CHAPTER 7 : ICE CREAM

4.6K 106 4
                                    

'Sana...sana hindi nya lang ako pinaglalaruan' mga katagang palaging nasa aking isip, binabagabag ako ng kanyang matamis na halik na kahit ngayon nalalasapan ko parin sa aking mga labi...

Hayst, kainis naman Oh! Napahiga ako sa aking kama at napatitig sa kisame, ang boring grabe.. Hindi ko tuloy maiwasang mag isip kung bakit nga ba to ginagawa ni Denver.. Bakit nga ba?

"Bakit? Bakittttttttt? " naiinis na sigaw ko at nag gulong² sa kama, at dahil sa inis ko pinag babato ko ang mga unan at pinanggigilan ko iyon, 'porket ba kinatatakutan siya nang lahat, pwede nya nang gawin ang gusto niyang gawin sa akin? '

"He's a jerk, anong karapan niyang halikan ako? Oo, binili nya nga ako pero hindi ibig sabihin nun, sakanya ako. Kaya ko naman siyang bayaran ha?" magandang makipag usap sa sarili dahil alam mong walang aangal sayo, ang kaso baka tawagin kang baliw kaya mahirap yun..

Pero hindi ko naman maiwasang hindi mainis sa iisiping isa siyang 'Mafia Lord'

"Anong paki alam ko kung Mafia Lord siya? " napaupo ako sa kama at kumalma nang kaonti..

"Mafia Lord nga pala siya, ano nga bang magagawa ko? Malaking halaga rin ang 10 million.." nanghihina ako sa mga salitang yan.. Sampung milyon. Mafia Lord.

"Gusto ko nang umuwi, pero bakit mabigat sa damdamin kung iwan siya? " mahinang turan ko..

Nalipat ang atensyon ko nang may kumatok sa pintuan nang kwarto ko, at pumasok si Ate shan na may dalang tray habang nakangiting nakatingin sa akin..

"Hi, ahmn.. Kumain ka mona nito " sabay lapag nang tray nyang dala sa kama at laking tuwa ko nang makitang ice cream ito, 'Wow'

"Favorite ko to." nakangiting turan ko kay Ate Shan, hindi na ako nag aksaya pa nang panahon nilantakan ko na, baka kasi matunaw eh! Narinig ko ang mahinang tawa nito at tumingin sa akin nang deretso..

Naiilang na ako sa tingin na binibigay ni ate shan, na para ba akung anak niya, kumikislap kasi ang mga mata nito ng tuwa pati narin ang kanyang ngiting abot tenga. Tumikhim ako bago nagsalita..

"A-ate Shan, stop staring at me.." naiilang na saad ko sakanaya, pero imbis na pigilan nya ang kanyang ginagawa, mas lalo pa itong natuwa..

"Bakit? " natatawa nitong tanong kaya napakunot ang noo ko..

"it's Creepy." pagkasabi ko nun binalik ko na ang tingin ko sa ice cream, susubo nasana ako nang marinig ko itong tumawa nang malakas kaya tinignan ko ito, at parang ang saya nyang tignan habang nakahawak ito sakanyang tiyan at walang tigil sa pagtawa..

I think she's Crazy, anong nangyari sakanya? She's actually creeping me out..

"B-bakit ka tumatawa? " takang tanong ko sakanya tumigil ito sa pagtawa at ngumiti nang matamis sa akin at nag kibit balikat..

"Wala, ang cute mo kasi. No wonder kung bakit ka binili ni Lord. " ngiting lintaya nito..nabaggit niya ang salitang lord, yumuko ako at nagpatuloy sa pagkain, Lord? Mafia? He's a Mafia Lord..

"Hindi mo ba ako tatanungin kong sinong nag pabigay sayo nang Ice cream nayan? " nag angat ako nang tingin at nakita ko ang nakakalarong ngiti nito.. Yeah I know, She's Crazy!

"S-sino? " kinakabahan kung tanong? Why my heart, beats too fast? It is because iniisip kung Si Denver ang nag pa bigay nito?

"Si Boss Mark, sabi kasi nya bigyan daw kita nang ice cream kasi favorite mo yun at isapa sabi nya, it's your comfort food pag nalulungkot ka at naiinis." napanganga ako sa sinabi nya, t-teka? Paano nya nalaman ang lahat nang yan? Bago pa ako mag tanong umalis na si Ate shan sa kwarto ko at naiwan akung mag isa dito..

Mark? Mark. Ngayon kolang narinig ang pangalang yan, but it sound familiar. sino ba siya? At tinawag ito ni ate shan na Boss.. Imposible kayang..

Imposible kayang...

"Imposible kayang, may iba pa silang Boss dito sa mansyon? " napakurap kurap nalang ako sa tanong ko.. Parang may sasagot! Tsk.. Tanga... 'alam ko' oh well kung sino man yang Mark nayan, salamat sakanya, I need my comfort zone..

"Mark." ulit ko sa pangalang yun, napangiti naman ako.. Ewan, ang sarap lang sa Feelings..

"Salamat"

A/N: Pasensya na kayo kung pinaghihintay ko kayo, wala na kasi akung balak na tapusin tong kwentong to dahil wala na akung oras na nalalaan pero dahil sa taong nangugulit sa akin na mag update raw ako, kaya pinagpatuloy kona, salamat pala sa inspirasyon ko nito, alam mo na kung sino ka.. Inuulit ko po.. Pasensya napo, sana supportahan nyo parin ako..

Q: Sino nga ba si Mark? At bakit may pa Ice cream pa siyang nalalaman? Sino kaba talaga Mark?

SERIES 1 : MY DEMONIC MAFIAWhere stories live. Discover now