Chapter 23

3.4K 70 0
                                    

Mika

"What are you doing here?" Gulat na tanong ko sa lalaking nakasandal sa pader. Katatapos lang ng fashion show ko. Iyon muna ang huli kong rampa dahil maghahanda pa ako para sa kasal ko.

Umalis ang lalaki sa pagkakasandal sa pader. "Hi!" nakangiting bati niya sa akin.

"Let's go." Sabi niya sabay hila sa kamay ko.

"Hindi ako sasama sa'yo. Bitawan mo ako." pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero hindi niya binibitawan ito.

Nang makalabas kami ng hotel ay huminto kami sa madilim na parking lot.

"Ano ang kailangan mo sa akin?"

"Talaga bang gusto mong magpakasal kag Mark?"

"Yes!"

"Hindi ako papayag." Matigas na sabi niya
"Hindi naman kailangan ang pagpayag mo. Magpapakasal kami sa ayaw at sa gusto mo."

A sly smile formed on his lips. "Really? Ano kaya ang pwede kong gawin para hindi matuloy ang kasal? Kung sasabihin kong may nangyari sa atin bago palang kayo magkakilala ni Mark?"

"You bastard! 'Wag mong gagawin iyan."

"Bakit hindi? Kung iyong lamang ang paraan para hindi matuloy ang kasal ay gagawin ko."

"Bakit mo ba ginagawa 'to? Bakit mo ba ako ginugulo?"

"Because you don't belong to Mark."

"I may not belong to him but I need him to save our company and my father." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha.

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin.

"Do you know how hard it is for me to go through all these things which I think I don't deserve? Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko? Kung gaano kasakit para sa akin ang katotohanang hindi ko hawak ang buhay ko? Kung gaano kahirap para sa akin na kimkimin ang lahat ng ito dahil wala naman akong magagawa?" Tuluyan na akong naiyak.

"You don't know that. Dahil sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi mo alam kung paano ang magsakripisyo para s mga mahal mo sa buhay. Do you even know how to love? No, I don't think so. Because you don't even know the word 'respect.'"

Kinabig niya ako at dinala sa dibdib niya. Dito ako humagulhol. And suprisingly, I felt like I belonged in his arms. Katulad noong unang araw na nagkakilala kami.

He hugged me close. "Hush, baby..." Hinagod niya ang likod ko.

Natauhan ako. I was crying in the arms of enemy. "Let go off me!" Nagpupumiglas na ako pero hindi niya ako binibitawan.

"Listen, I know I've been such an asshole to you. And I'm sorry." Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

Sorry?

"Let me comfort you, Mika. Hayaan mo akong damayan ka. Because believe it or not, nahihirapan akong nakikita kang umiiyak." Muli ay kinabig niya ako para ikulong sa mga bisig niya. "I'm really sorry, baby. Please forgive me."

Yumakap na rin ako sa kanya.

ווו×

"Bakit mo 'ko dinala rito?" Tanong ko kay Nathan dahil hindi niya ako inuwi sa mansiyon. Nakatulog daw kasi ako sa balikat niya habang nasa biyahe.

Sa isang malaking rest house niya ako dinala at walang tao dito dahil siya mismo ang nagbukas ng pinto.

"Nasaan tayo?" Imbis na sumagot at inakabayan ako at pinasok na sa loob ng bahay. Bastos!

Pagkapasok ay nagsalita siya, "Nasa Tagaytay tayo. Rest house ko ito. Maganda rito. Abot-tanaw ang Taal Volcano."

Nagtataka ako dahil bukas lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Hindi ko maiwasang suriin ito.

"Sandali, tatawagin ko lang si Manang Godyang sa kalapit na bahay. Magpapahanda ako ng pagkain." Lalabas na sana siya kaso pinigilan ko siya.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit mo ako dinala dito? Bakit hindi mo ako inuwi? Baka nag-aalala na sa akin si Mark."

"Mark!" Sigaw nito sa akin ng may matigas na tono. "Ite-text mo siya at gagawa ka ng alibi kung nasaan ks at kung hindi ka na nakapagpaalam sa kanila kanina bago ka umalis ng hotel. Sabihin mo na ring hindi ka uuwi ngayong gabi."

"Ba-bakit ko gagawin iyon?"

"Kaysa naman malaman nilang magkasama tayo ngayon. I don't think you'll all like the idea."

"Pero bakit nga kailangang dalhin mo ako rito?"

Hindi siya agad sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. Lumapit siya. Kinakabahan ako. Hinawakan niya ako sa balikat.

"Because I want to be with you. Alone."

Pakiramdam ko ay nagtayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Pero gusto kp rin iyon. Pero mapanganib kung kasama ko ito. Baka mawala ako sa katinuan at kung ano pa ang gawin namin.

"B-bakit?"

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.

"I want to be with because it feels so right to be close to you." Bulong niya sa akin. I gasped when I felt his warm lips brush against my earlobe.

"Nathan..."

He gathered me in his arms. He hugged me so close. "I want to hold you like this. You are meant to be in my arms, Mika. Don't you know that?"

Yes, that was what my heart believed too. Nang yakapin ako ni Mark sa isla ay hindi ko naramdaman ang nararamdaman ko ngayon.

I wanted to be in his arms forever but I couldn't. Malapit na kaming ikasal ni Mark kaya hindi dapat ako nagpapayakap kay Nathan.

"Nathan, please..." Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya para magkaroon kami ng distansya. "Iuwi mo na ako."

"Kapag inuwi kita ngayon, hindi mo na ako makikita kahit kailan."

Napatitig ako sa kanya. Parang hiniwa ang puso ko sa sinabi niya.

The thought of not seeing him anymore made me want to cry. Pero iyon ang dapat.

"Please, don't make this hard for me. Malapit na ang kasal namin ng kapatid mo."

"The more you should back out of that wedding hanggang malayo pa ang petsa. Pareho kayo ng nararamdaman ni Mark. Parehong hindi ninyo gusto ang kasal na ito. Kaya 'wag kang mag-alala na baka masaktan siya kung umurong ka sa kasal."

"Hindi iyon ang inaalala ko, Nathan, kundi ang mga magulang ko."

"'Wag mo silang alalahanin. I'm also a Dela Cruz. Tutulungan kitang hindi makulong ang papa mo at pati ang kompanya ninyo."

Napamaang ako. "Tutulungan mo ako?"

"Yes. Just trust me...and come with me. Back out of the wedding and be with me." masuyong sabi niya.

"Because you belong with me."

When he claimed my mouth, I responded eagerly to his kiss. I knew where that would lead me. Hindi ko na inisip kung gaano kasakit ang magiging papel niya sa buhay ko oras na pumayag akong sumama sa kanya.

When he lay me on the sofa and undressed me, I couldn't think of anything but the truth that I was dying to be with him.

Sister-In-LawWhere stories live. Discover now