Kabanata 7

45.5K 2.5K 466
                                    

Kabanata 7.

Flare

“Ano na naman ‘to?” Taas kilay kong tanong kay Head Master Dan matapos niyang i-abot sa akin ang isang medalyon. Hugis bilong ito’t may malaking kristal sa gitna. Kulay pula ito’t kapansin-pansin na may namumuong apoy sa gitna ng kristal na ‘yon.

“Medalyon.” Pabagsak kong nilapag ang kanang kamay ko sa mesa niya kaya mapatunghay siya sa akin.

“Alam kong medalyon ‘to, ang tinatanong ko ay para saan naman ‘to.” Nagkibit-balikat naman siya kaya mas lalong napakunot ang noo ko.

“Wala lang, pinapatago ko lang sa’yo.” Walang imik ko na lang itong ibinulsa dahil natatamad na akong magsalita. Nagsasayang lang din naman ako ng laway dahil alam kong hindi niya naman sasabihin kung para saan ito.

“Sige, alis na ako. Baka mamaya magtaka sila kung bakit pabalik-balik na ako rito.” Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa silya niya’t lumapit sa akin.

“Bakit ba kasi tinanggihan mo ang pagkakataon upang makapasok sa Elysian Institute?” Ginulong ko na lang ang mata ko. Pinagkrus ko ang mga braso ko’t naboboryong binalingan siya ng tingin.

Tatlong araw na ang nakakalipas simula noong nakausap ko ang hari at reyna ng Water Tribe. Sa loob ng tatlong araw na ‘yon ilang beses ko na rin naririnig ang walang sawang katanungang ‘yan ni Head Master Dan.

“Ayaw ko ngang ipakilala ang sarili ko bilang Top Student ng Blaze Academy, tapos papapasukin mo pa ako sa Elysian Institute?” nakataas kilay kong tanong. Nagtaka na lang ako nang namutawi ang isang ngisi sa labi niya.

“Right, I totally forgot about that.” Umiling-iling na lang siya habang kinakamot-kamot ang noo niya. Hindi ko na lang siya pinansin pa’t gumayak na palabas ng silid niya.

Paglabas ko’y dare-daretso lang ako sa paglalakad. Lihim akong napasinghal dahil napansin kong halos lahat ng nadadaanan ko’y napapalingon at napaptingin sa akin. Nararamdaman ko pa ang mga tingin nilang parang sinusundan ako habang pinag-uusapan. Normal na estudyante lang ang tingin ng lahat sa akin dito, pero simula noong makabalik ako rito wala silang ibang ginawa kun’di ang pagtinginan at pagbulungan ako ng kung ano-ano.

It was all because of that one heroic deed. Ang buhay na gusto kong tahimik, mukhang iingay na dahil sa ginawa ko. Paniguradong karamihan sa kanila’y alam kung ano ang nangyari sa akin at ano ang pinagdaanan ko. I should know, I can hear long range noises. Hindi nakakatakas sa pandinig ko ang lahat ng mga pinag-uusapan nila.

Some of them idolized me, but a lot of them took my actions as if I’m a woman who seeks for fame and attention from a royal family. Kung alam ko lang na ‘yon ang iisipin nila, siguro’y isang malaking pagkakamali ang ginawa kong pagtulong sa bubwit na ‘yon.

Tinuon ko na lang ang pansin ko sa mga bulalak na nakahilera sa magkabilang daan na tinatahak ko. Inangat ko ang kaliwang kamay ko’t pinaglandas doon ang mga daliri ko. Tapos na ang klase ko sa Potions and Spells, mayroon pa akong isa’t kalahating oras upang makapagliwaliw kung saan ko gusto bago magsimula ang susunod kong klase.

Siguro’y pupunta muna ako sa Infinite Forest para makipaglaro kay Wei-Wei. Baka gutom na ‘yon at kanina pa ako hinihintay. Wala naman iyong ibang ginawa kun’di matulog at manakot ng mga batang paslit na nagagawi sa kagubatan.

Sa kakaisip ko, at dahil na rin nakatuon lang ang buong pansin ko sa mga bulaklak, hindi ko napansin ang presensya ng isang tao. Nabangga ako nito, at malakas ang pagkakabangga niya dahil tumatakbo siya. Napaatras ako’t bahagya pang umangat ang katawan ko dahil sa impact. Narinig kong may bagay na nahulog sa sahig kaya kaagad akong napayuko.

Elysian Tale: Flare of FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon