Kabanata 10

8.1K 290 24
                                    

Kabanata 10

Before Anything Else

"Are you sure that you'll be okay?" maagap na tanong sa akin ni Nixon nang pabalik na kami sa hotel. Matapos kong umiyak ay hinayaan niya lang ako at niyakap. When I was done he asked me if I am tired and so I answered, yes. Inaya na niya akong bumalik sa hotel because I told  him we were staying there. Hindi naman siya nagulat doon. Mas nagulat pa yata ako kasi alam niyang doon kami nag-iistay.

"Yeah, thanks." ngumiti ako sa kaniya. The side of his lips quirked up creating a small smile. Hindi na ako naninibago doon. He looks more attractive when he smiles like that. Walang kapagod-pagod.

He held my hand and pulled me to his side. Napasinghap ako at napakapit sa kaniyang braso nang muntik nang matumba. He chuckled before wrapping an arm on my back and rested his palm on my upper arm. Kinagat ko ang aking labi upang hindi makagawa ng ingay. Baka mamaya ay tumili ako o mapasinghap na naman dahil sa gulat. It will amuse him for sure! Gawain na niyang pagtripan ako lalo pa't alam niyang mas nagugulat ako sa mga ginagawa niyang iyon.

"Such a baby..." he chuckled huskily. Namula ako at yumuko. Mas ayaw kong makita niya na naman na naaapektuhan ako dahil sa mga pinagsasasabi niya. Ayaw kong mas lalong bigyan siya ng rason para makipaglapit sa akin. It was more than enough that he knew me as a person who loves her family so much. Sapat na yung nakilala niya ako bilang isang taong ang kahinaan ay ang kaniyang pamilya.

He opened the glass door of the hotel for me. Hindi kasi namin nakita ang guard kaya siya na ang kusang nagbukas ng pinto at hawak pa rin ako sa pagpasok. Maghahating-gabi na kaya parami na rin nang parami ang mga bumabalik sa hotel. Some of them were foreigners. May iilang tumatambay pa sa lobby at nagkukuwentuhan kahit nakita kong ang ilan ay malapit nang matumba dahil sa alak.

We ride the elevator and Nixon pressed the second floor button. Kumunot ang aking noo dahil alam niya kung saan kaming floor namamalagi. Hindi na lamang ako nagtanong at hinintay na lamang na bumukas ang pinto para makalabas na kami. Being alone with him in this small space makes me suffocated. I can smell his musk scent mixed with salt coming from the sea. Nakakailang at nakakaliyo ang kaniyang presensya. Kung hindi niya lang ako hawak ay kanina pa ako lumayo upang maiwasan ang kung ano pang paglalim ng nararamdaman sa kaniya.

Halos magtatalon ako sa tuwa nang bumukas ang elevator at saktong nasa second floor na kami. Lumabas ako kasama si Nixon dahil hindi niya pa rin naman ako binibitawan. I searched for our room number and luckily found it. Hindi naman ako lasing para hindi makita nang maayos ang mga numero.

Lumayo ako kay Nixon nang nasa tapat na kami ng kwarto. And he gladly let me pull away. Namulsa na lamang siya and that was a good thing because he could actually stop himself from touching me. Baka makita kami ng mga pinsan ko at kung anu-ano pa ang isipan at itanong sa akin. Ayaw ko ng mga tanong! Nasasakal ako kapag personal na bagay na ang mga tanong sa akin.

"So..." I fidgeted trying to avoid his intense gaze. I prayed hard not to stare longer. "I guess, it's a good night?" ilang na ngumiti ako.

Nixon smirked and took a step. Awtomatiko ang aking pagkilos. I took a step back. Tumaas ang kilay niya doon at doon na ako kinabahan. I couldn't even look him in the eyes! Ayaw kong makita ang apoy na naglalaro sa kaniyang asul na mga mata habang nakatitig sa akin. Sobrang...nakaliliyo at nakakapanghatak.

I gasped. Hindi na naitago nang yumuko siya at inilapit ang mukha sa akin. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa mga mata niya, sa kaniyang likuran o sa mga labing awang at handa nang makipaglapit. The warmth of his body was like a magnet pulling me closer to him. He was like a fire bringing flames and burns. At ako ay isang ibong lumilipad na naakit at unti-unting nasusunog ang mga balahibo't pakpak.

Before Anything Else (Absinthe Series 2)Where stories live. Discover now