Chapter 16

3.3K 51 0
                                    

Mika

“Mika, nakapili kana ba ng gown?” Tanong sa akin ni Mark habang nagda-drive.

“Yup, ang cute nga eh.”

“Oh, excite na akong makita ka na suot iyon.” Che, excite ka jan.

“Haha! Ako rin. Kaso baka hindi bagay sa akin iyon.”

“Bagay yun, ano ka ba. Ang ganda mo kaya.” Hindi nalang ako sasagot.

Katahimikan...

“Mark.”

“Hmm?” Hindi siya tumitingin at patuloy na nagmamaneho.

“Gusto mo ba akong pakasalan?” Lumingon ito at mukhang seryoso.

“Sa totoo lang Mika, ayoko pang magpakasal.”

“Oh bakit hindi mo ayawan ang alok ng papa mo?”

“Hindi pa ako tumanggi kay papa! Haha!” Psh, kaya pala paborito ka ng papa mo kaysa kay Nathan.

“Hmm, yes. Pero nasa bestfriend ko na siya.” Dios mio. Pati ata kaibigan niya sinusunod niya.

“Anong pangalan?”

“Kailangan pa bang itanong iyan? Haha! Pero sige.”

“Raishin ang pangalan niya.”

“Oww, bakit mo ipinaubaya sa kaibigan mo si Raishin?”

“Kasi kailangan eh. Pumunta ako ng States after graduation. Pero may tiwala naman ako doon sa kaibigan ko. Halata naman sa kanya na mahal na mahal niya si Raishin.”

“Oh, I see.”

“Ikaw Mika  may mahal ka ba?” Hmm, sino nga ba?

“Hm, wala eh.” Psh, ayoko sana mag kuwento eh. Sana hindi na siya magtanong.

“Ah okay.”

Katahimikan nanaman...

Ano ba iyan, traffic pa.

“Mika, may dadaanan muna tayo ah?”

“Okay, sige.”

----

Dumaan kami sa isang pet shop.

“Anong gusto mo?” Tanong niya sa akin.

“Ha? Anong gusto ko?”

“Yup, bibili tayo.”

“Ayun oh.” Tinuro ko iyon Chowchow.

“Okay sige. Wait lang.” Pumunta siya sa nagbabantay ng shop.

Okay yosh, nakakuha din ako ng time kahit saglit lang Iiglip muna ako buti may bakanteng upuan.

Isinandal ko ang likod at pumikit.

After 15 minutes...

Ano ba iyan may dumidila sa pisngi ko.

“Mika, gising na. Aalis na tayo.” Idinilat ko ang mata ko at nasa harap ko si Mark at hawal 'yong tinuro kong aso kanina.

“Binili mo talaga 'yan?”

“Oo, haha. Siya muna iyong anak natin.” Wut? Anak?! Pero puwede na rin.

“Woah, astig.”

“Kaysa naman gumawa tayo ng hindi naman natin gusto ang isa't-isa. At isa pa hindi rin natin mahal ang isa't-isa.”

True story.

“Tara alis na tayo.” Yan nalang ang nasabi ko.

----

Nang makarating sa bahay...

“Hija, kamusta? Nag date ba kayo ni Mark?” Bungad na tanong ni Mr. Dela Cruz.

“Ah, eh hindi po tito. Sinundo niya lang ako.”

“Hi 'pa, may baby na kami ni Mika.” Sabi ni Mark na ikinagulat ko. Baby? Eh? Iyong dog ba?

“Really?! Close na agad kayo at nakabuo na kayo anak?!” Wow echosero.

“Hindi pa, bumili kami ng dog at iyon ang baby namin ni Mika haha.” Tumango-tango ako.

“Oh I see, akala ko magkaka-apo na kami ng iyong mama.”

“'Pa naman.”

“Sige, tara na at kumain may mahalaga akong sasabihin sa inyo.”

Sister-In-LawWhere stories live. Discover now