CHAPTER 5 : IN PAIN

5.2K 113 2
                                    


Nandito ako ngayon sa silid at nakahiga sa kama habang iniisip ang sinabi niya kanina, bakit ba kinikilig ako sa simpling salita nya lang?

Hindi naman siguro ako inlove diba? pero bakit pag naiisip ko ang katagang 'She's Mine' kinikilig ako at parang naramdaman ko ang pag kapula nang pisngi ko?

Does this mean I'm really inlove? Napabangon ako nang may kumatok sa silid ko, tinignan ko ang kalangitan at napag tanto kung gabi na, ganun ba katagal ang pag-iisip ko at diko namalayaan ang oras?

Naglakad ako patungong pintuan at duon ko nakita si Manang Nene..nginitian ako nito at ganun din ang ginawa ko..

"Hi, manang! " ngiting bati ko dito, maganda ang araw ko ngayon at dahil yun sa simpling salita..

"Mag hahapunan na, bumaba kana at sumunod sa akin " ngiting pahayag niya sa akin..

Tumango lang ako dito at sumunod, hindi mawala wala sa labi ko ang ngiting abot tenga ko, sa simpling salita na nag papasaya sa akin at nag pakilig ay sapat na, alam ko ang nararamdaman ko, at ako ay inlove sa isang tao,

alam kung masasaktan ako na umasa, pero di naman natuturuan ang pusong magmahal , pero takot akung masaktan baka diko kayanin kaya ililihim ko ito sa aking sarili , takot akung e reject nang taong mahal ko.

Narating namin ang hapag kainan at nawala ang ngiti ko ng wala akung nakikitang Denver dun! Nasan kaya siya?

"Manang nasan si Denver? " ako lang ang may lakas na loob na tawagin siyang ganyan dahil lahat nang tao dito ang tawag ay Boss o kundi Lord, but I prefer Denver because it's suit him!

Nakita ko ang pag-iwas nang mata ni manang sa akin..

"ahmn, iha may ginagawa lang ang Lord." tarantang sabi nito at ako naman ay naka kunot nuo sa inasal nito, tango lang ang sinagot ko at nag umpisa nang kumain..

Nabitawan ko ang kubwertos nang may narinig akung ungol nang babae, nang tignan ko si manang na ngayon ay naka upo sa aking gilid at kumakain, inaya ko kasi siya at dahil mapilit ako, gabi narin kasi at mukhang yong iba nasa maids quarter na, ready to sleep I think so..

wala narin siyang nagawa kundi ang saluhan ako, natamaan ko ang mata nitong gulat, siguro narinig din niya ang ungol na narinig ko..

"Ahmn? manang ano po yun? bakit may naririnig akung ungol nang babae?" out of curiosity lang , baka kasi guni guni ko lang..

"Iha, kumain kana.. Imahinasyon mo lang yun, isang guni guni.. " alam kung pilit ang ngiting yun pero di ako nag pahalata kaya nginitian ko rin ito kahit na gulong gulo na ang isip ko..

"Sege na, umakyat kana at ako naman dito ang magligpit " sabi ni manang at sinimulan nang ligpitin ang kinain namin..

"Tulungan na po kita Manang." presenta ko dito pero pinilit niya talagang paakyatin ako kaya no choice .. Sinaibihan pa ako nitong dumretso sa kwarto ko.

Weird..

Bakit kaya wala pa si Denver? Importante ba yung ginagawa nya? Parang sumikip ang puso ko sa isiping yun, huminga ako nang malalim.

Lalampasan ko na sana ang RedRoom nang may narinig akung ungol duon, ungol nang isang babae, dahan dahan akung naglakad dun at binuksan ang pinto, curiosity ang bumalatay ngayon sa isip ko..

Sino kaya yun? nang matamaan nang mata ko ang playroom ganun nalang ang gulat ko na galing duon ang ungol, ibig sabihin, nandyan si Denver?

E siya lang naman ang nakakapasok diyan, because it's his Happy pill, sa isiping may kasama siyang babae at umuungol ito, di nga ako ganun ka Inosente, naramdaman ko nalang ang luhang bumagsak sa pisngi ko, parang pinipiga ang puso ko ,

may kirot at hindi ko maiwasang habulin ang aking hininga, napa hawak ako sa door knob nang wala sa oras, tama nga sila, masakit ang magmahal. O.A naman ng tunog nun.

Si kupido kasi eh, mag papana na nga lang sa maling tao pa, masakit, sobrang sakit, akala ko ka kayanin ko ang sakit pero hindi pala, napa luhod ako habang bumubuhos parin ang aking luha,..

"Ohh! F*ck, Shit " rinig kung ungol, at mas lalo akung nadurog nang boses iyon nang taong mahal ko..

Mahal ko talaga siya. Mahal ko na siya, I surrender and defeated of what I feel.

sana hindi ko nalang siya minahal sana nakinig nalang ako sa isip ko nang sa ganun hindi ko to naramdaman, ang masaktan nang sobra!

'I have this feeling  na, familliar sakin ang lalaking naging dahilan ng pag luha ko ngayon. He really felt familiar to me. Those eyes, those freaking sweet word! '

Nakayuko lang ako at patuloy sa pag-iyak habang dinig na dinig ko dito ang ungol nilang dalawa, sa bawat ungol na narinig ko para akung sinasaksak nang kutsilyo,

napalingon ako sa may hagdanan nang makarinig ako nang yapak nang paa at duon ko nakita si manang na gulat at may pag - alala sa mata nitong naka tuon sa akin..

"iha a---" tumayo ako at tumakbo patungong silid ko, nang makapasok ako ni lock ko kaagad ang pinto, at sumalampak sa kama at duon na ako tuluyang napa Hagulgol bakit ba kasi ako umasa?

Kumikirot ang puso ko sa isiping ano man ang ginagawa nila sa loob nang Playroom...

Alangan naman nag laro sila ng bato bato pick duon at kung sino matalo pipitikin kaya umuungol kasi nasasaktan!? Ganun!?

Ehh mas mabuti kung ganun na ngalang e.

"Shit, masakit, sobrang sakit! Bakit ikaw pa? nasasaktan ako! " sigaw ako nang sigaw, gusto kung ilabas ang sama nang loob ko..

"B-bakit ikaw pa?.... Bakit ikaw pa ang minahal ko? " tanong kung sigaw at pinaghahampas ko ang unan sa kama, "B-bakit?.. isa kang Shit." pagak akung natawa nang maalala ko..

"Kasalanan ko rin pala eh, umasa ako! nadala ako sa 'she's mine' mo!." at kasabay nun ang tawa kung umiiyak, bakit niya ba pinaramdam sa akin na mahalaga ako sa kanya?

Bakit ba may salita siyang nakakakilig? Bakit ba niya ginagawa sa akin yun? Ano ba ako dito at bakit pa niya ako binili? Ano ba ako sa kanya?...

Now I'm in Pain..

Habang umiiyak ako, bumigat ang takulap nang mata ko kaya siguro inaantok na ako at napapagod na siguro tung umiyak, kaya sumuko ka agad,..

Hanggang sa tuluyan na akung nilamon nang antok..

A/N: Ano ba ang pakay mo kay Cali, Denver? Nasasaktan din ako! Huhu😭

SERIES 1 : MY DEMONIC MAFIAWhere stories live. Discover now