Kabanata 15

41.7K 2.2K 291
                                    

Kabanata 15.

Flare

“Good morning, students.” Umayos ang lahat ng upo nang pumasok ang tagapagturo namin sa larangan ng Historya.

“Good morning, Professor Mazta.” bati nila. Tinakpan ko ang bibig ko nang bumuka ito upang humikab. Umayos na rin ako ng upo nang hindi pinapahalata na inaantok ako.

Madaling-araw na ako nakabalik sa dormitory kaya kulang ako sa tulog. Buong gabi kasi akong nakinig sa mga kuwento ni We—Yael. Hindi ko na rin namalayan ang oras kaya inumaga na ako. Buti na lang ay tulog pa si Icca noong nakabalik na ako.

“Today’s an open discussion, you can ask me whatever you want and I’ll answer them depending on my knowledge.” Pinagsaklob ko ang magkabilang kamay ko sa mesa habang pinagmamasdan ang lalaking nagsasalita.

Nakatayo siya sa harap ng isang mahabang mesa na may nakapatong na mga aklat at iba pang mga gamit. Habang tinititigan ko siya nang mabuti ay masasabi kong mukhang ka-edad lang ito ni Head Master Dan. Matikas ang pangangatawan nito’t halatang sanay sa training. Ang kakapalan ng kilay niya’y nagbibigay ng supladong impression sa kaniya’t ang salamin na suot nito’y nagpapahiwatig lang na napakarami nitong kaalaman.

“Yes, Lady Regent?” I was snapped back to reality when he called me. Luminga muna ako sa ibang estudyante’t nakatingin lang din sila sa akin.

“Got any questions to ask?” Pinagkrus ko ang mga braso ko’t sinandal ang likod ko sa upuan. Nahuli niya yata akong taimtim na nakatitig sa kaniya. Mabilis akong nag-isip ng maitatanong sa kaniya upang hindi naman ako mapahiya.

“All throughout the Elysian Empire’s kings from four consecutive continents, is there a king named Camaro?” Nangunot ang noo ng mga estudyante sa naging tanong ko samantalang si Professor Mazta naman ay saglit na natigilan at hindi niya man ipahalata’y alam kong nagulat siya sa naging tanong ko.

“As far as I can remember, none.” Tumango na lang ako, pero tinaas ko muli ang kamay ko upang magtanong, at dahil ako lang naman ang nakataas ang kamay, wala siyang ibang magawa kun’di ang hayaan akong magtanong sa kaniya.

“The four continents are said to be harmonious for centuries, but was it really true? No one tried to break off their alliance?” Nangunot ang noo ko nang matahimik na naman silang lahat.

“What?” nakataas kilay kong tanong.

“Where are those questions coming from, Lady Regent?” I shrugged and raised an eyebrow.

“Is it necessary to answer a question with a question?” I whispered, rolling my eyes.

“Professor Mazta, this is an open-discussion. The questions I have are pointless and are based on my curiosity. Can you just answer them, truthfully?” walang preno kong atugal. The look in his eyes were hesitant, and I don’t know why but my instincts tells me he’s about to tell a lie.

“No one can break off the four continents alliance. Even if someone would dare, they will not succeed.” I cocked my head and smiled at him. He did not answer my questions.

“I asked you if no one tried to break their alliance, I did not ask you the possibility of breaking their alliance.” pagdidiinan ko. Tinapunan niya ako ng tingin, at taas noo ko namang sinalubong ang mga titig niya.

Siguro’y nagtataka siya kung bakit sa unang pagkakataon ay nagsalita ako sa klase niya. Tahimik lang kasi ako’t ni hindi ako nakikipagusap sa katabi ko, nakikinig lang ako sa kaniya. Wala rin naman akong kakilala rito’t wala rin naman akong pakialam sa kanila kaya hindi ko sila pinagtutuunan ng pansin.

Elysian Tale: Flare of FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon