Kabanata 5

42.4K 2.1K 537
                                    

Kabanata 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 5.

Ikatlong Persona


“Kamusta na ang kalagayan ng anak ko?” Anang ng mahal na reyna. Tumunghay ang manggagamot at yumuko upang magbigay galang dito.

“Maayos na naman ang kaniyang kalagayan, mahal na reyna. Ang ikinakataka ko lang ho ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang mahal na prinsipe.” magalang na wika ng manggagamot.

“Kung magising ang anak ko’y nais kong ipaalam mo kaagad ito sa akin, sapagkat maraming nararapat ipaliwanag sa akin ang batang ‘yan.” seryosong wika ng mahal na hari. Tumango na lamang ang mga ito bilang sagot.

“Mahal na hari, gusto ho kayong makausap ni Heneral Phairro ayon sa karampat na parusa ng mga bihag na mapangahas na nanakit sa mahal na prinsipe.” Walang salitang lumabas ang hari, kaya naman  yumuko na naman ang mga manggagamot at mga tagapagsilbi nito upang magbigay galang sa pag-alis nito.

Maingat na umupo ang reyna sa tabi ng munting prinsipe. Nakahiga lang ito’t medyo namumutla pa ang labi, mahimbing lang itong natutulog at tila ba wala itong balak gumising pa. Masuyong hinaplos ng reyna ang buhok nito habang pinagdarasal na sana’y magising na ang minamahal niyang anak. Hinalikan niya ito sa noo bago napagpasyahang lumabas ng silid. Kasunod na lumabas ay ang mga manggagamot at mga tagapagsilbi nito.

Pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik, at nang masigurado na wala ng ni isang tagapagbantay ang umaaligid sa silid, tumikhim ang binata na kanina pa walang imik na nakaupo sa isang tabi.

“You can wake up now.” Mabilis na nagmulat ng mata ang munting prinsipe. Bumangon ito’t luminga-linga sa paligid.

“Ang hirap pala magpanggap na walang malay,” Nakasimangot nitong anas. Magkasalubong ang kilay nito habang kamot-kamot ang noo niya.

“Kapag kasi magising ako, alam kong papagalitan kaagad ako ni ama. Panigurado’y hindi na naman niya ako palalabasin sa aking silid. Tumakas na nga ako para makalabas dito sa kulungang ‘to, pero sino ba naman kasi ang mag-aakala na makakatagpo ko ang mga bandido mula sa angkan ng mga matatapang na taga hilaga.” Ani nito na para bang kinakausap ang sarili. Walang emosyon na humarap sa kaniya ang kaniyang nakakatandang kapatid.

“Mga bandido?” Tumango ang munting prinsipe. Maingat itong dumapa sa higaan upang harapin ang nakakatanda niyang kapatid na prenteng nakaupo sa isang magarang silya. Nakadekwatro ang mga binti nito habang nakaharap sa nakababata niyang kapatid.

“Yep. They are the ones who took me away from the Water Continent to the Fire Continent. I was so scared that they might harm me, but someone saved me!” Pinalakpak nito ang kaniyang mga kamay na para bang tuwang-tuwa sa naaalala niya.

Matapos niyang mapansin na halos maisigaw siya ‘yon ay kaagad niyang tinakpan ang bibig niya. Baka may makarinig at mabuko ang pagpapanggap na ginagawa niya. Tumikhim siya bago magsimulang magkuwento sa nakakatanda niyang kapatid.

Elysian Tale: Flare of FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon