Kabanata 6

8.9K 306 15
                                    

Kabanata 6

Before Anything Else

"Seriously? You declined his invitation?! Napaka mo!" Everly scolded me after I told her about Nixon's invite. Ngumisi lamang ako sa nakitang ngiwi sa aking kaibigan at inis sa mukha nito dahil sa naging desisyon ko.

Padabog na naupo siya sa aking tabi at gigil na niyakap ako sa braso. Ako naman ngayon ang napangiwi dahil sobrang higpit ng yakap niya.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon! The guy's asking you, Forah. Sayang ang opportunity." aniya at humiwalay sa akin.

My lips quirked downward. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ni Everly na sumama ako ngayon kay Nixon. Bar lang naman yun. Magperperform sila, eh ano naman? Mas gusto kong sayangin ang oras ko kaysa makisalamuha sa mga tao sa bar. Hindi ko rin naman alam kung safe bang sumama kay Nixon lalo pa't ako lang naman ang inaya niya. Kung dadalhin ko si Everly ay baka maoffend naman.

Ah basta, ayaw ko pa rin namang umalis.

Gaya ng inaasahan ay hindi ako tinigilan ni Everly. Kahit na matutulog na kami ay inaasar niya ako sa text at pinipilit na sa susunod ay matuto akong um-oo kapag inaaya. Hindi ko nalang pinansin at natulog na ako dahil ilang araw ng kulang ang tulog ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising but Everly woke up earlier. Nasa kusina na siya at nagkakape habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Dumiretso ako sa lababo at kumuha ng tasa at nagsalin ng mainit na tubig doon.

"Hey, saan ka sa holidays? Uuwi ako sa amin." I heard Everly asked as I pour down the contents of the 3-in-1 coffee powder.

"I'll be in Cavite. Tapos baka mag-aya ang mga pinsan kong magroad trip na naman." sabi ko at tumabi sa kaniya sa pag-upo.

Everly nodded while her eyes are still glued on her phone's screen. Sumimsim ako sa aking kape bago tumayo. Nagpaalam ako na sa balcony ako tatambay dahil gusto kong makalanghap nang sariwang hangin. I sat on my usual spot as my fingers tightly grasp the mug.

Medyo malamig na ang hangin dahil malapit na ang Pasko. It's the end of October already. Sa susunod na araw ay simula na ng semestral break kaya naman ang mga pinsan ko ay nagkaniya-kaniya ng plano ng galaan.

We always have the usual road trips, yung tipong isang araw hindi namin alam kung ano ang gagawin namin tapos mag-aaya na lang na magroad trip kahit saan man mapadpad. Minsan ay kumpletong pamilya kaming nagbabakasyon .

"Had a good sleep?" Nixon's voice on the other side made me turn in his direction. Katulad nang nakaraan ay nakasandal siya sa barandilya at pinagmamasdan akong nakaupo dito. He had a cup of hot coffee in his hand and the other hand was in his pocket.

"Hmm, yeah. How's last night?" I asked him casually. Ibinaba ko ang aking paang nakapatong sa barandilya dahil nakita ko ang pagsulyap niya dito. For Pete's sake, I was wearing shorts! Syempre lantad agad ang balat ko sa kaniya.

Bumalik ang titig niya sa aking mukha bago nagkibit-balikat. "Good. Might be better if you were there." Aniya at ngumisi sa akin.

Pabirong umirap ako ngunit nagpipigil ng ngiti. Sumimsim ako sa aking kape at napangiti nang dumampi ang ihip ng hangin sa aking mukha. My hair got carried away by the wind. Pinabayaan kong sumayaw lamang ito sa hangin habang dinadama ko ang lamig nito.

"What time is your class? You seem to be not in a hurry today."

"Wala na kaming pasok. Sembreak na bukas so we'll just have to go back for some papers." sabi ko.

Nilingon ko siya at nahuling nakamata lang sa akin. Kumurap ako dahil baka namamalikmata lang perl talagang nakatitig siya. It was his usual stare. Lantaran ang tingin na sinusuri ako palagi kapag nagkikita kami. As I stared at him, I noticed the bottom of his eyes seems to be in a darker shade. Ngumuso ako nang mapansing ngumisi siya sa akin dahil nakatitig ako pabalik sa kaniya.

Before Anything Else (Absinthe Series 2)Where stories live. Discover now