Kabanata 7

8.5K 239 48
                                    

Kabanata 7

Before Anything Else

"Wala ka ng naiwan?" asked Faigel when I entered his car, parked in front of our condo tower. Isinara ko ang pinto at nagseat belt bago ako tumango sa kaniya.

Dalawa ang dala kong bag. Isang backpack at handbag. May mga damit naman ako kina Abuela at kung kulang pa ay bibili na lamang ako sa Cavite.

Faigel nodded his head and revived the engine. Ako naman ay yumuko para i-on ang stereo niya at makapakinig ng kanta. A familiar song invaded the car that made me smile and lean my head on the window.

After my embarrassing encounter with Nixon, I walked out of his unit. Inis na inis ako at hindi siya nilingon kahit na ilang ulit niya akong tinawag. He even called me through the balcony, pinagsarhan ko lang dahil naiinis pa rin ako sa pang-aasar niya sa akin. The next day, he appeared on my door step and told me he's sorry for pissing me off. Nagbigay pa ng isang tub ng ice cream na may paborito kong flavor! Hindi ako nakatanggi at pinatawad na lang siya.

I just thought that maybe I overreacted. I always kept my cool in everything pero pagdating sa kaniya ay parang nakawala ako sa hawla. Marami akong alam na pag-alma at madali akong mainis sa kaniya. He  knows where spot to target just to get my attention.

"Do you wanna eat? Dadaan ako sa drive thru." Faigel asked me. Bahagya niya akong sinulyapan sabay baba ng bintana sa kaniyang side.

Ngumuso ako. " Fries at burger lang." sabi ko. Faigel nodded before taking a turn and halted in front of the drive thru window. Narinig ko ang pag-order niya. He glanced at me and grinned before picking up his wallet in his jeans pocket.

Inabot niya sa akin ang plastic nang maibigay iyon sa kaniya. I gladly accepted it before opening to check. Kinuha ko ang fries at ang catsup. Inalok ko rin si Faigel ng pagkain pero sabi niya ay busog naman siya. Ngumuso lamang ako pero kunot pa rin ang noo na tinitigan ang tatlong supot ng burger.

"Baka magutom ka pa eh. I bought extras." Aniya nang mapansing ang pagtitig ko sa loob ng plastic. I glared at him when he laughed. Nang-aasar pa!

Faigel and I talked about things mostly about school. Ikinukuwento niya sa akin ang about sa basketball practice nila at mga babaeng idinidate niya na hindi ko na sana gustong mapakinggan pero napainteresan ko na lang dahil may nabanggit siyang babae na siyang hindi niya na tinigilan.

"And remember Helion?" asked Faigel.

"Yeah, what about him?" tanong ko at lumingon sa kaniya.

"He found a girl, a culinary major. Noong una pa nga ay ginawa niyang tutor sa kaniya para matuto ng Tagalog. Classic boy." Umiling-iling siya at ngumisi.

"So Helion doesn't really know tagalog? or can he understand?"

"Kaya niyang intindihin. He's a smartass you know. Topnotcher yun sa class namin." Tumango-tango ako. Helion is the frontman of Absinthe, the band where Nixon belongs. Kung kilala ni Faigel ang banda, ibig sabihin ay kilala niya rin si Nixon. Should I tell him?

"I've heard about this band from your school, Absinthe? Diba vocalist doon si Helion?"

Nilingon ako no Faigel bago ibinalik ang tingin sa daan. "Yeah, you've heard them perform?"

"Yeah. Sa may food park malapit sa university."

"Those five guys are all halfie. Si Helion half Greek, Rogan and Nile are half-Spanish, Crithos is half-American pero ang sabi ay may lahi din daw na Chinese and Nixon is half-Irish." paliwanag ni Faigel. Nahigit ko na lamang ang aking hininga nang mabanggit ang pangalan ni Nixon. Hearing his name just made my heart flabbergasted. Kapag inulit pa ni Faigel ang pangalan niya ay baka kabahan na ako dahil hindi ako mapakali.

Before Anything Else (Absinthe Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon