ngumiti na parang naguguluhan padin. "I just have a question to you Albert........... or should I call you Ninja?" I can see how his face reaction change. "But I think I want to call you traitor"

Tumikhim si Albert at tumingin sakin nang matalim "Alam mo ba yang mga sinasabi mo?"

"Oo naman. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit ka naging kaibigan ni Gian" gigil na sabi ko and he laughed.

"Kaibigan? I never felt that he looks at me like his friend. Iba ang turing niya sakin kesa kina Sebastian at Migs. Wala siyang pakialam kahit hindi ako kasama sa grupo, pakiramdam ko ay kakumpetensiya ko siya. Pati ang nagiisang babae sa buhay ko, siya ang gusto" ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Galit at inggit ang namumuo sa kanya.

"Kaya mas pinile mo maging traydor? Wala ba siyang magandang natulong sayo?" tiningnan lang ako ni Albert na para bang naiisip niya anh ibang magagandang bagay na nagawa para sakanya ni Gian. "Sabagay, hindi naman ako nandito para sa mga issues mo sa buhay" he faced me na kunot ang noo. "Saan niyo dinala si Gian at ang daddy ko?" I asked. "Bring me to them" i added na mas nagpagulat sa kanya.

"Nasisiraan ka na ba nang ulo? You want to save him kahit ikamatay mo?" He smirked na para bang hindi makapaniwala.

"Alam kong hindi mo maiintindihan. Hindi ka naman marunong magmahal diba?" nakita ko ang pagkainis sa kanyang mukha. Inis na may kasamang sakit. "Ako ang kailangan ni Mad dog, dalhin mo ako sa kanya at baka sakaling magkaron ka nang mataas na posisyon sa Hotel. Hindi ba ganon ang pinangako sayo?"

The UNEXPECTED Guest is my new BossWhere stories live. Discover now