CHAPTER 16 : ONE WEEK

3.9K 98 12
                                    

Komplekado.

Komplekado lahat ng nangyayari ngayon.

Gabi na ngayon at nag iisa lang ako sa balcony.

"Bunso? " napalingon naman ako at doon ko lang napansin na si Ate Jane lang pala.

I hummed to answer her.

"Okay ka lang? " she asked in a worried face.

Nag iwas ako ng tingin at napabuntong hininga.

"Mahirap." tumingin ako sa langit at nakikita ko dun ang mga nag niningning na mga bituin.

Ang ganda, ang gandang pagmasdan.

"Mahirap ang lahat. Hindi ako okay. " nilingon ko si ate at nakatingin din pala ito sa langit.

Nakita ko kung paano gumihit ang ngiti sa labi nito.

Ngiting may Lungkot sa mga mata.

"Ate? B—bakit? " I asked in confusion.

She look at me directly.

"Naalala ko lang yung mga bituin..." nagsalubong naman yung kilay ko sa sinabi nito.

'Huh? '

"Alam mo bunso, mahirap ang isang sitwasyon pag patuloy mong balik balikan ang nasirang relasyon... Sobrang hirap... Kaya kayanin mo.." ako tong nagdradrama eh,

Parang hindi naman ako yung tinutukoy.

MMK lang ganun?

"Napagdaanan nyo po rin yun?" takang tanong ko, eh? May boyfriend na ba siya?

'kailan pa??'

Natawa naman ito at umalis na at iniwan na akung mag isa.

'Hayy, hindi ko bibigyan nang hugot yan, kaya wag kayong mag expect.'

Tumingala ako at pinagmasdan ang kumikinang na mga bituin.

Ang Ganda talagang tignan.

"Sana.."

"Sana pwedeng ibalik ang panahon. "

Makatulog na nga, teka? Anong araw ba ngayon?

Hmmn?

'Ahh, mag wa one week na pala ako dito simula nung umalis ako sa mansyon nang Volkz. '

Denver.

'Ano ba talagang rason kung bakit kita nalimutan? '

I yawned. Bukas ko na pro problemahin ang lahat nang to.

Sa ngayon matulog mo na ako.

**—————**

Napatakbo ako nung may marinig akung busina.

'Nandyan na siya? '

Nasa may hagdan pa ako nung marinig kung may nag uusap sa living room.

Mga boses na nag sisigawan.

Lumakas naman yyng kabog nang dibdib ko. Bakit kinakabahan ako?

"Hindi pwede!——!" mas lalong lumilinaw yung dinig ko nang makalapit ako.

"Maawa ka sa anak ko Don. "

Dad?

"Wala akung magawa." Parang pamilyar sakin ang boses na yun.

"May magagawa ka alam mo yun, kaibigan kita sana maawa ka, " Dad's voice was breaking.

SERIES 1 : MY DEMONIC MAFIAWhere stories live. Discover now