Chapter 18

3.1K 51 0
                                    

Mika

“Ang saya!”

“Talaga? I'm glad na masaya ka ngayon sa kabila ng mga problema mo.” Napakunot noo ako. Sa tono ng pananalita ni Mark ay parang alam niya ang mga problema ko.

Alam rin kaya niya ang tungkol sa amin ni Nathan?

“Anong problema?” Tanong ko sa kanya.

“Ang pagpapakasal mo sa akin, at ang pagkaputol ng mga pangarap mo.” Pinilit kong ngumiti.

“Siguro kung masamang tao ka, iyon ang totoong problema. Maswerte nga ako at mabait ka at magkaibigan tayo.”

“Ganoon pa rin iyon, hindi ka pa rin magiging masaya sa akin dahil hindi mo ako mahal, hindi natin mahal ang isa't-isa.”

“But there's respect between us. Sapat na siguro iyon para mag work out ang kasal natin.”

He sighed, “Pero kailangan ng pag-ibig sa isang relasyon. I'm sorry for all these things that you're going through because of my father.”

“I'm sorry too, pareho lang tayong biktima dito. Pareho lang tayong hindi makuha ang gusto natin. Pareho walang magawa.”

Hinawakan niya ang kamay ko, “Let's have mutual agreement, subukan nating mahalin ang isa't-isa.” Napatitig ako sa kanya, siguro puwede ring mahulog ang loob ko sa kanya. Pero si Nathan ang nasa puso ko ngayon.

Naagaw ng atensyon namin ng may isang babaeng humiyaw. Nakita namin si Nathan na salubong ang kilay na nakatingin sa amin ni Mark.

Kasunod ni Nathan yung malanding babae na excited na magtampisaw sa dagat.

“Sorry to interupt your moments together. Na excite lang magtampisaw si Shane kaya napasigaw.”

“Don't worry bro, ganyan din kami kanina ni Mika. Ang saya namin kanina habang lumalangoy.”

Nathan

Oo nga, kita ko nga ang sweet sweet niyong nagmo-moment jan sa tabi at sa dagat.

“Really? I bet magkakasundo kayo.” Sabi ko nalang.

“Yeah.” Nakangiting sabi ni Mark sa akin.

“Mika is very nice and sweet girl. Maswerte ako sa kanya.” Dagdag pa niya.

“I bet you are.” Makahulugang sabi ko.

“Si mama at papa? Hindi ba lalangoy?”

“Bukas nalang daw silang umaga lalangoy, maglilibot daw sila sa ibang bahagi ng isla.” Nabaling ang atensyon namin kay Shane na papalapit sa amin.

“C'mon baby, let's swim together!” Nagpatianod nalang ako nang hilain niya ako.

Mika

Nakaramdam ako ng selos nung hinawakan ni Shane si Nathan.

“Si kuya talaga, magkaibang magkaiba talaga kami.” Nakangiting wika ni Mark.

“Oo nga.” Parang Devil at Saint.

“Nasa elementary palang kami, marami nang chicks iyan. Kunsabagay, sila naman ang lumalapit kay kuya. Nobody can resist his charm. Buti nga at hindi pa iyan napipikot. Kaya nga biruan namin noon, kung sakaling natuloy ako sa pagpa-pari, huwag siyang lalapit sa akin. Kasiraan siya sa abito ko.”

What?! Pagpa-pari?

“Meron ba siyang sineryosong babae?” Tanong ko na pilit na pinakaswal ang tinig.

“Sa pagkaka-alam ko, wala pa yata. Kaya nga hindi siya inaasahan ni mama at papa sa maga-asawa. Kaya ako ang pinilit nilang mag-asawa.” Tulad nga ng iniisip ko. Hanggang pagfi-flirt lang ang kaya ni Nathan.

Bakit gusto niya pa akong gawing bedmate kung may Shane naman ito?

Inilahad ni Mark ang kamay niya at inabot ko naman. “Tara, swimming ulit tayo.”

Sister-In-LawWhere stories live. Discover now