Chapter 22

3.1K 58 0
                                    

Nathan

Shit. Sa dami ng puwedeng makakita si Mika pa.

"Mika!" Hahabulin ko sana si Mika kaso pinigilan ako ni Shane.

"Shame on you, Niel. You're hitting on your brother's fiancé?" Sabi niya. "Kagabi pa kita nahahalata." Umalis siya sa kandungan ko.

"If I were you, titigilan ko na ang ginagawa ko dahil ikakasal na siya at sa kapatid mo pa." At pumasok siya sa banyo.

Naiwan akong nakatingin sa pintuang nilabasan ni Mika. Kung alam lang ni Shane that Mika originally belonged to me. Na kami dapat ang nakatakdang magpakasal. Itutuloy ko ang balak ko. Aagawin ko si Mika kay Mark.

Mika

"O, Mika. Bakit ang bilis mo? Hindi mo ba nakita si kuya sa taas?" Tanong ni Mark sa akin.

Oo nakita ko.

"H-hindi eh." Naupo nalang ako sa tabi ni Mark.

Bigla kong naalala iyong nangyari sa kwarto ni Nathan.

Hindi ko maitanggi na may sakit akong naramdaman sa nakita ko. Na nakikipaghalikan siya sa iba. Kahit wala akong karapatan na masaktan.

In fact, all I wanted to do now was to cry.

Nagulat bigla si Mark nang yumakap ako sa kanya at umiyak.

"Why?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Nothing. Gusto ko lanh umiyak. So please give me the permission to wet your shirt."

"Go on, take your time." Hinagod niya ang likod ko.

Natapos na akong umiyak pero hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayakap sa kanya dahil nakita ko sa di-kalayuan si Niel. Gusto kong patunayan sa kanya na mali ang paniniwala nitong nagsisinungaling lang ako sa pagsasabing nagugustuhan ko na si Mark.

Nathan

I clenched my teeth. Nakakailang mura na ako sa isip ko pero hindi pa rin nagbabago su Mark at Mika sa mahigpit na pagkakayakap sa isa't-isa.

Hindi ako papayag na magkagustuhan sila.

I couldn't even stand seeing Mika being hugged by another man, let alone being kissed by my brother!

Anong nangyayari sa akin? Wala akong matandaan na nagalit ako ng ganito dahil sa isang babae. Wala akong maalala na nagselos ako ng ganito.

Selos? Hell yes! Hindi lang inggit ang nararamdaman ko. Pati selos!

"Sneaking on the lovebirds?"

"And you, papa? What are you doing? Sneaking on my every move?"

"I know what you're doing, hijo. Hindi mo mapaglalalangan ang ama mo."

"And what am I doing, papa?"

"You're trying to snatch the position from your brother... through filching Mika."

I gritted my teeth.

"But you know what, son? You could have made it all easy kung sinabi mo lamang sa akin nang maaga na sumusuko ka na sa pakikipag matigasan sa akin. I could have helped you."

"If you think na sa sinasabi ninyo ay makukumbinsi ninyo akong makiusap sa inyo, no freakin' way. And in the end, you'll have no choice but to go in favor of me." Sabi ko ng may mayabang na tono.

"What do you think you can do son? It's top late. Hindi mo na mapapa-ibig si Mika dahil nagkakagustuhan na sila ng kapatid mo. Isa pa, malapit na ang kasal nila. Kung hindi ako nagkakamali, tatlong linggo na lamang at mapapasakamay na ni Mark ang posisyong una kong inalok sa iyo ngunit tinanggihan mo."

Ako ang gusto ni Mika.

"Sa akin sasama si Mika."

"At paano mo nasisiguro iyan?"

Because she belongs to me. It feels so right whenever I hold held close, whenever I kiss her. No woman had ever made me feel like this way before, so I'll be damned if I let her go.

"Let's have a bet then. Kapag napaibig mo si Mika at nagawa mo siyang pasamahin sa iyo. Ipapatigil ko ang kasal nila ni Mark. Sa'yo ko siya ipapakasal at mapapasaiyo ang pagka-CEO."

Sister-In-Lawحيث تعيش القصص. اكتشف الآن