Kabanata 24

5.8K 212 10
                                    

Kabanata 24

Before Anything Else

The dreadful feeling was back again. Ilang araw ang lumipas at malimit ko ng napapansin ang itim na sasakyan sa labas ng school. I did not mind it at first kasi baka may estudyante lang na hinihintay but then the past few days, it had been following me back home. Sapat na ebidensya na iyon para masabi kong ako na talaga ang sinusundan nito.

Napalunok ako nang matanaw ko ang sasakyan mula sa third floor ng building. It was the same logo and same plate number. Palagi na itong naroon ngunit minsanay hindi ko nakita ang nagmamaneho o di kaya'y ang sakay nito. It was always there, watching my every move.

Sumapit ang hapon at nagpapasalamat ako na sinundo ako ni Adina. I am hesitant to tell her about the black car but it has been bothering me. Ngunit hindi ko rin naman pwedeng idawit na lang din ang kaibigan sa kabang nadarama. I know Adina is a fearless girl and with brave attitude. Kaya nga pareho kaming volunteer na coastguard kasi naimpluwensyahan niya ako. Pakiramdam ko lamang ay kailangan ko itong harapin mag-isa kaya ayaw kong sabihin sa kaniya. Isa pa, ayaw ko rin namang mag-alala siya.

" We'll be meeting Exodus at the headquarters. May kailangan siyang ipatingin sa'yo." sabi ni Adina nang makapasok ako sa loob ng kaniyang sasakyan.

" Huh? Wala ba si Chief doon? I'm sure mas maalam si Chief sa bagay na gusto niyang patingnan." sabi ko.

Adina grinned. " Oh hell, gusto ka ng pinsan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi mo napansin iyon."

Hindi na dapat pang nagtaka si Adina doon. Akala ko kasi ay pwede silang dalawa ni Exodus kaya hindi ko minsan nabigyang pansin na iba pala ang itinatarget ng kaniyang pinsan. It was me, all along.

" I don't like your cousin." diretso kong sabi. Adina laughed loudly at that. Tila isang masamang tawa iyon para sa pinsan.

" That was ouch, Zeppy. I know he's a jerk at all times pero wala ba ni kahit katiting man lang?" she wiggled her eyebrows.

" I don't approve of your cousin, Adina. Alam mong ayaw kong maging attach sa ibang tao."

" Hmm, you're so uptight my friend." she chuckled.

" Hmm, need I remind you that your cousin has also called me a staid. Sa tingin mo ba ay magugustuhan ko iyon?" akusa ko na siyang ikinatawa niya ulit. Exodus hasn't aplogized for it. Hindi rin naman siguro nito naramdaman na slight na na-offend ako sa kaniyang insulto sa akin.

Exodus is nice and all but I don't think that I would like him romantically. Marami namang babae dito sa Marina na nagkakandarapa sa mga lalaking Felisarta kaya hindi ko na gustong mapabilang pa doon. I see him as a guy and a friend, nothing else.

" Ilang araw ko ng nakikita ang itim na kotse na 'yan." Adina trailed. Nilingon niya ako. " May problema ba?"

I sighed. " Wala." simple kong sagot.

" Hindi ako naniniwala." She threw an accusing glance at me. " Sinusundan ka ba ng sasakyan na 'yan? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

" Hindi naman ako inaano at saka parang hindi naman ako ang pakay." Iniwas ko ang tingin sa kaniya at sinulyapan ang itim na kotse. It was parked a few meters from us. Nasa loob lamang kami ng kotse ni Adina at katatapos lang sa grocery.

" Still, hindi ka ba nath-threatened? Paano kung walang tao at biglang kang hinarass?"

" Medyo pero wala namang ginagawa. Can we just go, Adina?" I asked her, shifting the topic. I did not sound annoyed rather, I was lazily begging her to go.


Before Anything Else (Absinthe Series 2)Where stories live. Discover now