Chapter 27

3.3K 45 1
                                    

Nathan

Agad akong nagpasya na kanselahin ang kasal ni Mark at Mika. At sinabi ko na rin kay mama at papa maging sa magulang ni Mika.

Buti at agad kong napapayag si Mika. Mas magiging komplikado kasi ang bagay-bagay pag hindi namin sinabi agad ang tungkol sa kabubuo pa lang na relasyon namin.

Mika

Hinayaan ko lang si Nathan na ang magsabi sa mga magulang namin at kay Mark.

Na-shock si Doña Isabelle  sa sinabi ni Nathan. Pero ang papa ni Nathan ay ngumiti kay Nathan na tila nanalo sa lotto.

Si Mark naman ay bakas din sa mukha ang pagka gulat at tango nalang ang ginagawa.

Nagpasya akong magpaalam sa kanila para kausapin si Mark.

“I'm... I'm sorry, Mark.” Nahihiyang sabi ko sa kanya habang nakayuko.

“Sorry?” Kumunot ang noo niya. “Come on, Mika. Wala kang dapat ihingi ng 'sorry'. It not as if were getting married because of love.”

“Pero parang... para na rin kitang pinagtaksilan.” Totoong nagi-guilty ako.

“Don't think this way. Nagulat lang ako kaya naging tahimik ako kanina. Kaya pala alalang-alala sa'yo si kuya Nathan noong nalunod ka sa isla. May nararamdaman na pala kayo para sa isa't-isa. Kaya pala no'ng minsang nagkakuwentuhan kami nagkakuwentuhan kami, tinanong niya ako tungkol sa'yo. Tinanong niya ako kung ano ang mararamdaman ko kapag sumama ka sa ibang lalaki bago ang kasal natin. Pakakawalan daw ba kita? He was spying, that jerk!” Nangingiting kwento niya sa akin.

“Thank you, Mark.”

“No. Thank you and my brother for doing this early. Baka kasi kung pinatagal n'yo pa nang kaunti, baka na-in love na ako sa'yo.”

“You're free. May chance ka na uling maghanap ng mamahalin mo.”

“I hope you'll be happy with kuya.”

“I will. And thank you again. I hope you'll be happy too.”

“Itutuloy ko nalang ang pag-aabogado dahil si kuya na ang tatayong CEO pagkatapos ng kasal niyo. Kunsabagay, mas bagay naman talaga si kuya ang maging CEO dahil unang-una, pangarap naman talaga niya iyon. Pangalawa, may master's degree pa iyan sa Business Management. Pangatlo, siya ang panganay.” Napakunot ang noo ko sa narinig ko.

“Bakit bigla-bigla yatang papalit si Nathan ang papalit sa dapat na magiging posisyon mo?”

“Pakakasalan ka niya. Ibig sabihin, siya na ang bagong CEO ng kompanya. That's our father's requirement para makuha ang posisyong iyon sa kompanya. Ang pakasalan ka muna at---- oh mg God.”

“No, Mika. Don't think negatively. I don't have any intension of suggesting that.”

So, pakakasalan lang pala ako para makuha ang pinapangarap niya posisyon sa kompanya.

Hinawakan ako ni Mark sa magkabilang balikat ko.

“Mika, 'wag kang mag-isip ng kung ano. I don't think my brother could do that. Remember when you drowed? Alalang-alala siya sa iyo na muntik na niya akong sapakin dahil sa nangyari sa iyo. Mahal ka niya kaya ka niya pakakasalan. Nagkataon lang na may posisyong kalakip ang pagpapakasal sa iyon.” Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

“Sa kanya ka naman talaga dapat ipapakasal noon. Tumanggi siya dahil ayaw niyang makasal sa taong hindi niya kilala at hindi mahal para makuha ang posisyong iyon. Hindi ka pa niya kilala noon, Mika. And that, therefore, means he loves you. Perphaps having the position was just a bonus reason for marrying you but it's not really the reason. Naiintindihan mo ba ako?”

Medyo lumuwag ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya. Yes, I shouldn't think negatively. I shouldn't jump into conclusions. Mahal ako ni Nathan.

Ngumiti ako. “'Wag kang mag-alala, hindi ako naniniwala na gagawin sa akin ni Nathan iyon.”

“Thank you.”

“Oh, there you are, you two!” Sabi ni Doña Isabelle. Lumapit siya sa amin at hinawakan kaming dalawa sa balikat.

“Hindi ba kayo nagkasamaan ng loob dahil sa sudden and schocking switch?”

“We're okay, 'Ma. I'm actually happy for them.” Sabi ni Mark.

“Well, at least, this time there is love. ” Nakangiting sabi ni Doña Isabelle. “And I'd like to thank and congratulate you, hija. Ikaw lamang ang tanging babaeng nakapagpatino at nakapagpaibig kay Niel.”

Yes, there was love. Kaya hindi dapat ako magpaapekto sa mga nalaman ko mula kay Mark.

ווווו×

The end is near.

Don't worry. May Book 2 pa ito. Sana? Ugh. xD

Sister-In-LawWhere stories live. Discover now