Chapter 19

3.1K 56 0
                                    

Nathan

"Mika! The heck, please wake up!" Sigaw ko habang niyuyugyog ang balikat niya at tinatampal ang pisngi niya.

Pinisil ko ang ilong niya yumuko ako at idinikit ang mga labi ko sa bibig niya.

"Anong nangyari?" Tanong ng kapatid ko sa akin at lumuhod ito sa tabi ni Mika.

"Bakit may dugo ang binti niya?"

"She drowned." Sagot ni Shane.

"What?!" Bulalas ni Mark.

"Bakit mo iniwan si Mika sa malalim na lugar? Alam mong papa gabi na!" Sigaw ko sa kanya habang pina-pump ang dibdib ni Mika.

Nakaramdam ako mg takot.

Kanina nakita ko ulo nalang niya ang nakalitaw sa dagat at doon na ako nagkaroon ng kaba.

Akala ko sumisisid lang siya. Nalulunod na pala.

Nakaramdam ako ng matinding kaba dahil hindi siya nagre-response sa CPR ko. Gusto kong sapakin itong kapatid ko dahil iniwan niya sa malalim na lugar si Mika. Hindi ko nalang iyon ginawa dahil mas mahalaga na magkamalay si Mika.

"Thank God." Sabi ng kapatid ko ng makitang gumalaw ng kaunti si Mika. Hinagod ko naman ang likod niya.

"Are you alright?" Tanong ko sa kanya.

Mukhang nagulat siya nang makita ako. Tumingin siya kay Mark na para bang nagtatanong.

"Okay ka na ba Mika?" Nag-aalalang tanong ng kapatid ko.

Tumango naman siya bilang sagot. Binuhat ko siya papuntang cottage at hindi ko na pinansin si Mark at Shane kung sumunod sila.

"God, Mika. Tinakot mo ako." Hingal na wika ko pagkatapos ko siya ilapag sa kama kinumutan ko na rin siya dahil baka lamigin siya.

"Thank God you're safe Mika." Sabi ko ulit. Bago pa siya makapagsalita ay hinalikan ko na siya.

"Hindi ko mapapatawad si Mark kung may nangyari sa iyo." Hinaplos ko ang mukha niya.

Kumunot ang noo ni Mika at parang nagtataka. Kumilos siya at bumangon.

"Aw!" Sabi niya.

"Shit, may sugat ka nga pala."

Kinuha ko ang first aid at sinimulang gamutin ang sugat niya.

-------

"What happened? Nalunod daw si Mika?" Tanong kaagad sa amin ni Mama.

"Opo."

"Bakit nangyari ito? Bakit si Nathan ang nag aasikaso kay Mika at hindi ikaw Mark? Nasaan ka nang nagyari ito?" Tanong ni Papa kay Mark.

"Iniwanan ko siya sa dagat. Tumakbo ako para kuhanin ang camera ko dahil balak kong kunan ang sunset. I'm sorry, mama. I'm sorry papa."

"Wala kang kasalanan, Mark."

"Sana ay umahon na rin ako nang magpaalam siyang kukunin ang camera niya. Naaliw po kasi ako sa sunset. Nakalimutan kong papadilim na at tumataas na pala ang tubig. I'm sorry. Pinag-alala ko kayong lahat."

"May kasalanan pa rin si Mark. Pananagutan ka niya dahil fiancé ka niya. Dapat ay binabantayan ka niya." Sabi ni papa.

"Mabuti na lamang at ligtas ka, hija. Bueno, sa nangyari dapat siguro ay umuwi na tayo bukas."

Shane

Shit! Si Mika at Nathan may tinatagong sikreto? Sila na nga ni Mark may Nathan pa?

Lintik lang ang walang ganti, Mika.

Humanda ka.

Sister-In-LawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon