Kabanata 12

46.3K 2.3K 370
                                    

Kabanata 12.

Flare

"Kanino ba galing ang mga bulaklak na 'yan?" naaasar kong tanong.

Pabagsak kong nilapag ang hawak kong memorial. Pinagsaklob ko ang magkabila kong kamay sa mesa habang nagtitimping nakatingin sa estudyanteng pumasok na nagdala na naman ng isang pumpong ng kulay puting rosas.

"Paumanhin po, ngunit hindi ko maaaring sabihin." Naigulong ko ang mata ko. Kung inaakala niya natutuwa ako sa ginagawa niya, puwes nagkakamali siya dahil nabubuwesit na ko.

Halos mag-iisang linggo na ang nakakalipas simula nang itinatalaga akong Institute Regent dito. Sa loob ng mga araw na 'yon palagi akong nakatanggap ng mga bulaklak. Kung hindi ko nga lang tinatapon ang mga 'yon ay malamang napuno na ang quarters ko.

"Who am I here?"

"The Lady Regent." Kaagad niyang sagot.

"Exactly," Pinagkrus ko ang mga braso ko sabay patong ng magkabila kong binti sa mesang nasa harap ko.

"Assuming that you won't tell me who it is despite that I'm the Lady Regent, then I guess the one who gave these flowers could only be the princes or the Head Mistress." Natahimik siya sa sinabi ko. Nakayuko lang siya habang nakatingin sa sahig. Ito ay marahil totoo ang sinasabi ko.

Come on, I'm not stupid.

"That Head Mistress is not the type to send gifts randomly. Besides, flowers? Why would she give me flowers? Only guys like you does that." mapaglaro kong anas. Nakatungo pa rin siya't hindi man lang nag-abalang sumagot kaya tumayo na ako mula sa kinauupuan ko.

"Tell me, who ordered you?" Nagulat na lang ako nang bigla itong lumuhod sa harapan ko.

"Lady Regent," Yumuko ako. Nakayuko lang siya't nakalapat sa sahig ang magkabila niyang kamay.

"I'm sorry, but I'm afraid I'll lose my tongue if I mention any name." Napasinghal ako.

"Talagang mawawalan ka ng dila kung hindi mo sasabihin sa akin kung sino ang nag-utos sa'yo." banta ko. Iniyuko niya pa lalo ang ulo niya kaya halos dumikit na ang ulo niya sa sahig.

"Pero-"

"Narinig mo naman siguro ang mga usap-usapan tungkol sa akin? Alam mo na, sikat ako nitong mga nakaraang araw," humalakhak ako.

"Kaya paniguradong alam mo na hindi mahaba ang pasensya ko." Napansin ko kaagad ang panginginig ng balikat niya kaya napabuga na lang ako nang malalim na hininga.

"Wala kang ginawang kasalanan kaya tumayo ka." Hinawakan ko siya sa balikat at sapilitang pinatayo.

"Sabihin mo sa akin kung sino ang nag utos sa'yo. Wala naman akong gagawin. Gusto ko lang malaman." mahinahon kong wika.

"Talaga? Wala kang gagawin?" Kunot noo akong napapatingin ng diretso sa pintuan. Doon ay may nakita akong lalaki na guwapong-guwapo sa sarili na nakasandal habang may ngisi sa labi.

Tumingin sa kaniya ang estudyanteng kaharap ko't sinenyasan niya itong lumabas na. Dali-dali naman itong lumabas at halos madapa-dapa na ito sa pagmamadali. Dinampot ko ang pumpong ng bulaklak sa mesa ko't lumapit sa kaniya.

"Ikaw ba ang nagpapadala sa akin ng mga bulaklak araw-araw?" Napatingin ako sa labas, at nakita kong napapatigil sa pagdaan ang mga estudyante't napapatingin sa aming dalawa. Nakabukas kasi ang pinto kaya kitang-kita nila kami.

Hinila ko ang pulsuhan niya't sinarado ang pinto, ni-lock ko na rin ito. Pagharap ko sa kaniya'y napakalapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Mabilis kong inangat ang pumpong ng bulaklak na hawak ko't hinampas ito sa ulo niya. Naangat niya rin kaagad ang braso niya kaya nasalag niya ito. I saw how the petals fall from his shoulders, and some are scattered on the floor.

Elysian Tale: Flare of FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon