Kabanata 17

39.5K 2.2K 350
                                    

Kabanata 17.

Phairro

"This is another Royal Decree coming from both Kings and Queens of four outstanding continents. Save the Royalties and kill the assassins, Flare Fyche Henessy." wika ni haring Blizzard.

She playfully striked her whip in the air as she smirk. Kitang-kita ko kung paano lumagablab ang apoy sa paligid ng latigo na hawak niya. Napahawak ako sa pinakamalapit na mesa nang maramdaman ko ang pangangatog ng tuhod ko. I look at her who's still grinning from ear to ear.

She had two drinks of the wine, I'm sure. But how come it seems like she's not affected?

Nakatayo pa rin siya nang tuwid. She can even use the element she possessed. Napangisi ako nang may maalala ako. Nakalimutan ko nga palang siya ang babaeng hinampas na ng latigo sa likod at lahat-lahat nagawa pang tumawa't ni hindi man lang dumaing, nagmakaawa o umiyak sa sakit.

"Come a little closer and we won't hesitate slit their throats!" banta ng babaeng may hawak kay Frost. Imbis na mahintatakutan ito sa naging banta, ngumisi lang ito.

"And what? Take them as hostages and demand for the Millitary Crest?" Kapansin-pansin ang pagkagulat ng apat na kababaihan dahil sa sinabi nito.

If they are going to threaten the Kings and Queens to hand over the Millitary Crest, they're motive is to control the soldiers all over the continent. Ang Millitary Crest kasi'y isang bagay na gawa sa jade porcelain na hugis at nakapormang dragon. Isa itong bagay na sumisimbulo ng awtoridad sa mga kawal.

Ang sino mang makakahawak nito'y susundin ng mga kawal ang kahit ano mang magiging kautusan nito. A continent without a force of millitary soldiers is like a tiger without tooth. If they are planning to take the Millitary Crest of each continent then they are planning to revolt a war.

"H-how did you..." Inangat ni Flare ang kaliwang kamay niya't marahas itong ikinumpas, dahilan upang tumalsik papalayo ang mga punyal na hawak ng mga ito't tumarak sa pader na ilang metro ang layo sa amin.

Nabitawan nila ang mga prinsipe't mabilis na napaupo ang mga ito sa sahig dahil sa panghihina at pangangatog ng mga tuhod nila. Marami-rami rin silang nainom kanina kaya paniguradong mas malaki ang epekto nito sa kanila.

I look around, only to see all of the people on the ground. Lying on the ground helplessly because they are too weak to stand or sit. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa stand ng mesa upang masaksihan nang mabuti ang magaganap na labanan sa pagitan nilang lima.

"Even so, you are alone. You can't possibly defeat us." wika ng isa pang babae. Flare being Flare just laughed and smiled at them teasingly.

"We'll see about that." She flip her whip and striked it in a circular motion. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Sa paghampas ng latigo sa sahig ay nag-iwan ito ng apoy na ngayon ay nakapalibot na sa kanilang lima.

Pinagmasdan ko ang naglalagablab na apoy na nakahugis bilog. Tantyado kong nasa limang metro ang lawak ng distansya sa loob at sakop na roon ang kinaroroonan ng mga prinsipe. Ilang segundo pa ang nagdaan ay umalingaw-ngaw ang tunog ng latigo't ang pagkalansing ng mga bakal.

Isang malaking bola ng tubig ang siyang pumatay sa nagbabagang apoy na ginawang harang ni Flare. Pagtingin ko'y nagmula ito sa isang babaeng kinakalaban ni Flare. I stilled when a realization hit me.

One of the assassins is from the Water Continent!

Hindi pa ako nakakabawi mula sa pagkabigla ay lumitaw ang naglalakihang baging na puno ng mga tinik mula sa ilalim ng Grand Hall. Nagkandabitak-butak ang sahig at umusbong roon ang mga hindi ko malamang lupang ugat. It looks deadly and the thorns look like they have poisonous thing in it.

Elysian Tale: Flare of FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon