Kabanata 4

46.3K 2.4K 232
                                    

Kabanata 4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 4.

Flare

“Flare! Flare! Flare!” Nahulog ako sa sangang kinahihigaan ko kaya kaagad akong napadaing. Marahas kong inangat ang tingin ko’t pinanlisikan siya ng mata. Sa tinis ng boses niya, kahit palaka susuko sa kaniya.

“Flare Fyche Henessy!” Asar akong tumayo habang hawak-hawak ang balakang ko. Alam niyang ayaw na ayaw kong tinatawag ako sa buong pangalan ko.

“Bakit ba?” Kinusot ko ang mga mata ko habang inaayos ang magulo kong buhok. Umaga na pala, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako matapos kong manood ng mga bituwin kagabi.

“Flare, baliw ka ba? Bakit dito ka na naman natulog sa kagubatan? Paano na lang kung madukot ka na naman ng mga bandidong pagala-gala rito?” Pinagpag ko ang damit ko’t humikab habang inuunat ang mga braso ko. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya’t nagtungo sa pinakamalapit na lawa upang maghilamos.

“Naalala mo ‘yong gabing pumunta ka rito para lang manghuli ng isda sa lawa? Nakasagupa ka ng mga bandido! Ilang pasa sa mukha ang naabot mo sa mga ‘yon tapos hindi ka pa nadala! Bumalik ka pa kamakailan lang at nagkaroon ka naman ng daplis ng palaso sa braso mo!” Lumuhod ako sa lupa’t sinawsaw ang magkabilang kamay ko sa malinaw na tubig ng lawa. Nagsimula akong maghimalos habang nakikinig sa mga pinagsasabi niya.

“Paano kung hindi lang daplis ang nakuha mo? Paano kung namatay ka?” Winisik ko ang kamay ko’t tumayo na upang harapin siya. Aga-aga ang ingay niya. Nagpasalamat nga ako’t wala akong ina upang pangaralan ako, narito naman siya.

“Flare naman! Nakikinig ka ba? Alam mo—“ Napatigil siya sa pagsasalita nang hablutin ko ang malinis na panyong nakatago sa bulsa niya. Pinunas ko ito sa mukha ko habang nakatingin sa kaniya na naniningkit ang mga mata.

“Pasa at daplis lang ang inabot ko sa kanila. Bali-baling buto, at ilang saksak naman sa katawan ang nakuha nila sa akin. Ayos na ‘yon, tabla na kami. Walang away, walang gulo.” Napansin kong natigilan siya. Inabot ko sa kaniya ang panyo niya ngunit hindi niya ito kinuha kaya binitawan ko na lang ito.

“Aba! Hoy, Flare!” Rinig ko ang padabog nitong paghabol sa akin kaya napailing-iling na lang ako. Sa paglalakad ko’y inabot ko ang isang purumpong ng prutas na ubas. Sinumulan ko itong lantakan habang pinapakinggan ang pag-ingos niya sa tabi ko.

“Gusto mo?” alok ko sa kaniya. Tumango naman siya kaya napangiti ako.

“Kumuha ka ng iyo.” Bigla siyang sumimangot kaya pinigilan ko ang sarili kong ‘wag matawa. May kamay naman siya. Saka kung may gustong isang bagay, dapat paghirapan kunin. Hindi dapat inaasa sa iba. Magiging pabigat ka lang.

“Ang damot-damot mo talaga! Hindi pa ako kumakain para lang hanapin ka rito dahil akala ko napahamak ka na naman! Tapos hindi mo pa ako pagbibigyan! Kaibi-“ Sinubo ko sa bunganga niya ang limang ubas kaya natahimik siya. Nabulunan pa siya sa ginawa ko kaya hirap na hirap niya itong nginuya.

Elysian Tale: Flare of FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon