Kabanata 13

40.9K 2.3K 1.4K
                                    

Kabanata 13.

Flare

“Ibaba mo ako, Lee.” utos ko sa kaniya. Nagdadalawang-isip man ay binaba niya pa rin ako. Pinilit kong ihakbang ang kaliwang paa ko upang harapin silang tatlo.

“What’s going on, Vexus?” tanong ni Aerus. Napalingon naman ako kay Lee na para bang naghahanap ng magandang maidadahilan upang hindi ako mapahamak.

“She can’t walk, that’s why I helped her.” simple niyang sagot nang may ngiti sa labi.

“Ano ang dahilan kung bakit hindi na siya makalakad?” tanong naman ni Apoy.

“She sprained her ankle.” Kung may dapat man akong palakpakan ‘yon ay ang mabilis na pagsagot ni Lee. Nakakapagtaka pa na kahit nagsisinungaling siya’y hindi mo mababahiran ng kasinungalingan ang mukha at tono ng pananalita niya.

“Really?” Naibalik ko ang tingin ko kay Frost. Wala na naman akong mabasang kahit anong emosyon sa mga mata niya kaya naiinis na naman ako.

“You sprained your ankle?” Tumango ako. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kaliwang pulsuhan ko’t marahas akong hinigit papalapit sa kaniya. Dahil walang lakas ang mga paa ko nagpatianod ako sa galaw niya’t bumangga pa ako sa matipuno niyang dib-dib.

Naramdaman kong may kung ano siyang kinuha sa buhok ko kaya umayos ako ng tayo’t dumistansya sa kaniya. Pagharap ko’y nakatapat sa mukha ko ang patulis na dahon ng kawayan.

“Next time, don’t leave any evidences.” Napatingin ako sa dahon ng kawayan na hawak niya. Walang kawayan saan mang bahagi ng Institute maliban doon, kaya paniguradong alam na nila kung ano talaga ang nangyari.

“Vex, you mentioned you planted a paralyzing thorn in the Pavilion Garden’s entrance, right?” I bit the skin inside my left cheek. Huli ka ngayon balbon.

“That’s why she can’t walk.” Komento ni Apoy.

“What to do? Don’t we have a punishment for the trespassers?” nakangising wika ni Aerus.

“She didn’t know.” pagtatanggol ni Lee.

“Her ignorance doesn’t mean she won’t be punished.” Nalukot nag mukha ko. Ano ba talagang problema sa akin ng lalaking ‘to?

“But Frost—she’s just new here. Can we just forgive her once?” But his eyes, it seems like he already decided.

“Once? And what? Let her do the same mistake twice?” Natahimik naman ang mga ito. Kahit ang mga estudyante ay halos hindi na huminga habang nanonood sa sagutan ng dalawang prinsipe.

“That’s not what I meant!” Aangal pa sana si Lee nang itaas ko ang kaliwang kamay ko, senyales na tumahimik na siya’t ‘wag na niya akong ipagtanggol pa.

“Fine. It was my fault for not knowing. I trespassed the Pavilion Garden and got pricked with a paralyzing thorn. There, I confessed it. Now what?” Taas noo kong sinalubong ang tingin niya.

“You are not contented with the title of being the Institute Regent?” Napakunot ang noo ko. Saan naman nagmula ang katanungan niyang ‘yan?

“What does that supposed to mean?” nanghahamon kong tanong. Napasinghal ako nang mapunto ko kung ano ang gusto niyang iparating.

“Ang gusto mo bang sabihin, sinadya kong mapagawi roon upang kahit papano’y makatagpo ko ang isa sa inyo? Para ano? Para madikit ako sa isang prinsipe at para makatanggap ako ng karampatang dangal at prihibileyo ‘gaya ng natatanggap niyo? Ganoon ba?” Tumawa ako. Isang tawa na animo’y nahihibang na. Pagkatapos ay bigla ding sumeryoso ang mukha ko’t tinaliman ko siya ng tingin.

Elysian Tale: Flare of FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon