Chapter 24 - Sweetest Surprise

3.4K 59 0
                                    

Mika

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa nakabukas na sliding door patungo sa balkonahe.

Pagbangon ko ay nalaglag ang kumot na nagtatakip sa aking katawan. Nagulat ako ng makita kong may dugo. So ibig sabihin...

Hinila ko ang kumot at inipit sa kili-kili ko. Wala na sa tabi ko si Nathan. Tulad din noong una.

Once again, I slept with the devil---the devil who wanted me for a bedmate and yet whom I loved.

I loved him that it truly saddened me to think that I could not have him alone. Marami akong magiging kaagaw sa kanya, tulad na lamang ni Shane. At kapag nagsawa na si Nathan sa akin ay iiwan niya na ako.

Hindi ko alam kung ano ang mas masakit ; ang makasal sa taong hindi ko mahal o ang maging isa sa mga babae lamang ng taong mahal ko.

Nasulyapan ko ang isang tangkay ng puting rosas sa unang ginamit ni Nathan. Dinampot ko iyon at napakunot-noo ako sa tag na nakasabit dito.

Letrang M ang nakasulat sa tag na kasama ng rosas.

Hinayon ng mga mata ko sa daan patungo sa sliding door. May ilan pang mga nagkalat na rosas palabas ng balkonahe.

Nae-excite ako sa mga nangyayari. Ipinalibot ko sa katawan ko ang kumot sa katawan ko at bumaba ng kama upang pulutin ang sumunod na rosas.

Letrang A ang nakasulat sa tag na nakasabit sa pangalawang rosas.

Letrang R naman, ganoon din ang sumunod.

Tumatambol na ang aking dibdib sa sobrang kaba. Kinukutuban na ako sa kung ano ang nakasulat sa susunod na letra. Pero pinigilan ko ang sarili na umasa.

Pero hindi nga ako nagkakamali. Ang huling rosas na dinampot ko sa mismong balkonahe ay may letrang Y.

M A R R Y

Lumabas ako sa balkonahe at nakita ko ang isang breakfast table na puno ng masarap na agahan. Hinanap ng mga mata ko ang mga susunod na rosas at letra pero wala na akong nakita. Wala rin si Nathan dito. Tatalikod na sana ako upang muling pumasok at hanapin siya. Natigilan ako nang may marinig akong pamilyar na tinig na nagmumula sa likuran ko.

“Are you looking for ME?” Napasinghap ako. Kaagad ko siyang nilingon. He looked sexy without a shirt on. Hawak nito ang rosas na may letrang M at E.

M A R R Y ME.

Pinalingiran na ako ng mga luha dahil doon. Tumitig ako sa kanya. Sana ay tama ang pagkakaintindi ko sa pinahihiwatig ng mga letra. Sana ay hindi siya nagbibiro. Sana ay hindi ako nananaginip.

“Are you looking for me?” Sabi niya habang tinuturo ang sarili. “Or ME?” Itinuro niya ang hawak na dalawang rosas.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko nang kumislap ang diamond ring na nakasabit din sa rosas na hawak niya. “For both of you.” tugon ko sa garagal na tinig.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at nilapitan ako at kinulong ako sa mga bisig niya. Nang bumitaw na siya sa yakap ay ibinigay na niya sa akin ang huling dalawang rosas.

Tumitig ito sa akin. “Marry me, Mika.”

Napaawang ang labi ko. It was really true! Hindi ako nananaginip.

“Ito ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa'yo kagabi kung bakit kailangan mong umatras sa kasal ninyo ni Mark. Sa akin ka dapat magpakasal. May I?”

“Yes.” Mabilis kong sagot.

Kinalas niya sa pagkakatali ang singsing at isinuot niya iyon sa aking daliri. Hindi ko suot ang engagement ring ko kay Mark dahil galing akp sa fashion show. Isa pa, hindi ako komporbleng isuot iyon.

Pinagmasdan ko ang suot na mamahaling singsing.

“Are you sure of what you're doing?”

“I've never been this sure in my life Mika. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi ka pumayag ngayon na magpakasal sa akin. Perphaps if you do, I probably would resort to blackmailing you to marry me. And thank God I didn't have to do that.” He kissed my neck. “You're mine now.”

Sa pagkabig nito sa akin ay nakalas sa pagkakaipit ang kumot na tumatabing sa aking hubad na katawan.

He grinned naughtily as he looked down at my nakedness. “I think that suggests for a breakfast in bed instead.” Sabay pa namin tinignan ang almusal sa breakfast table na parang nawalan na ng appeal.

I laughed as he carried me inside.

וווו×

Okay, walang BS. Pero merong ginawa yung classmate ko ng BS ni Mika at Nathaniel.

Naka private po yun.
Punta kayo sa profile ko at ifollow niyo ako. Hanapin niyo yung Speacial Chapter sa works ko.

Sister-In-LawWhere stories live. Discover now