One

1.4K 37 4
                                    

***Markus' POV***

   "You're late." Bungad niya nang makita akong nakatayo sa booth na iyon. Actually ay kani-kanina pa ako roon at naabutan ko siyang nakadukdok sa mesa.

   Iiling iling ko lang siyang pinagmamasdan.

   "I'm not. Maaga ka lang." Sagot ko matapos kong maupo sa katapat na couch.

   "Jiro." Tawag niya sa waiter na agad namang lumapit.

   "Yes, my dearest Kalen?"

   Namumungay ang mga mata niyang nginitian ang waiter. "Half bucket and isha pang plate nito." Turo niya sa plato na hindi ko alam ang laman dahil puro tira na lang iyon.

   "Coming right up, sweetie."

   Kumindat pa ang waiter bago umalis na ikinainis ko. I hate that waiter.

   "You should go home, Kal. Halika na ihahatid na kita. You're wasted."

   "Wasted? Ano bang shinashabi mo, ha? Wala pa nga ako sa kalahati eh. Wag kang killjoy." Halos dumukdok na siya sa table.

   Tinitigan ko siya at sinuri. Kahit anong tingin ko ay talagang lasing na siya. Hindi naman siya sanay uminom. Kahit kaunting alcohol lang ang inumin niya ay mabilis siyang tinatamaan.

   Tumayo ako at lumipat sa tabi niya.

   "Come on. Wag ka nang makulit, iuuwi na kita."

   Dinampot ko ang cellphone at wallet niya saka ko iyon ibinulsa.

   Halos hindi na niya maidilat ang mga mata at namumula na rin ang pisngi niya sa kalasingan.

   "Ugh. 'Di ako lasheng. Markush Vienne Paddison."

   Tinapik niya ang kamay ko saka siya tumawa.

   "Nakakatawa initial ng name mo. MVP." Muli siyang tumawa. "Player ka ba?" Saka niya dinutdot ang dibdib ko sa nanlalambot na galaw.

   Kinunotan ko siya ng noo. Hindi ko maintindihan ang taong ito. Matagal na siyang hindi umiinom. Why now? Siguradong hindi na naman siya makakabangon bukas ng umaga.

   "Huy. Shabi ko. Player ka ba?" Pabulol na sabi niya.

   Bumuntong-hininga ako saka siya pinagbigyan sa boring niyang joke.

   "Bakit?" Patamad kong tanong.

   "Eh kashe, MVP ka." Saka siya tumawa na para bang iyon na ang pinakanakakatawang pick up line sa mundo.

   "Okay, now, let's go."

   Dumukot ako ng ilang lilibuhing bills sa sarili kong wallet at inilapag sa table. Bayad sa nainom niya at sa hindi pa dumadating na order.

   Ipinatong ko ang braso niya sa balikat ko saka ko hinapit ang maliit niyang katawan. He smelled like alcohol. Pero hindi niyon matalo ang natural sweet scent ng katawan niya.

   Inakay ko na siya palabas ng bar.

   "Malaya ka na. Magagawa mo na ang lahat ng gushto mo, kahit mashaktan man ako. Malaya ka na wag ka nang umasha pang magbabalik ako, lilimutin ka't hindi mabibigoooooo...hoooo!"

   Here we go again. Lasing na nga siya. He only sings when he's drunk. At isa rin ito sa dahilan kung bakit ayaw ko siyang nalalasing. He has a horrible singing voice.

   Nang marating namin ang kotse ay maingat ko siyang isinakay sa passenger seat saka in-adjust ang sandalan niyon pahiga.

   Habang byahe ay panaka-naka siyang umuusal ng mga salitang hindi ko maintindihan.

An Open Letter to My Ex ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon