Kabanata 3

9.8K 295 12
                                    

Kabanata 3

Before Anything Else

"Nixon or better call me Eion. Are you okay now?"

Nanahimik ako nang sabihin niya iyon. Gulat pa rin dahil sa biglaan niyang pagpapakilala. Napansin ko rin ang mahigpit niyang hawak sa manibela at binitawan iyon nang huminto ang kaniyang sasakyan sa drive thru.

He rolled down the window and he was greeted by the man wearing a red uniform. Nilingon niya ako nang biglaan kaya hindi ako nakapag-iwas ng tingin.

" They have chicken fillet burger, do you want that?" aniya. Sa aking gulat ay napa-oo na lang ako at nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya. I bit my lower lip and just unknowingly smiled.

Binigay niya sa akin ang puting drive thru plastic. Mahina ang boses na nagpasalamat ako dahil hindi pa rin makapaniwala na binilhan niya ako ng pagkain.

" You don't have to buy me…this." I pouted my lips and pointed at the plastic. Nilingon niya ako at tinaasan nang kilay. The way he cocked his eyebrows made him look arrogant.

" I know you're starving. Kumain ka na." Namilog ang aking mata nang marinig ang pagtatagalog niya. So he speak Filipino after all!

Mahina siyang tumawa nang makita ang reaksyon ko. I quickly masked myself into a serious one. Tumikhim ako at sinilip ang plastic. May dalawang box doon na sa tingin ko ay ang burger na binili niya. May dalawang set din ng fries at nasa beverage holder naman ang dalawang drinks na binili niya.

" Pwede kitang subuan to pay for this." alok ko. Humalakhak siya nang tawa bago tumango-tango. The veins in his neck popped like he was controlling it.

Nag-iinit ang aking pisngi habang kinukuha ang box ng burger. Binuksan ko iyon at kinuha ang burger na nakabalot. I unwrapped it and held it to him. Mas inilapit ko iyon sa kaniya habang hinihintay siyang kumagat. His face relaxed before he took a bite. Naramdaman ko ang malambot niyang labi na dumaplis sa aking daliri kaya agad kong iniwas ang burger sa kaniya. Umayos ako ng upo at kumuha ng fries.

Nakapangalahati siya sa kaniyang burger nang huminto ang kaniyang sasakyan sa front ng building.

" You can go inside now. I still have something to do." puna niya nang patayin niya ang engine. Inalis ko ang plastic sa aking kandungan at inilagay sa ibabaw ng dashboard. I unlocked the door but didn't plan on opening it.

Nilingon ko siya at nginitian. " Thanks for the ride…again."

He gave me a smug smile before nodding. Binuksan ko ang pinto at kumaway sa kaniya. Hindi ko alam kung nakita niya iyon ngunit napangiti pa rin ako. My eyes followed his speeding car before it went out of sight.

Kunot ang aking noo nang pasadahan ng tingin ang school grounds. May mga tumatambay sa hagdanan at ang iilan ay kumakain sa benches. I was with Everly a while ago until I received a text from Elize. Naiwanan ko tuloy siya sa doon sa Hanging garden ng school.

Pumunta ako ng West Wing Library kung saan nandoon si Elize at ibang kasama namin. Ako nalang pala ang kulang sa grupo namin kaya doble ang aking pagmamadali.

Some boys greeted me when I was on my way up. Ang iba ay humaharang pa ngunit pinakiusapan ko na lang para mapadali ako. Habol ang aking hininga nang mapadpad na ako sa pinto ng library. The male librarian greeted me with his serious face. Napayuko ako at tinungo ang pwesto nina Elize.

" Hey!" Elize greeted me. Ipinaghila ako ni Josh ng upuan at doon ako umupo. Walang masyadong nakalagay sa table kung hindi mga notebooks lang at yellowpad. Doon lahat nakalagay ang mga information na nakalap namin.

Before Anything Else (Absinthe Series 2)Where stories live. Discover now