Chapter 15

3.8K 55 0
                                    

Nathan

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ayoko makitang umiiyak siya...

Lalo na sa harap ko.

“You're wrong. Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Hindi ka masamang babae at hindi ganoon ang tingin ko sa'yo.” Sabi ko ng may mahinahong tono.

Hinawakan ko ang baba niya at pinihit ito paharap sa akin.

“I just don't want you to get married to Mark because I don't want just a one-night stand. I couldn't possibly touch you again if you're going to be married with my brother.”

I lied... Again.

Mika

What?! Gusto ba ako maging ka bedmate nito?!

Inalis ko ang kamay niya sa baba ko. Buwiset siya.

“Pwes, wala kang magagawa. Magpapakasal ako kay Mark.” Nag-iba ang aura niya sa sinabi ko.

“Shit!” Umakyat si Nathaniel sa kwarto niya pagkatapos niyang sabihin ang bad word na iyon.

Nathaniel

'Bat ba ako nagkaka-ganito?!

Bakit ako nagagalit sa kapatid ko?!

Sa tanang buhay ko hindi pa ako nagalit sa kanya, at wala namang pagkakataon na nag-away kami dati.

Mahal ko ang nakababatang kapatid ko. Napaka bait niya kaya imposible akong magalit sa kanya.

Pero ngayon hindi ko maitanggi na hindi ako galit sa kanya.

It must be because of Mika.

Normal POV

Kanina lamang tinanggihan siya ng dalaga. Talagang gusto na nito magpakasal sa kapatid ni Nathaniel. She has stepped on his ego. Siya ang kauna-unahang babaeng tumanggi sa kanya.

Nathaniel

“Hell no!” Siguro naiinggit ako sa kapatid ko dahil nasa kanya na ang lahat, si Mika at ang posisyon sa kompanya.

Mark was about to hit to birds with one stone.

The CEO position and a beautiful wife. Naiinggit ako dahil sa akin dapat lahat ng iyon. Sa akin iyon inalok ni papa pero tumanggi ako. Ako dapat ang CEO at ang Fiancé ni Mika.

I couldn't do anything about it now?

Hindi ko gusto na bigyan ng kasiyahan si papa sa pagsasabi na binabawi ko na ang mga sinabi ko sa kanya. Baka pagtawanan niya lang ako.

Hindi ko na marahil na gagawin iyon. Lalo na ay gusto na ni Mika na magpakasal kay Mark. At siya ang susi sa posisyon sa kompanya.

She was the key...

Nagpahinga na ako sa kama. May naisip ako na sulosyon sa problema ko.

I would snatch away Mika from my brother and the CEO position would follow. Hindi ko na kailangang kailangang kausapin pa si papa.

Sa akin naman talaga si Mika at iyong posisyon. Babawiin ko lang naman.

Makatulog na nga.

Kinabukasan...

Mika

“Mika, hija.” Tsk, istorbo naman oh. Natutulog pa iyong tao eh.

“Hija, may pupuntahan tayo.” Teka? Pupuntahan?

Parang boses ni Doña Isabelle iyon ah, at saan naman kami pupunta?

Bumangon na ako.

“Uhm, Doña Isa-”

“Shh, sabi ko sa'yo mama nalang ang itawag mo sa akin diba?”

“Mama, saan po tayo pupunta?”

“Hija, magpapasukay na tayo para sa wedding dress mo.”

Magpapasukat na tayo para sa wedding dress mo.

Magpapasukat na tayo para sa wedding dress mo.

Magpapasukat na tayo para sa wedding dress mo.

What the fudge? Ang bilis naman yata?!

“Ma-mama! Ang bilis naman yata?! Hindi pa po namin lubusang kilala ang isa't-isa.” Totoo naman kase eh.

“Pasensya kana, iyon kasi ang gusto ni John.” Hays, wala naman akong magagawa, makabangon na nga.

Nandito kami ngayon sa isang sikat na wedding coordinator. Nakapili na agad ako ng design ng wedding gown mula sa mga ipinakita sa akin na sketches.

Napili ko ang white satim strapless gown na mula sa parteng balakang ay may mga pahalang na bilog na pleats hanggang sa laylayan. Napaka ganda niyon.

Pero wala akong nararamdaman na excitement sa pagsu-suot niyon. Para malibang ay tinext ko si Mark. Agad naman siyang nag-reply.

Oh sige susunduin kita, pupunta na ako diyan. :)

“Hi.” Nathaniel whispered.

“Ay tipaklong!” Oo nga, mukhang tipaklong ang bumulong sa akin! Napausog ako sa gulat.

Hindi ko namalayan na nakapasok siya dito. At paano niya nalaman na nandito kami?!

“Ano iyang pinapanood mo?” Kasi may T.V dito at maganda ng konti ang palabas.

“Imagine Me And You.”

“I always do.” He teased, smiling crookedly.

Hindi ko na pinansin ang kurimaw na ito, manonood nalang ako.

Hoo, gusto ko nang umalis. His presence made me weak and jumpy, especially now that he made clear his reason of disapproval to my wedding to his brother.

“Hello!” Hay, sa wakas dumating si Mark.

Sinalubong ko siya ng halil sa pisngi.

“Oh, nag-uusap ba kayo ni kuya? Nakaka istorbo ba ako?” Akmang magsasalita na si Nathan kaya uunahan ko na siya.

“Ah, hindi ah. Tara uwi na tayo Mark.”

“Hm'kay. Kuya uuna na kami ah.”

Nakita ko itong tumango bilang tugon. At naglakad na kami palayo ni Mark.

Sister-In-LawWhere stories live. Discover now