Chapter 14

3.5K 67 0
                                    

Nathaniel

Kararating ko lang sa bahay galing ng bar. Psh, ma alok mga si Mika na lumabas bukas. Kami naman...

Nakita ko siya sa hagdan, mukhang pagod na pagod.

Minanmanan ko muna siya, hanggang sa... Hawakan niya ang labi niya. At may bigla akong naalala...

Naghalikan nga pala sila.

“Tsk.”

Nasuntok ko ang pader.

“Ay tipaklong!” Nagulat ata siya.

“Hoy Nathan kung gusto mo makipag-boxing huwag iyang pader ang suntukin mo!”

“Hindi ako nakikipag boxing okay?”

“Oh bakit mo sinuntok iyang pader?”

“Psh, may naalala lang ako, tabi ka nga panget magpapahinga na ako.”

“Makapanget ka akala mo kung sinong guwapo.” Lumingon ako sa kanya.

“Tara mag date tayo bukas.”

“What?” Bingi ba itong babae na ito?

“Sabi ko mag date tayo bukas!”

“Date? Sorry 'di puwede baka may lakad kami bukas ni Mark.” Potek ako naman!

“Mark Mark Mark, puro nalang si Mark!”

Katahimikan...

Mika

Wala na akong masabi. =_____=

“So how do you find my brother?”

Yun buti binasag niya ang katahimikan.

“He's a perfect, gentleman and---”

“He can't even stand kissing you because God might not like it. And I'm pretty sure you won't be happy with him.” Putol niya sa sasabihin ko.

What? Bakit napunta sa kiss ang usapan namin? Sinamaan ko siya ng tingin, sabi na nga ba papainitin lang nito ang ulo ko.

“Paano ka nakaka-siguro na hindi niya ako kayang halikan?”

“Why? did he kiss you already?”

“Bakit ko naman sasabihin sa'yo ang mga ginagawa namin bilang engaged couple? At sino ka para sabihin na hindi ako sasaya sa kanya? Kanina nga lang ang saya namin eh.”

Tahimik lang siya at seryosong nakatingin sa akin.

“I would prefer a saint rather than a devil.” Pabulong kong sabi.

“Really? I'm not sure about that, considering how you did our part that night. You're passionate woman, Mika. Hindi mo makakayang makisabay sa pagiging celibate ni Saint Mark. You'll soon find a devil to fill your needs.”

Naknamputek, nag grin pa.

“You son of a...” I sighed. Kalma Mika, kalma.

Wala naman akong mapapala kung patuloy ko siyang kakausapin.

“Can we settle this once and for all? I'm going to be your Sister-In-Law. Kapatid mo ang mapapangasawa ko. Kung maaari sana magkasundo na tayo bilang  magkapatid na rin.”

“Like hell! Pagkatapos ng nangyari sa atin Mika, I don't think I can accept you as a sister.”

Nathan

Ano ba itong pinagsasabi ko, natanong ko pa kung nakipaghalikan na siya kay Mark, eh kitang kita ko naman na ganoon ang ginagawa nila kanina sa park.

Sorry pero pinagtr-tripan nalang kita na may nangyari talaga sa atin. Kahit wala naman talaga...

“Bakit hindi? Dahil ba hindi na ako nababagay sa kapatid mo dahil hindi na ako malinis? Dahil ba masamang babae na tingin mo sa akin pagkatapos ng...”

Hindi kayo ang bagay dahil tayo ang bagay! Bulag ka ba Mika?!

Sister-In-LawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon