Epilogue (Medyo SPG)

4.8K 61 2
                                    


Medyo SPG po ito okay? I swear. Nahihiya ako sa pinaggagawa ko. Pero hindi po ako yung gumawa ng BS. Yung pinsan ko po. Hanggang sa b-day wish lang ako ni Collumn.

Kung hindi kayo mahilig sa BS. Wag niyo ng basahin to. Kaunti lang naman ang BS.
---
Nathan

Marami ring nangyari sa amin ni Mika pagkatapos ng kasal namin. Tulad noong issue na may kabit daw ako. Haha. Nakakatuwa nga eh. Parang bulkan na siya na sasabog anumang oras. Sinugod niya pa iyong babae sa kompanya at gumawa ng eskandalo pero wala lang sa amin ni papa iyon dahil mali naman pala ang akala nilang may kabit ako. Naniwala agad sila sa kumalat na litrato ko kasama ang isang babae na nakahubot hubad kami.

Sa totoo lang wala akong maalala. Ang alam ko lang ay nag-away kami ni Mika noon at umalis ako. Pumunta ako ng opisina ko at doon ako uminom ng alak hanggang sa mawala na ako sa huwisyo.

Ang alam ko lang ay may babaeng pumasok sa room ko at hinila ako kung saan at kinabukasan pag gising ko wala na ako ni isang saplot.

Hindi na ako nag abalang umuwi dahil madami akong gagawin sa opisina. May extra naman akong damit doon. Kaso pagdating ko ay pinagbubulungan ako ng mga nagta-trabaho.

Hanggang sa may magsalita na sumugod daw dito si Mika at pinagsasabunutan ang isa sa empleyado dito.

Napaamin naman namin yung babae sa totoong nangyari.

Pagkatapos ng nangyari na iyon ay sinesante ko ang babae.

Naalala ko pa pagkatapos ng pangyayari na iyon ay may magandang balita siyang sinabi sa amin. At hinding-hindi ko makakalimutan iyon.

“I'm pregnant.”

Halos magtatatalon ako sa tuwa noong at binuhat ko pa siya. Hanggang sa isilang niya iyong panganay namin lalaki siya at pinangalanan namin siyang Collumn.

Collumn Dela Cruz. 6 Years old na siya ngayon. Namana niya nga yata sa akin ang pagiging matigas ang ulo. Pero kuhang-kuha niya ang mata ng kanyang ina.

Mata lang at akin na ang lahat!

“Ready, baby?” Narinig ko siyang nagsalita.

“Yes, I'm ready. How about you, little Nathan?”

“I'm always ready, daddy.”

“Okay, let's go na. Baka ma-late na tayo sa party mo.”

Birthday niya ngayong November 12. At sakto ring wakas ng istorya na ito. Puhaha.

∞ ○ ∞ ○ ∞

“Happy birthday to you,
Happy birthday to you,
Happy birthday, happy birthday dear Collumn, happy birthday to you...”

“HAPPY 6TH BIRTHDAY COLLUMN!”

“Ahem, birthday boy may birthday wish ka ba?” Tanong ng kaibigan na bakla ni Mika. Vivien ata.

“Ahmm... I want a baby girl!” Sigaw ng anak ko habang nakangiti. That's my boy!

“Tinignan ko si Mika na namumula.”

“Ang ganda ng birthday wish ng anak natin ano?” Tanong ko sa kanya habang nalangiti.

“He! Ewan ko sa iyo.”

“Oh my God baby boy, ayaw ata ni mommy na magkaroon ng baby girl!” Lalong nagsitawanan ang mga bisita namin dahil sa sinabi ni Vivien.

“Vivien!” Sigaw ni Mika habang binibigyan ng humanda-ka-sa-akin-look.

Sister-In-LawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon