Kabanata 11

7.8K 256 30
                                    

Kabanata 11

Before Anything Else

We all have our limits. Kahit ang katawan natin ay limitado sa lahat ng bagay, ang oras, ang panahon kahit na ang puso ay limitado sa pagtibok. Lahat ng bagay ay limitado. Para sa akin may mga bagay na kailangang manatili sa kung ano sila at hindi na dapat pang higitan. May mga bagay na hindi na kailangang lagyan pa ng dugtong dahil iyon lang ang kaya.

I've set my mind on things that matter. Wala sa isip ko ang gawin ang mga bagay na sa tingin ko ay hindi naman para sa akin. Ngunit akala ko lang iyon. I've closed my heart on things that are possible. Akala ko noon ay dahil hindi ko iyon naramdaman, ay hindi ko na talaga iyon mararamdaman. I'm content with my parents' love but neither do I think that it was possible for me to even like another person. Na akala ko ay isang bagay na limitado sa akin.

Seeing Nixon was enough for me but being with him was more than enough. Simula nang magkita kami noong bakasyon ay hindi na siya nawala sa isip ko. Maybe because he made me feel different when I'm with him. I've felt the sudden abnormal beating of my heart whenever I'm with him. Kinakabahan, nasisiyahan at tila nahuhulog ako sa tuwing malapit siya sa akin.

" May kakaiba sa'yo…" Everly observed me with scrutinizing eyes. Ngayon lang siya nakauwi galing sa bakasyon habang ako ay kahapon pa dumating.

Kunot ang aking noo na binalingan siya. She was leaning on the counter while staring at me. Nagluluto ako ng meryenda namin dahil inabutan ako ng gutom kakalinis ng aking kwarto. Everly did some cleaning too. Naghati-hati kami sa mga gagawin.

" What?" I asked.

She shrugged, lips pouting. " I don't know. I couldn't point it out. You seem weird kasi Forah." aniya at tumitig pa sa akin. Itinapat ko ang siyansi sa kaniyang mukha upang matigil na dahil naiilang ako. Tumikhim ako bago pinatay ang stove at kinuha ang pot holder.

" You're too bright for me today, Forah! Anong nangyari doon sa bakasyon?" she interrogated. Tumaas ang aking kilay habang iniaangat ang pan at inilipat ang nilutong bacon sa platito.

" Naligo kami at namasyal, that's all. Ano ba dapat ang mangyari?"

" Uh..boys? You know! Dapat nagkaroon ka ng holiday romance!" aniya. Namula ako nang may maisip sa kaniyang sinabi. Napaubo at napahawak sa dibdib dahil pakiramdam ko ay hindi ako tinitigilan ng tadhana. Lahat ng oras ay ipinaaalala sa akin ang mga pagkakataong nakakasama o nakakasalubong ko si Nixon sa bakasyong naganap.

After the trip to Batangas, we went to Taytay, Rizal for a hike. And seems like fate had a wonderful work because Nixon was also there. Hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhana dahil ipinagtagpo kaming muli. And I've hated the feeling that I love his presence wherever I go. Na hinahanap ko siya kung saan man ako lilingon at hindi niya ako binibigo doon. Maybe I was wrong about things. Maybe I was wrong that I couldn't like such person or maybe even fall for such person.

" Forah? You're spacing out." sita sa akin ni Everly. Kumurap ako at ipinilig ang ulo. I stared at the newly cooked bacon on the plate. Napabuntong-hininga bago kinuha ang loaf bread sa tabi.

" Nakabanggit lang ako ng holiday romance natulala ka na agad." she whispered. Nabulunan at naubo ako nang banggitin niya na naman ang mga katagang iyon. Natatawang inabutan ako ni Everly ng tubig at marahang tinapik ang aking likod.

Nang ibaba ko ang baso ay natatawa pa rin siya sa akin. Umirap ako bago uminom ulit ng tubig. Gosh, hindi ko na dapat iniisip ang bagay na iyon! I need to focus! Marami akong kailangang isipin at si Nixon, ay mamaya na lang. Maraming oras para sa kaniya. I need to focus on crucial things right now. Isang taon na lang at gagraduate na ako. Mayroon na akong maipagmamalaki kina Mommy at Daddy. And after graduation, I'll enter law school to pursue Law degree. Kailangan kong pagtuonan ng pansin iyon.

Before Anything Else (Absinthe Series 2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن