Kabanata 19

5.9K 198 4
                                    

Kabanata 19

Before Anything Else

" Are you sure you're okay?" Everly asked concerned as she takes in my laying form on top of my bed.

Humikab ako at tumagilid nang higa upang makita siya. She was dressed up in a simple tee shirt tucked in by her dark pants. Nakalugay ang basang buhok habang paulit-ulit niyang sinusuklay iyon.

" Where are you going?" tanong ko na sumabay sa aking paghikab.

" Home. Gusto kong umabot ng second trip para iwas traffic." aniya at lumapit sa akin. She cupped my cheek before checking my forehead. Kumunot ang kaniyang noo habang sinasalat pa rin ako.

" You're a little hot." ngumuso siya at tinitigan ako. " Nahihilo ka ba?" she further by asked.

Banayad akong umiling at pinakiramdaman ang aking sarili. " Nilalamig lang. Hmm, nakapag-almusal ka na?"

" Nope. Nagkape lang ako. Kakain na lang ako 'pag nasa terminal na. Marami namang nagtitinda roon."

Tumango ako at umupo. Sinapo ko ang aking noo upang pakiramdaman kung mainit nga ba ako. " Ingat sa daan, Everly. Text me when you get there."

" Okay. Uminom ka na lang ng gamot kapag masama ang pakiramdam mo. Stay in bed kung di mo kayang tumayo." paalala niya. I absentmindedly nodded my head before I heard her footsteps. Naisara na niya ang pinto nang magmulat ako ng mata.

I sighed. Humiga ako pabalik sa kama dahil nilalamig ako. I blasted the AC last night at nagising ako nang bandang alas tres na nilalamig.I can feel the cold sweat on my neck bahagya ko ring hinahabol ang aking hininga.

Maybe I just lack sleep. Matapos umalis ni Eion kagabi ay naghintay pa ako ng ilang minuto at nagbabakasakaling babalik siya. Hindi nga siya bumalik at naiintindihan ko iyon.Kung siguro nasabi ko na sa kaniya ang plano ko ay hindi hahantong sa ganito. I could've move the date but I know that it's already too late and all I could do is just apologize.

Tumagilid ako ng higa paharap sa bintana. A little beam of light stroke my face without a warning.

Kumislot ako nang bumukas ang pinto. A slight thud was heard when it bumped into the adjacent wall. Naiistorbong umayos ako ng higa upang pagbalaan si Everly ngunit si Eion ang aking nakita.

Kinusot ko ang aking mga mata upang malinaw na makita kung si Eion nga ba iyon. I instantly knew it was him because of his towering height and built. Napalunok ako nang pasadahan ko ng tingin ang nakapolo niyang katawan at bahagyang hinihingal pa.

I chuckled nervously. " Who are you running from?" I softly asked. My eyes skimmed his built as his scent filled my lavender scented room. Tila inakupa niya ang lahat at walang natira para sa akin.

" Everly said you're sick." aniya at inilang hakbang ang pagitan namin. He sat on the edge of the bed and touched my blanket covered legs.

Mainit ang hagupit ng kaniyang kamay sa akin nang ito'y dumampi. Even with the cloth in between, tumatagos ang kaniyang init na umakap sa aking kabuuan.

" I'm okay." I assured him with a small smile. Alanganin akong tumitig sa kaniya dahil sa nangyari kagabi. My heart melted all of a sudden for him. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng tahimik na gabi namin ay nagawa niya pa ring puntahan ako at kumustahin.

It was a bad night for us and here he is the in morning on my bed and checking up on me. Uminit ang aking mga mata at nagbaba ng tingin upang hindi niya mahuli ang aking pagluha.

" Hey,hey, hey, what's wrong baby?" banayad niyang tanong sa paos na boses. Lumapit siya nang husto at hinawakan ang aking baba. He gently stroke my stray hair and tucked it behind my ear. Itinaas niya ang aking mukha at sinipat ako sa kaniyang seryosong mata.

Before Anything Else (Absinthe Series 2)Where stories live. Discover now