Kabanata 23

6K 199 3
                                    

Kabanata 23

Before Anything Else

I’ve never really imagined myself being in this state. Hindi ko naisip na posible pa lang mangyari ang mga bagay na kinatatakutan ko noon. I was afraid of being alone. Now that I felt that I have to live on my own, I’ve got to sacrifice everything. Ang karangyaan ng buhay, lilipas din iyon. Mararanasan ng bawat tao ang paghihirap. People won’t easily avoid the hard process of living.

One thing I realized is that we are alone in our own battle. Dahil sarili nating laban ito kailangang tayo rin ang tumapos. Surely, there are people who’s willing to help us but the thing is that, every battles should be won by only one. Kung ibang tao ang tatapos, paano naging sarili nating laban iyon? Sa mga pelikula, laging ang bida ang tumatapos ng istorya at wala ng iba.

Pumalakpak ako matapos masara nang tuluyan ang pulang kurtina ng entablado. The entire school auditorium was filled with applauses. Umayos ako ng upo at hinintay na lamang na humupa ang lugar bago ko napagpasyahan na hanapin ang aking kaibigan.

Adina was not hard to find lalo pa't panay ang pag-congratulate sa kaniya ng mga magulang at mga bisita. The last one to approach her was the province's Governor, Emmanuel Felisarta who happens to be Exodus' grandfather.

" You should visit the manor tonight, hija. I'm sure your tita Angelica would be pleased to see you." rinig kong sabi ni Gov sa aking kaibigan.

" I'll try po. I'm sorry I've been busy po lately kaya hindi rin po ako nakakapunta roon." magalang na sabi ng aking kaibigan. Sumulyap siya sa paligid at nagtama ang aming mga mata. Her pink lips formed into a smile.

I approached them. Natuon sa akin ang atensyon ng gobernador. Ngumiti ako rito at bumati.

" Good afternoon po, Gov."

" This is my friend, Zepporah Bevacque, Lolo." Adina introduced.

Ngumiti ang gobernador sa akin. " I believe we've met in one of your symposiums." anito.

Tumango ako. " Maraming salamat po sa pagpapaunlak, Gov." sabi ko.

The governor excused himself after the small talk. Akay-akay na nito ang apo'ng nagperform sa play kanina nang umalis.

" The play was good." sabi ko kay Adina. The latter giggled and hooked her arm on mine.

" Of course! Malapit ng matapos ang school year kaya dapat lang na maganda." she bragged. Tumawa lamang ako.

She collected her things includimg the bouquet of flowers and some cute props. Siguro ay binigay ng mga bata sa kaniya kanina as a sign of gratitude.

" So hindi talaga pumunta si Exodus?" tila nagtatampo niyang tanong.

" Well your jerk of cousin happens to be at a roadtrip somewhere." sabi ko. Ngumuso si Adina.

Napapansin ko minsan na iba ang pakikitungo sa akin ni Exodus kumpara sa ibang babaeng nakakasalamuha niya sa Marina. Exodus is handsome at ika pa nga ni Adina ay kahinaan rin nito ang magagandang babae. Hindi na lingid sa kaalaman ko na itinutulak niya ang pinsan sa akin.

I don't really know what to feel about it. Naging curious na rin si Exodus tungkol sa akin kaya mas mabuti pang limitahan ko na rin ang pakikipag-usap sa kaniya. I know it's a bit unfair but then I cannot also allow someone to be in my life. Hindi na nga ako sigurado sa pagkatao ko, mayroon na namang gustong pumasok at malaman ang totoo.

I wasn't proud to be a Bevacque at all, simula ng malaman ko ang totoo. Before I was happy to be one of them ngunit sa pagtagal ng panahon, naramdaman ko rin ang pagkukulang.

Before Anything Else (Absinthe Series 2)Where stories live. Discover now