Kabanata 37

7.2K 235 29
                                    

Kabanata 37

Before Anything Else

Ngumiti ako kay Eion habang nakatutok sa akin ang camera ng kaniyang cellphone. Dalawang linggo na ang lumipas simula ng mapagkasunduan naming hindi muna ako babalik ng Maynila. I still continued my work in the Municipal Hall, nga lang, hindi ako pinayagan ni Eion na ihatid-sundo ni Exodus. The two of them met but it was an instant headache knowing the two of them had the same attitude.

" Kanina mo pa ako kinukuhanan ng litrato." sita ko sa kaniya habang namumulot ako ng basura. The coastguard conducted a clean and green program for the Marina shores. Dahil nga summer, talamak talaga ang turista at hindi maiiwasan ang kalat sa tabi o sa mismong dagat.

" They say it will last longer..." sabi ni Eion. Kinuha niya ang puting sako sa aking kamay. Hinayaan ko naman siya habang pinupulot ko ang iilang malilit na kahoy.

Umihip ang mainit na hangin. I could feel the heat from the top layer of my skin to the bottom. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo bago napalingon kay Eion. Nakitulong rin siyang manguha ng basura.

We've collected a half sack of garbage so far. Nang mag-assemble na kami sa iisang venue, nandoon na lahat ng mga ginamit naming sako na may mga basura. Our chief was so delighted to see many volunteers. May iilan pang dumating mula kabilang isla at doon nangolekta ng basura. It was lunch time and we've all decided to have a buffet lunch.

Hawak kamay kami ni Eion habang naglalakad. There were prying eyes around us pero napapangiti na lamang ako. Si Exodus ay nandoon sa tabi ni Chief at nakikipagkuwentuhan. Hindi ko pa siya nakakausap nang maayos but seeing that he was okay with me being with Eion, I guess wala akong dapat pangambahan. Isa pang dahilan kung bakit gusto ko siyang makausap dahil magpapaalam ako sa kaniya. I have decided that I'll be going back to Manila. Siguro ay sa makalawa.

" I'm going to talk to Exodus. Wait for me?" sabi ko kay Eion. Tinunghay niya ako bago hinawi ang takas na buhok sa aking pisngi. He tucked it at the back of my ear. Ngumisi ako.

"I'll always wait for you..." aniya at tumitig sa akin. Lumawak ang ngisi ko bago ko pinisil ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Lumapit ako kay Exodus na nasa labas ng restaurant. He was staring at the vast ocean. Ngumiti ako bago pineke ang ubo upang mapansin niya.

Lumingon siya sa akin. Namulsa siya bago tumango. " Zepporah, what are you doing here?" sinulyapan niya sa loob si Eion. Kumunot ang kaniyang noo.

" I'm here to talk to you." sabi ko. I pinched my fingers.

"Oh, kukuha ka na ng sweldo?" biro niya. Tumawa ako at tumabi sa kaniya. Nandoon pa rin ang tingin niya kay Eion sa loob.

" Eion won't mind." sabi ko. Bumalik ang atensyon niya sa akin. His mischievous eyes were amused. Kahit saan ko naman makita si Exodus ay parating naglalaro ang kaniyang mga mata.

" So bakit gusto mo akong makausap? You miss me that much? Kung gusto mo naman akong makita ay nasa Manila pa rin naman ako."

"Ewan ko sa'yo." umirap ako. " I'm here to say goodbye."

Nawala ang ngisi sa kaniyang labi at sumeryoso ang mukha. " You're leaving Marina?"

Tumango ako. "My real family is expecting me. At saka gusto ko rin naman silang makilala."

"Babalik ka pa ba rito?"

"Babalik naman ako. Siguro matatagalan lang."

"I guess you won't come back here for good," aniya.

Siguro nga. Mahal ko ang Marina ngunit panahon na para harapin ang lahat. Maybe living with my real family isn't that bad. Kahit naman ganoon ang naging ama ko, alam kong hindi lahat sa angkan niya ay masama. I believe in the goodness of people. At nararamdaman kong mamahalin nila ako gaya ng iniwang pagmamahal sa akin ng aking totoong ina. She was another reason why I want to go back. Gusto kong bisitahin ang puntod niya.

Before Anything Else (Absinthe Series 2)Where stories live. Discover now