Chapter 17

3.2K 48 0
                                    

Mika

Gutom na akooo. -____-

“Hija tara na't kakain na tayo.” Tawag sa akim ni Doña Isabelle.

“Opo, bababa na po.” Heck yeah, makaka-kain na rin.

Habanh kumakain ay nag-uusap kami.

“Magbabakasyon tayo sa isang pribadong isla na kabibili ko pa lang.” Lahat kami napahinto sa sinabi ng daddy ni Mark at Nathan.

“Bakasyon?” Sabay-sabay naming tanong.

“Yes, magbabakasyon tayong lahat kahit isang linggo lang pagkatapos ng engagement party nung dalawa.” Nakangiting sabi ni Doña Isabelle.

Dahil mabilis ang oras at araw...

Engagement Party.

“Anong ginagawa ng bride sa dilim ng mag-isa? Habang kasalukuyang nagaganap ang engagement party niya?” Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Nathan. Agad kong ibinaling ang tingin ko sa iba para hindi niya makita na malungkot ako.

“Patapos na ang party kaya nandito ako.” Hindi ko inimbitahan ang mga kaibigan ko dahil madadaldal ang mga iyon at baka masabi pa kay Shaun.

“Pagod kana ano?” Sa party oo.

“Tired of pretending to be happy? Tired of feigning smiles and those non-stop conversations about your forced wedding?”

“No, I'm tired of being the center of attraction. Nakakapagod maging isang Dela Cruz.”

“Mas nakakapagod na ma-engage sa isang Dela Cruz na hindi mo gustong pakasalan.” Bwisit alam na alam niya.

“Right now, nakakapagod makipag-usap sa isang Dela Cruz na wala na yatang alam gawin kundi sirain ang araw ko. Leave me alone Nathan. Gusto kong magpahinga.”

“Really Mika? I know how you feel about this whole crap. It makes me sick too.” Pinapaamin mo talaga akong kulupong ka. Maka-alis na nga at baka madulas pa ako.

“Aalis na ako, babalik na ako sa loob at baka hinahanap na ako ni Mark.”

“Gustong gusto mo talagang umiwas sa akin Mika? Bakit? Natatakot ka bang malaman na totoo ang mga sinasabi ko?” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Totoo naman kasi.

“Gusto mo bang layuan kita?” Hindi ako maka-imik sa sinabi niya. Ayoko, gusto sanang sabihin iyan kaso nakita ko siya palapit ng palapit sa akin.

“Ayokong layuan ka Mika.” Bulong niya sa akin at para akong nakuryente, isama mo na ang mainit na hininga niya na tumama sa pisngi ko.

“The night we shared, it was wonderful. Gusto kong maulit iyon.” Ipinikit ko ang aking mata. Paano ko ba lalabanan 'tong nararamdaman ko?

Nasa mansyon kami, baka may makakita sa amin.

Bigla akong hinalikan ni Nathan, at hindi ko mapigilang hindi tumugon dito.

“Can you feel me baby?” He asked hoarsely while biting my lips softly.

“Can you feel how much I want you?” With those words realization hit me. Itinulak ko siya palayo.

“Please Nathan, leave me alone. Kahit ngayong gabi lang.” Nakita ko siyang tumalikod at naglakad palayo. Buti naman nakinig siya. Kahit ngayon lang.

------

Ang ganda ng isla ng mga Dela Cruz. Parang isang paraiso.

Sa sobrang ganda nakalimutan ko na mas maganda pala ako. Joke, sa sobrang ganda nakalimutan ko ang pagkayamot ko kay Shane.

Grabe hindi siya nahiya na landiin si Nathan sa harap ni Tito at tita. -_____-

Halata naman kay tito at tita na hindi nila gusto na isama si Nathan.

Nakaka-aliw laruin ang puting buhangin sa dalampasigan.

“Do you like the place?” Nakangiting tanong sa akin ni Mark.

Lumapit siya sa akin at umupo rin sa buhangin.

“That's is an understandment.” Ngumiti muna ako, “I love it.”

“Ngayon lang din ako nakapunta dito. It's like paradise. Mamaya kukunin ko ang phone ko at mag picture tayo.”

“I can't wait to swim.” Sabi niya na parang bata na sabik na sabik na mag swimming.

“Then let's swim.” Sabi ko naman

“Uunahan na natin sila?” Tanong niya sa akin.

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Alam ko naman na ilang minuto nalamg ay lalabas na iyong mga iyon.

Masaya kaming lumalangoy ni Mark. Nagtatawanan at nagsasabuyan ng tubig. Totoong nage-enjoy ako.

Sister-In-LawWhere stories live. Discover now