Chapter 7

4.2K 78 0
                                    

Mika's POV

"Nandoon sila sa loob ng mansyon." nakangiting sabi ni Donya Isabelle.

Mansyon talaga?

♦ Nang makapasok ♦

Normal POV

Maya maya ay napatingin silang lahat sa hagdan. Bumaba roon si Mrs. Dela Cruz at inalalayan notp ang isang napaka guwapo at matangkad na lalaki.

"Hi Mika!" Nakangiting bati nito sa kanya.

Ang akala ni Mika ay nasa 45 anyos na ang kanyang mapapangasawa, ngunit ang totoong edad ng kanyang mapapangasawa ay 19 lamang.

Hinawakan ng binata ang kamay ni Mika at sinabing,

"Its nice to finally see you, Mika. Dad totoo nga ang sinabi mo napakaganda niya."

"Thanks." Yan na lamang ang nasabi ng dalaga, samantalang yung daddy ang kausap. Haha.

"They look good together." Sani sa kanila ni Donya Isabelle.

Panay ang puri nito sa kanya.

Mika's POV

"Yes, I agree." Napipilitang sagot ni papa.

Nakangiti si papa, pero halatang peke ang mga ito.

"C'mon guys. doon na tayo sa loob." Yaya ni Donya Isabelle sa amin.

Nakaalalay naman si Mark, so sweet. <3

Nang makarating kami, ipinaghila niya ako ng upuan.

"Wala pa ba si Niel, honey?" Tanong ni Donya Isabelle sa kanyang asawa.

"Hindi kana sanay, eh lagi naman sa labas iyon at doon na sa kanyang unit iyon natutulog." Sagot naman kaagad ni Donya Isabelle.

"Dahil hindi mo siya mapasunod sa mga gusto mo." Natatawang sabi ni Donya Isabelle.

"Honey! Wag mo naman akong siraan sa mamanugangin natin." Seryoso na sabi ni Mr. Dela Cruz maya-maya ay tumawa rin.

"Alam mo hija, nagagandahan talaga ako sa iyo. Sana ay magkaroon kaagad kayo ng anak na kamukha mo."

Muntik na ako masamid sa sinabi ni Donya Isabelle. Anak? Baby? Hindi pa ako handa.Noooo!

"Sana ay mabigyan niyo kami kaagad ng apo. Alam mo kasi hija, kung hindi kami kikilos na mag-asawa para magka asawa ang mga anak namin, malamang na hindi na namin mararanasang magka-apo."

"Oh, honey. Kinakalat mo na ang sikreto ng ating pamilya."

"We're one now. Anyway, my eldest son, Niel is a playboy. I don't think he'll ever marry. Kaya siya bumukod ng tirahan para maging malaya sa kanyang ama, ay pambababae niya."

Donya Isabelle, hindi ko tinatanong okay? Kaya wag na kayo magdaldal pa, 'di po ako interesado.

"Eto naman si Mark ay hindi pa nagkaka girlfriend ni isa dahil torpe." Habol naman ni Donya Isabelle.

"Ma!" Parang nahihiyang sabi ni Mark.

"Pero sobrang bait niyang bata na iyan, maswerte ka hija, makakasiguro kang aalagaan ka ng anak ko at hindi bibigyan ng sakit ng ulo."

Asa ka hoooo. Itigil niyo nalang ang kasalan at magiging masaya ako.

Pero mabait pala itong si Mark. Ang mga magulang pa rin ang may kagagawan.

Pero bakit ito sumunod kung ayaw nitong makasal? Baka masama ito at nasa loob pala ang kulo?

Sa wakas, huminto na ang mag-asawa sa pag daldal. At kumain na kami, napa isip ako. Dito na ako matutulog simula mamaya.

Welcome to Dela Cruz family, and welcome to hell.

-

© ChocoPudding

Sister-In-LawOnde histórias criam vida. Descubra agora