Chapter 21

3.3K 50 0
                                    

Guys, may ginawa po iyong classmate ko na BS Chapter. Nasa profile ko iyon naka private.

Paki follow nalang ako kung gusto niyong mabasa yung Special Chapter at unfollow nalang kung gusto niyo.

Mika

"Try this, Mika." Sabi sa akin ni Mark. Nilagyan niya ulam ang plato ko.

Napangiti nalang ako, "Huwag mong ramihan ah! Baka hindi ko maubos."

Kumpleto kami ngayon. Nandito si Nathan na patingin-tingin sa tuwing nilalagyan ni Mark ng pagkain ang plato ko.

Asikasong-asikaso ako ni Mark, hindi ko rin kasi siya nakita nang nagdaang araw dahil busy siya sa pag-aaral sa pasikot-sikot sa kumpanya.

Ako naman busy rin kaka practice sa rehearsal. Kasali kasi ako sa fashion show.

"Mukhang miss niyo ang isa't-isa ah? Ilang araw lang naman kayo hindi nagkita." Sabi ni Doña Isabelle.

"Kaya nga sabi ko kay Mika ay tumigil na siya sa pagmo-modelo at pumasok na sa kumpanya para araw-araw sila magkita ni Mark." Sabi ng papa ni Mark.

"But she loves modeling, darling. Hayaan na muna natin siyang magmodelo hanggang sa makasal sila. Tutal, when she becomes pregnant, hindi na siya makakapag modelo dahil mas kaikangan niyang alagaan ang apo natin." Prostesta ni Doña Isabelle.

"Kunsabagay."

Napayuko nalang ako sa mga narinig ko. Kailangan ko na ba talagang magka-anak? Oo gusto ko rin magka-anak. Pero sa tingin ko ay napaka bata ko pa para maging isang ina. 23 palang ako at madami pa akong gustong gawin sa buhay.

"Hindi ako makapaniwalang pati ang bagong miyembro ng pamilya ay gusto mong paikutin sa palad, papa." Sabi ni Niel. Agad kaming tumingin sa kinauupuan niya.

"Stop it, you two." Saway ni Doña sa mag-ama.

Akala ko ay magbibitiw ng salita ang papa ni Nathan at Mark pero mukhang namangha pa ito sa sinabi ni Nathan.

"Maybe because I can't control one of my sons kaya naghahanap ako ng ibang buhay na kokontrolin ko. I just hope na hanggang sa mga oras na ito ay hindi mo pa pinagsisisihan ang pagtangging magpaikot sa palad ko, son."

Nathan

Nagsalubong ang kilay ko sa mga sinabi ni papa. Alam kong inaasar niya lang ako. Sinasadya niya akong inggitin sa mga makukuha ni Mark para ako na ang lumapit at magmakaawa sa kanya.

Makiusap? That was not my style. Alam niya iyon dahil pareho kami ng ugali. Parehong matigas ang ulo namin. Gagawin ko kung ano ang gusto ko at wala sa bokabularyo ko ang magpakababa ng loob at makiusap.

And I would be damned if I would stoop down and lower my pride. Hinding-hindi ako makikiusap sa kanya. Mayroon akong sariling plano para maipanalo ko ang laro ni papa without comprimising my pride.

Tumingin ako kay Mika at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Pero agad niya namang tinanggal amg tingin at itinuloy ang pagkain.

Siya ang magiging game card ko. Kapag nakumbinsi ko na sumama siya sa akin, mapipilitan si papa na sa akin na lamang ipakasal si Mika tulad ng orihinal na plano niya.

Sa proseso, mapapasaakin na ang posisyon sa kumpanya.

Wala namang magiging problema kay Mark. Alam kong hindi niya gustong magpakasal. Alam ko din na hindi siya attracted kay Mika.

Mika. I couldn't believe what her kisses did to me. Kagabi ay natikman ko uli ang mga labi niya. I even thought of taking her again inside the TV room when she left.

Alam kong gusto niya rin iyon. Bakit naman siya tutugon sa halik ko kung hindi niya gusto iyon?

Nagsinungaling siya sa sinabi niya na nagugustuhan niya na si Mark pati ang pagpapakasal sa kanya.

Babawiin ko siya at kasama nito ang posisyon ng pagiging CEO.

"Unfortunately, no. Sorry to disappoint you, papa." At ipinagpatuloy ko na ang pagkain.

"We'll see about that hijo."

"Hay, tama na 'yan. Kayo talagang mag-ama."

------

Mika

Hinahanap ko ngayon si Nathan at ang abs niya sa napakalaking bahay nila.

Kakatok sa na ako sa pinto pero nagulat ako sa nakita ko.

Nakaupo ang ulupong aa gilid ng kama at nakakandong sa kanya si Shane. Hinahagkan niya yung dibdib ni Nathan pero parang lutang ito.

"Niel, honey."

"Kagabi ayaw mo. Pati ba naman ngayon?"

"Shane, this is not the time for that."

Halos paulanan na ng halik ni Shane si Nathan sa mukha. Nang halikan siya nito sa labi ay hindi na tumutol ang ulupong.

Nasa kalaliman na sila ng laplapan nila. (Kadire term haha! Trip ko lang)

Aray, leche. Ano ba iyon. Pagtingin ko sa baba ay may lamok kaya hindi ko napansin na napabukas na pala pinto dahil natulak ko ata ng kaunti.

"I'm... I'm sorry. K-kumakatok kasi ako pero hindi n'yo siguro narinig kaya pumasok na ako. I'm sorry again." Pagdadahilan ko. Hay, kung kumakatok ako imposibleng hindi nila marinig iyon dahil tahimik lang silang naghahalikan.

Nagmamadali akong lumabas sa kwarto ni Nathan.

"Mika!"

Sister-In-LawWhere stories live. Discover now