Chapter 20

3.3K 50 0
                                    

Mika

At iyon na nga. Kinabukasan ay umuwi na kami para daw maipatingin ako sa doktor.

Pumunta ako sa TV room para manood, at namili ako ng pelikula. Imagine Me And You nanaman. Dahil last time na nanonood ako nito ay hindi ko na maintindihan dahil may ulupong na epal.

May eksena kasi dito na tungkol sa pagpapakasal. Feeling ko ako iyong nasa sitwasyon noong babae.

Gawin ko kaya iyong ginawa ng babae? Sa mismong araw ng kasal ko ay may makikita akong guwapong lalaki sa mga guests at sasama ako sa taong iyon. Na-love at first sight kung baga.

Love at first sight. Marami ang hindi naniniwala sa catchphrase na iyon. It was because people tended to define it literally and ended up disagreeing with it. Physical Attraction lang ang tawag doon. But for me, it was more than just physical attraction.

It was chemistry.

It was a magical moment.

It was an unexplainable connection with another person.

Biglang pumasok sa isip ko si Nathan. What I felt for him last night wasn't just physical attraction. It was more than that. Nang makita ko siya kagabi. Iba ang naramdaman ko.

Okay, may ulupong nanaman.

"It's late. Matutulog na ako." Tumayo ako at pinigilan niya ako sa braso.

"Hindi pa tapos ang movie."

"Bukas ko nalang tatapusin."

"You don't have to run away from me, Mika. We'll soon be siblings-in-law. Dapat siguro ay magkasundo na tayo bilang magkapamilya."Napatingin ako sa kanya.

Seryoso ba 'to? Noong nakaraang araw nga parang gusto niya akong gawing bedmate.

"Dali na, tapusin na natin iyong movie."

Hays, pasalamat siya maganda iyong movie.

Tahimik lang kaming nanood. Madilim ang paligid at tanging liwanag lang sa TV ang nakikita.

Inisip ko nalang na ako lang mag-isa dito sa TV room. Pilit kong tinututok ang atensiyon ko sa pinapanood. But minutes late I admitted it hard when he was that close.

"What's the storyline?"

"She ran away from her wedding when she spotted an attractive stranger among her guests. A case of love at first sight." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya dahil alam kong nakatingin din siya sa akin.

"Talaga? Sa tingin ko tama ang ginawa niya dahil hindi niya naman mahal ang pakakasalan niya."

Psh, alam ko ako iyong pinapatamaan mong ulupong ka.

"Pero sa tingin ko sa estupido siya dahil sa mismong araw pa siya nang kasal niya umatras."

"That's why you should run away now, hangga't hindi pa dumarating ang araw na iyon." Gago, kanino ako sasama? Sa'yo? Huwag na. Kaya nga ako magpapakasal dahil ayokong makulong si papa eh.

"You deserve someone who could light the fire in you, Mika, someone who could melt you with his kisses." Napalingon naman ako sa sinabi niya.

At dahil nga nakatitig siya sa akin nagkatitigan na kami.

Ilang inch lang ang pagitan.

Palipat-lipat ang tingin niya sa mga mata ko at labi ko na bahagyang nakaawang.

Nakita ko siyang ngumiti. No scratch that. Ngumisi. May binabalak ito.

Naalala ko nanaman ang naramdaman ko noon sa bar. I wanted to slap myself because I was dying to feel those lips to mine again.

I knew it was wrong but I missed his kisses, his touch----

Napamulat ako dahil sakop na niya ang labi ko. His hand went to my nape to tilt my head and sent his tongue deep.

Tumutugon na rin ako sa mga halik niya.

"I think I-I should go."

Hinawaka niya ang kamay ko, "You can't run away from me Mika. I won't deny the fact that I want you so bad and I'll have you again."

"Ma-mali i-to, Na-Nathan." Halos pabulong kong sabi.

Sabi ko at hinatak ko ang kamay ko at tuluyan ng umalis.

Sister-In-LawWhere stories live. Discover now