Kabanata 9

7.3K 281 27
                                    

Kabanata 9

Before Anything Else

The colorful lights and electronic music seemed to attract more party goers. Pagpasok pa lang namin ay punuan na at marami na ang nagsasaya dahil man iyon sa alak o di kaya'y sa magandang musika. My cousins settled themselves in a half circle couch. Magkaharap ang dalawang couch kaya parang hinati lang ang bilog. Hati-hati kaming lahat sa pag-upo.

Walang magkakatabing babae kailangan ay may nakapagitnang lalaki upang walang may magtangkang lumapit sa amin.

Ugh, boys and their over protective gestures.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga pinsan naming palaki. They treat us like children na walang kaalam-alam sa lugar o mundong kinalakihan na namin. Ang anila palagi ay kailangan kaming protektahan upang hindi masaktan. Katabi ko si Faigel at Kazuna. Katabi naman ni Kazuna ay si Kaedelle. Sa kabila ay nasa pinakahuli si Alger na katabi ni Avi at katabi naman ni Avi si Dridge at ang pinakahuli ay si Ava.

Avi seems to be uncomfortable with the seating arrangement but nonetheless she kept her cool. Mukhang wala lang din naman kay Dridge na magkatabi sila dahil hindi niya naman ito sinusulyapan ng tingin. Alger ordered a bucket of beer at dahil babae nga kami ay nag-order rin siya ng juice na ikinareklamo naman nina Avi. Nasapo ko na lang ang aking noo nang magpalitan na naman ng salita sina Avi at Dridge.

Pagkatapos umalis ng waiter na naguguluhan sa amin ay tumahimik na si Avi ngunit hindi nakuha ang gusto. So I guess we'll settle for juice tonight o baka hindi. Kapag nakalayo mamaya ang mga lalaki ay magkakanya-kanyang inuman na rin ang mga babae. Kung hindi man ito naiiba sa mga nakasanayan namin ay baka nga hindi matuloy ang balak namin lalo na at umorder sila ng bucket ng beer. Ibig sabihin ay hindi sila aalis agad at maghahanap ng bibiktimahin.

"Can I go for a dance?" maingat na tanong ni Avi sa aming lahat. Alger gave her a sideway glance. Si Dridge ay hindi kumibo ngunit nakita ko ang pagtiiim bagang at pagsama ng tingin. Ava grinned same with Kaedelle. Si Faigel ay tumango lang na parang walang pakialam at ako dahil nangako ay tumango na rin.

"Okay!" tumayo siya at iniwan kami doon. I followed my gaze to her, sinisiguradong hindi siya pinagkakaguluhan. Maayos naman siyang nakaalis at hindi ko na rin nakita dahil mabilis na dumami ang tao.

The bucket of beer and glasses of juice came after. Kumuha ako ng juice at uminom. Ganoon din ang ginawa ng iba. Faigel drunk his beer and chugged it down smoothly. Nag-usap -usap lang kami doon hanggang sa magpaalam sina Dridge at Alger na pupunta sa gitna upang sumayaw. Faigel was the only guy left in our couch.

Humagikgik kaming mga babae. "Pinagtatawanan ninyo ako? Eh kung iwan ko kayo?" he threatened us using his smirk.

Ngumiti si Ava at iniangat ang baso ng juice. "It's okay, Fai. Okay lang naman kami rito. Forah's here, I know she'll scare those assjerks away." pagtutulak ni Ava. I heard Faigel hissed before making his choice and that is to stand up and left his bottle of beer on the table.

Nagtawanan kaming lahat habang sinusundan siya ng tingin na papuntang gitna. Sana naman ay mabantayan din nila doon si Avi. I know Avi is wild and can do worst than dancing. Mas inaalala ko siya kaysa mga pinsan kong lalaking napapaaway dahil nakikisayaw sa mga babaeng may commitment na. Avi is more dangerous when she's drunk and not to mention, she's really not in the mood for everything. And this is her escape. Escape from what happened and escape from the true fun.

Before Anything Else (Absinthe Series 2)Where stories live. Discover now